Bea Alonzo gusto ng prenuptial agreement kapag siya ay ikinasal

Malalaman din kung sino ang unang nagsabi ng 'I love you' kina Bea at Dominic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bea Alonzo natanong tungkol sa kaniyang pananaw sa iba't ibang topic, kasama na rito ang marriage. Sa ngayon ay masaya ang puso ng beteranang aktres sa piling ng kaniyang boyfriend na si Dominic Roque. 

Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Bea Alonzo wants prenuptial agreement for her marriage
  • Relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Bea Alonzo wants prenuptial agreement for her marriage

Sa kaniyang vlog ay sumalang si Bea Alonzo sa isang lie detector test. Dito ay binigyan ang aktres ng iba’t ibang katanungan na nakapaloob sa iba’t ibang kategorya. Isa sa mga kategorya ang dating and relationship kung saan tinanong si Bea tungkol sa prenuptial agreement.

“In the future, would you ever get a prenup?”

Sinagot naman ni Bea Alonzo ang tanong na ito at sinabing sang-ayon siya sa pagkuha ng prenup agreement sakaling siya ay ikakasal.

“Yes, parang feeling ko it goes without saying.”

Larawan mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi na ipinaliwanag ni Bea Alonzo ang kaniyang naging sagot. Pero base sa resulta ng lie detector test, 'truth' na gustong kumuha ng prenup agreement ni Bea Alonzo kapag siya ay ikinasal na.

Ang ilan ding tanong na mula sa kategoryang dating and relationship, ibinahagi din ni Bea Alonzo ang kaniyang palagay sa pagpapa-hard to get. Nang tanungin siya kung sa tingin niya, nagwo-work ba ang pagpapa-hard to get, sinagot niya ito ng 'no'.

“No, kailangan real lang. Kasi dati nagpa-hard to get ako, ending failed pa rin naman ‘yong relationship.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Natatawa at tila nagpapaisip ding sinagot ni Bea Alonzo ang sumunod na tanong kung tingin ba niya ay mayroon siyang good taste sa lalaki.

Ang tanong na “do you think you have good taste in men?” ay sinagot ni Bea Alonzo ng 'yes' habang natatawang hinihintay ang resulta. Nang sumenyas ng “Lie” ang operator ay tumawa si Bea, kaagad naman siyang nagpaliwanag.

“Right now, oo. Pero dati kasi….”

Lumabas din ang truth ng sagutin ni Bea Alonzo ng 'no' ang tanong kung nagustuhan ba ng kaniyang mom ang mga naging boyfriend niya. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Marian Rivera sa relasyon nila ni Dingdong Dantes: “Maganda kasi sa amin para kaming mag-bestfriend.. hindi as asawa.”

Angelica Panganiban reveals gender of her first baby: "I have my mini me!"

LOOK: Andi Eigenmann nag-celebrate ng 32nd birthday sa Indonesia kasama buong pamilya

Larawan mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Sa ini-upload ni Bea Alonzo na vlog sa kaniyang YouTube channel na may pamagat na “Finally! Sharing with you Our Love Story #BeaDom”. Nagpalitan ng tanong si Bea Alonzo at boyfriend na si Dominic Roque. Isa sa mga tanong na kanilang sinagot sa vlog ay kung saan at kailan sila unang nagkita. 

Ayon kay Dominic Roque, ilang taon na ang nakakaraan nang ipakilala siya ni Vice Ganda kay Bea Alonzo. Umamin naman si Dominic na crush niya na noon si Bea kaya gusto niyang makipagkilala dito.

“Crush niya ‘ko guys, noon pa. Meron talaga siyang lihim na pagtingin," hirit naman ni Bea na tila tinutukso si Dominic.

Kuwento pa ni Bea, sinabi ni Vice Ganda na crush na crush siya ni Dominic. Binahagi rin si Bea na ang unang tingin niya kay Dom ay bagets pa ito. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Back then, iniisip ko, akala ko parang seven, eight years older ako than him. So ang tingin ko sa kaniya parang bagets. Talagang mukha lang talaga siyang sanggol.”

Isa rin sa mga pinag-usapan sa vlog ang love language nilang dalawa. Ayon kay Bea, ang love language ni Dom ay quality time at acts of service.

“Ako, ako 'yong sasagot for you. Ang talagang love language ni Dom quality time and service, kasi talagang inaalagaan niya ‘ko.”

Tingin naman ni Dominic, words of affirmation ang love language ni Bea. Sinang-ayunan naman ito ng aktres.

“Ako, words of affirmation kasi ma-ano ako, ma-I love you. Saka ma-touch din ako diba?” 

Larawan mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

Sa isa ring bahagi ng vlog, naroon ang tanong na kung sino ang unang nagsabi ng 'I love you'. Sagot ni Dom ay hindi niya ito matandaan. Ika ni Bea, ang nobyo ang naunang nagsabi ng i love you. Kwento pa niya, nasa pool house sila at nag-uusap.

“Ikaw unang nag-I love you. Pumunta tayo sa may pool house, kasi nagtatawanan kami parang playful siya na situation na parang sabi ko “Hoy, baka mamaya nai-in love ka na sa akin ha”. Nagbabatuhan kami ng ganoon, sabi niya “Ikaw kaya, tingin ko inlove ka na sa akin” parang ganoon. Tapos sinabi mo “Oo nga, I love you nga” parang ganoon.” 

Nagbiro pa si Dom nang sabihin na pinilit siya ng aktres. Ngunit kinalaunan ay sinabi niya ring siya ang unang nagsabi ng i love you sa kanilang dalawa.

Sa bandang hulihan din ng vlog, ide-define naman nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang love story sa pamamagitan ng limang salita.

Ayon kay Bea, “I hope it’s for keeps.”

“I hope it’s forever,” saad naman ni Dominic.

Sinulat ni

Nichole Samson