Likas sa ating mga pinoy ang pagkakaroon ng bawat pamahiin sa loob at labas ng bahay. Yung mismong pagdaan ng black na pusa may paniniwala tayo padating dyan. Ngunit panigurado, napakakinggan mo na ang pamahiin sa pagligo ng buntis sa gabi. Bothered ka ba mommy at naghahanap ng kasagutan kung totoo ba ang pamahiin na ito? Bawal ba talaga sa buntis ang maligo sa gabi?
Tamang oras ng pagligo ng buntis | Image from linaverovaya on Unsplash
Ang pagligo ng buntis: Ano ang mga dapat tandaan?
Ang pagligo ng isang buntis ay isang karaniwan na topic sa pregnancy.
Maaaring maligo ang isang buntis na babae ngunit dapat tandaan niya ang mga dapat at bawal gawin sa pagligo. Unang-una na diyan ay ang tamang temperature ng tubig kapag maliligo. Bawal nilang ipang-ligo ang mainit na tubig na nasa 101-102°F sa loob ng sampung minuto. Ito ay dahil kapag tumaas ang body temperature ng isang buntis ay maaari itong magkaroon ng hyperthermia. Ayon sa ibang pag-aaral, ang pagkakaroon ng mataas na body temperature ay maaaring magdulot sa buntis ng spina bifida. Isang kondisyon kung saan wala sa ayos ang pagform ng spine at spinal cord sa bata.
Ang pagligo ng mainit na tubig sa buntis ay maaaring magdulot ng pagbaba ng blood pressure, pagkahina, pagkahilo at birth defect.
Mas healthy para sa buntis ang warm water. Makapagdudulot ito sa kanya ng comfortable at soothing na pakiramdam.
Say no no na rin muna momy sa mga bath bomb, scented oil o iba pang mga palamuti o pampabangong nilalagay sa bath tub at pagligo. Maaaari kasi itong makaapekto sa vagina at magkaroon ng yeast infection.
Bawal ba sa buntis ang maligo sa gabi? | Image from Sandra Seitamaa on Unsplash
Tamang oras ng pagligo ng buntis: 1st trimester
Mahalaga ang first trimester para sa iyong baby. Ito ay dahil dito na na unti-unting nagdedevelop ang organs ng iyong anak. Ang sobra-sobrang init sa katawan ng buntis ay maaaring makapagdulot ng kompliasyon sa bata katulad ng congenital disabilities. Upang maiwasan ito, narito ang mga kailangang tandaan:
- Gumamit ng warm water sa pagligo
- Gumamit ng organic products sa pagligo
- ‘Wag magbabad sa tubig ng matagal
Tamang oras ng pagligo ng buntis: 2nd trimester
Pagsapit ng iyong 2nd trimester ng iyong pagbubuntis, mararamdaman mo ang paglaki ng iyong baby bump. Nangangalay kana din at mabilis mapagod. Ang pagligo na lamang ang iyong relaxing moment sa pagkakataong ito.
- Makakatulong ang hot water sa pananakit ng binti
- ‘Wag tagalan ang pagligo
- Warm water pa rin ang ugaliing gamitin
Tamang oras ng pagligo ng buntis: 3rd trimester
Pagsapit ng iyong 3rd trimester, dito mo na mararamdaman ng todo ang tunay na hirap ng pagbubuntis. Pananakit ng likod, pagkahilo, mabilis mapagod at iba pang pangkaraniwang nararanasan ng isang buntis sa kanyang 3rd trimester.
- Doble ingat sa pagpunta sa banyo dahil maaaring makadulas o makapatid sa’yo ang madulas na sahig.
- I-relax ang sarili sa warm water.bawal ba sa buntis ang maligo sa gabi
Bawal ba sa buntis ang maligo sa gabi? | Image from Elly Johnson on Unsplash
Bawal ba sa buntis ang maligo sa gabi?
Ayon sa medical na explanation, walang katotohanan ito. Sa makatuwid, ang pagligo ng buntis sa gabi ay nakakatulong para mabalanse ang init ng katawan nito. Ang mga pregnant moms kasi ay mayroong mainit na body temperature kumpara sa normal na tao.
Nakakatulong ang pagligo sa gabi sa mga buntis para marelax ang kanilang katawan at magkaroon ng maayos na pagtulog sa gabi. Maganda rin ito para sa blood circulation nila.
Tandaan, hindi masama kung papakinggan o paniniwalaan mo ang mga pamahiin. Nakasasama lang ito sa’yo kung dito ka magbabase ng desisyon o aasa ng buo. Sa ganitong pagkakataon, mas magandang pagkatiwalaan ang medikal na doctor imbes mag self medication o umasa sa mga sabi-sabi lamang.
BASAHIN:
Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!