Dahil summer ngayon, karaniwan nang nagpupunta ang mga pamilya sa dagat, o kaya sa swimming pool para magpalamig at magrelax. At syempre, importante rin sa mga magulang na siguradihing hindi mapapahamak ang kanilang mga anak kapag lumalangoy. Kaya nga todo bantay ang karamihan, at binibigyan pa ng floaters ang kanilang mga anak.
Ngunit may insidenteng nangyari sa isang hotel, kung saan napabayaan habang lumalangoy ang isang 6-anyos na bata. Dahil dito siya ay nalunod sa swimming pool, at namatay.
6-anyos nalunod sa swimming pool matapos mapabayaan
Nangyari raw ang insidente sa isang pool sa Festive Hotel sa Sentosa, Singapore. Kasama raw ng 6-anyos na batang babae ang kaniyang nakatatandang tiyuhin.
Ayon sa tiyuhin niya ay inakala raw niyang marunong lumangoy ang kaniyang pamangkin. Kaya hinayaan lang raw niya itong lumangoy. Dagdag oa niya, may floater naman raw na suot ang bata, ngunit nalunod pa rin ito.
Nakita na lamang ang bata na palutang-lutang sa pool, at dali-dali itong dinala sa ospital upang ma-revive.
Inakala pa ng kaniyang kamag-anak na siya ay mabubuhay, ngunit sa kasamaang palad ay pumanaw siya matapos ang 10 araw sa ospital.
Ayon sa pamilya, wala raw lifeguards na nagbabantay sa pool, at wala rin daw signs na nagsasabi kung gaano kalalim ang tubig. Ngunit ayon sa korte, ang may sala raw ay ang kawalan ng pagbabantay sa bata habang lumalangoy.
Mahalagang bantayan ang mga bata kapag lumalangoy
Masaya ang lumangoy, at isa itong fun na bonding activity para sa mga pamilya. Ngunit kahit na marunong lumangoy ang inyong mga anak, importante pa rin na huwag silang pabayaang mag-isa. Heto ang ilang mga tips para sa mga magulang:
- Huwag lumangoy sa malalim, o kaya sa mga lugar kung saan kakaunti lamang ang mga tao
- Magsuot ng salbabida o kaya floaters kapag hindi sanay lumangoy
- Wag masyadong lumangoy sa malayo, dahil kung ikaw ay malunod, mahirap ang magiging pag-rescue
- Turuan ang mga bata na sa dalampasigan lang maglaro, at umiwas na pumunta sa malalalim na bahagi ng dagat
- Bago lumangoy, alamin muna kung gaano kalalim ang dagat o pool upang masiguradong ligtas lumangoy dito
- Hangga’t-maaari lumangoy lamang sa mga lugar kung saan mayroong lifeguard na puwedeng magligtas sa mga nalulunod
Source: Asia One
Basahin: Toddler climbs over pool fence, reminding us to never take safety for granted
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!