Paalala ng Vatican sa mga Simbahang Katoliko, huwag na munang mangolekta ng bayad sa kasal sa simbahan.
Bayad sa kasal sa simbahan
Sa krisis na kinakaharap nating lahat ngayon, mayroon pa rin ang mga pumipiling magdaos ng mga kasal. At ito naman ay pinapayagan hanggang sumusunod ito sa mga new normal protocols. Pero giit ng Vatican, huwag na munang maningil ng bayad sa kasal sa simbahan.
Ito ang nakasaad sa batas kaugnay ng mga sakramentong idinaraos sa mga simbahan.
“The need not to ‘commercialise’” masses or “give the impression that the celebration of the Sacraments… are subject to tariffs”.
Image from BBC
Sa paliwanag ng Vatican, noon pa man ay dini-discourage na ang mga fees na ito dahil parang nawawala ang essence ng mga Holy Sacraments na ito. Pero dahil mayroon talagang mga cost sa Simbahan ang mga events na ito, hindi maiiwasan na mangolekta pa rin ng fixed fees.
Pero pakiusap muli ng Vatican,
“An offering, by its very nature, must be a free act on the part of the one offering… not a ‘price to pay’ or a ‘fee to exact’, as if dealing with a sort of ‘tax’.”
Sunday mass
Dahil sa pandemya at lockdown, maging ang mga Simbahan ay naapektuhan dahil ipinagbawal ang mga mass gathering. Dahil dito, wala ring pumapasok na mga donations sa mga ilang simbahan. Gayunpaman, mayroon namang ilan na nakapaglunsad ng mga online churches kung saan nakakapagpatuloy pa rin ang mga Church events.
Bayad sa kasal sa simbahan: Weddings during COVID-19
Image from Freepik
Ano nga ba ang mga dapat mong malaman kung plano niyong magpakasal ngayong may pandemic? Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP, narito ang mga rules na kailangang sundin.
“Due to social distancing, wedding celebrations this year will have to be simpler than usual. We have to forego all of the secondary elements of a normal wedding such as the entourage.”
Tanging ang mga magulang lang ng bride at groom ang papayagan. Hindi rin puwede ang mga ninong at ninang sa ngayon. Required din silang lahat na mag-mask habang dinaraos ang seremonya.
Limited din hanggang limang tao lang ang puwede sa loob ng simbahan.
Ayon kay Chief Justice Diosdado Peralta at sa Administrative Circular No. 39-2020 na na-issue noong Mayo:
“Civil weddings may be solemnized, provided the parties, witnesses and guests shall not exceed five, as provided in the Guidelines on the Phased Transition from ECQ (enhanced community quarantine) to GCQ (general community quarantine), and health hygiene protocols and other public medical standards.”
Iba pang kailangang ihanda
Bagama’t may mga nagbagong protocol, ganun pa rin ang mga requirements na kailangan mong asikasuhin bago makapagpakasal. Karamihan naman sa mga ito ay nakukuha na rin ngayon ng online.
Marriage license requirements
Ang marriage license ay ang pinakamahalagang dokumento na kailangang ihanda ng mga magpapakasal. Kaiba ito sa marriage certificate na nakukuha o ibinibigay bilang patunay na naikasal na ang isang babae at lalaki.
Kung wala ang marriage license ay hindi maaring maikasal ang isang magkapareha sa simbahan man o sa civil. Dahil ito ang patunay na sila ay eligible o legal na magpakasal.
Image from Monique Wanderer
Basic marriage license requirements:
- Duly-accomplished marriage license application form
- Certified True Copy ng PSA birth certificate (1 original at 2 photocopies). Kung walang record ng kapanganakan, ang latest original copy ng baptismal certificate ay maaring gamitin.
- CENOMAR o Certificate of No Marriage (1 original at 2 photocopies). Ang presyo ng CENOMAR sa ngayon ay P210 para sa walk-in at P430 para sa online. Ito ay maaring makuha sa pinakamalapit na Census Serbilis Center o mag-apply online sa PSA Helpline.
- CEDULA o Community Tax Certificate (1 original at 2 photocopies)
- 2 valid IDs ng magpapakasal
- Barangay clearance (1 original at 1 photocopy)
- Certificate of Attendance mula sa isang pre-marriage counseling o family planning and responsible parenthood seminar. Ang pre-Marriage counseling ay madalas na ginagawa ng simbahan o sa DSWD para sa civil marriages. Habang ang family planning and responsible parenthood seminar naman ay isinasagawa sa health department ng munisipyong pinag-aapplyan ng marriage license. Ito ay para sa mga magpapakasal na edad 18-24 anyos.
- Latest 1×1 photo ng mga ikakasal
Image from Freepik
Additional requirements para sa mga magpapakasal na biyuda o biyudo na
Para naman sa mga magpapakasal na kung saan ang isa o parehong magkapareha ay biyudo o biyuda na, ito ang mga additional marriage license requirements na kailangang ihanda.
- Marriage Contract o Report of Marriage sa namatay na asawa mula sa PSA. Maghanda ng isang orihinal na kopya at isang photocopy nito.
- Death Certificate ng namayapa ng asawa
Additional requirements para sa mga magpapakasal na foreigner sa isang Pilipino
Para sa mga foreigners na magpapakasal sa isang Pilipino, narito ang mga marriage requirements na kailangang ihanda.
- Valid foreign national’s passport
- Certificate of Legal Capacity to Marry
- Kopya ng Final Decree of Absolute Divorce kung ang foreigner ay dumaan sa divorce o una ng naikasal.
Mga sunod na dapat gawing hakbang
Kapag kumpleto na ang mga marriage license requirements ay i-submit ito sa Civil Registry Department. Dito ay i-evaluate ang mga ipinasang dokumento. Saka babayaran ang marriage license filling at application fee. Naiiba-iba ang presyo nito sa bawat munisipalidad, ngunit madalas ito ay nagkakahalaga ng P250.00. Ang P100 ay para sa marriage license fee, P50 para sa application form fee at P100 para sa filling fee.
Mahalagang itabi ang resibo o OR sa ginawang pagbabayad sa marriage license application. Sapagkat ito ay gagamitin sa pag-claim o pagkuha ng marriage license na madalas na naii-release 10 araw matapos itong i-file. Ito ay base sa Article 17 ng Family Code ng Pilipinas.
Ang marriage license ay valid lang sa loob ng 120 days mula sa araw na ito ay inisyu. Kaya naman sa loob ng mga nasabing araw ay kailangan ng gamitin ito kung hindi ito ay awtomatikong mawawalan ng bisa.
Source:
Tribune, PNA
Basahin:
Marriage license at iba pang mga dapat mong ihanda bago magpakasal
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!