Beauty Gonzalez binahagi ang kanyang laban sa imposter syndrome: "Sometimes you feel you don't belong where you are"

Beauty Gonzalez binahagi ang kanyang pinagdaanan at ginawa para makabangon sa imposter syndrome.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapang na ibinahagi ng aktres na si Beauty Gonzalez sa isang panayam ang kanyang pinagdaraanang mental health problem na tinatawag na imposter syndrome.

Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • Beauty Gonzalez binahagi ang kanyang kondisyon
  • Ano ang imposter syndrome?

Beauty Gonzalez binahagi ang kanyang kondisyong imposter syndrome

Lahat ng tao maaaring magkaroon ng mental health problem. Maging ang mga artistang may marangyang buhay ay hindi ligtas na makaranas nito.

Tulad na lamang ng celebrity mom na si Beauty Gonzalez na sa kabilang maraming fans na humahanga ay mayroon ding feeling ng self-doubt, na tinatawag na imposter syndrome.

Sa Facebook live na ‘Bare Your Beauty’ kasama ang host na si Bianca Valerio, ay ibinahagi ng aktres ang kanyang insecurities at pakiramdam na maraming mali sa kanyang physical appearance.

Para kay Beauty, marami raw ang nakakapag-trigger sa kanyang mental health condition, nandiyaan ang social media, at kahit pa kanyang sariling pamilya.

Maging ang mga positibong komento na kanyang natatanggap gawa ng pagsasabing siya ay maganda ay nahihirapan siyang paniwalaan at mas nakakaramdam pa ng insecurity.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It’s like psychological warfare, it’s really not easy, it’s an everyday thing you tackle. You are not aware that these feelings exist.”

Dito niya inamin na kung minsan nararamdaman niyang mayroon siyang imposter syndrome.

Dagdag pa ni Beauty, “Sometimes you feel you don’t belong where you are, you just got there because of pure luck.”

Pakiramdam niya raw lahat ay umaatake sa kanya at hindi na nagiging madali ang mga bagay-bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Para sa aktres dapat daw ay constant na maging aware at i-acknowledge ang ganitong mga nararamdaman. Mahalagang malaman daw na ito ay nangyayari at mabago ito para maging happy at positive feelings.

Nagkaroon daw ng pagkakataon na makahanap siya ng paraan para makapag-cope sa ganitong kalagayan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“What I do is spend more time with the people I love, the people that make me laugh hard.”

Iniiisip niya raw ang mga bagay na grateful siya. Natutunan niya na ring ipagdiwang ang mga achievements.

“Think about the things you’re grateful for. It’s also important to celebrate your achievements. If you feel like it’s parang insignificant, you should still celebrate all of your achievements even the smallest thing lang.

“Also, smile. I know it’s hard but try to smile, try to dance, try to play your favorite song, hug people that you love, and keep busy, keep moving.”

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa pagmamahal sa sarili, sinabi niya rin ang importansya ng self-care. Kinakausap at pinakikinggan niya raw ang sarili na para bang bata para maging gentle at caring. Unti-unti niya raw napapansin na naglalaho na ang insecurities niya.

Isa raw mahabang proseso ito para sa kanya worth it naman. Sa kanyang karanasan, una niya raw ginagawa ay ihanda ang sarili mentally.

Hirap daw siyang maging open sa sarili at kumbinsihing naniniwala sa kanya ang mga tao sa kanyang paligid.

Kung ang isang tao raw ay masaya, nababago raw nito ang pagtingin niya sa mundo. Para sa kanya, ang pagtitiwala sa sarili ay maaaring magbunga ng glowing aura sa paligid.

“It changed my world talaga. For me kasi, self-love is infectious. Nakakahawa talaga. People will naturally be drawn to you because they will also feel the love towards you. You also get to be more productive kasi ang gaan ng feeling mo.”

BASAHIN:

May depression o anxiety? Ito ang maaaring risk sa iyong pagbubuntis, ayon sa study

8 na paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media

Shamaine Buencamino on daughter’s mental health condition: “As early as 12, may nakita na kong drawing ng batang nagpakamatay”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Beauty Gonzalez

Ano ang imposter syndrome?

Ang imposter syndrome o tinatawag ding perceived fraudulence ay isang halimbawa ng mental health problem.

Ayon sa Healthline, “Imposter syndrome, also called perceived fraudulence, involves feelings of self-doubt and personal incompetence that persist despite your education, experience, and accomplishments.”

Ang pakiramdam na ito ay ang paglalaban ng self-perception at ng perception ng ibang tao sa iyo.

Kahit pa pinupuri ka ng ibang tao, hindi mo ito pinaniniwalaan at hindi ka pa rin angtitiwala sa sariling galing mo.

Kabilang din sa epekto ng imposter syndrome ay ang pag-pressure sa iyong sarili na mag-effort nang matindi para maging worthy sa isang role na tingin ng isang tao ay hindi niya deserve.

Tuwing pinupuri naman ng ibang tao, tingin ng mga taong may imposter syndrome ay awa ang nararamdaman sa kanila kaya sila binibigyan ng recognition.

Dahil dito, posibleng magkaroon ng cycle ng anxiety at depression ang makararanas ng naturang kondisyon.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva