Likas na sa mga bata ang pagiging malikot o mapaglaro. Likas din sa kanila ang pagiging mausisa, at gusto nilang inaalam ang lahat ng bagay na kanilang makita. Ngunit minsan, ito rin ang naglalagay ng buhay nila sa panganib, tulad na lang ng nangyari sa isang batang na-trap sa dryer.
Paano kaya ito nangyari, at ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang ganitong aksidente?
Batang na-trap sa dryer, iniimbestigahan ng mga pulis
Ang batang na-trap sa dryer ay nakatira sa Virginia Beach, Virgina, sa Amerika. Magkasama sila sa bahay ng kaniyang ama, at kakatapos lang daw ng kaniyang ikatlong kaarawan nang mangyari ang insidente.
Natagpuan daw siya sa loob ng dryer ng kaniyang ama na si Chet Lloyd. Matapos makita ang anak, agad raw siyang tumawag sa 911 upang humingi ng tulong. Habang inaantay ang 911, sinubukan niyang iresuscitate ang kaniyang anak.
Hindi daw rumeresponde ang bata, at pawis na pawis. Dagdag pa niya, hindi daw niya alam kung nag-panic ang kaniyang anak at hindi makalabas. May asthma raw ang kaniyang anak.
Noong araw din daw na yun, madalas daw mag-tantrum at umiyak ang kaniyang anak.
Sa tingin niya, pumasok daw sa loob ng dryer ang bata at hindi na nakalabas.
Sa tahanan nagsisimula ang kaligtasan
Napakadali para sa mga bata ang makapasok sa dryer, ngunit mahihirapan silang lumabas | Source: Flickr
Napakahalaga para sa mga magulang na siguraduhing ligtas ang kanilang tahanan. Heto ang ilang mga mahahalagang tips na dapat tandaan ng mga magulang:
- Kung bibili ng dryer o washing machine para sa bahay, umiwas sa mga frontloading na machine. Ito ay dahil mas madaling makakapasok sa loob nito ang mga bata.
- Kapag mayroon kayong hagdan, gumamit ng mga stair gate upang hindi basta-basta makaakyat o makababa ang iyong anak.
- Kapag hindi nagluluto, ugaliing patayin ang gas upang makaiwas sa aksidente.
- Kung gumagamit kayo ng kandila, siguraduhing patayin ito bago kayo matulog upang hindi mapabayaan.
- Palaging bantayan ang iyong anak, lalong-lalo na ang mga maliliiit na bata.
- Ilayo ang mga masasamang kemikal, gamot, at kung anu-ano pa sa iyong anak. Mabuting ilagay ito sa mataas na cabinet, o sa naka-lock na lalagyan.
- Ugaliing tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit.
Source: ABC News
Basahin: Sanggol namatay matapos makalunok ng takip ng bote!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!