Aktres na si Shamaine Buencamino ibinahagi kung paano kinuha ng kondisyon na depression ang younger daughter niyang si Julia.
Mababasa sa artikulong ito:
- Shamaine Buencamino shares how depression killed her daughter.
- Mga palatandaan ng depression na dapat bantayan sa iyong anak.
Shamaine Buencamino shares how depression killed her daughter
Image from Instagram
Sa pinaka-bagong vlog entry ng aktres at mental health advocate na si Meryl Soriano ay nakapanayam niya ang aktres rin na si Shamaine Buencamino. Doon ay nagkuwento ito tungkol sa kung paano kinuha ng sakit na depresyon ang minamahal niyang bunsong anak na si Julia.
Kuwento ni Shamaine ay 15-anyos palang noon ang anak niyang si Julia. At hindi niya naisip na ito pala ay may pinagdadaanan na magiging daan ng pagkitil nito sa sariling buhay niya.
“We were so shocked. We were completely blind-sided. Si Julia kasi ‘yong tipo ng batang magulo, makuwento, nakikipag-usap sa strangers, sumasayaw sa daan.
Hindi nahihiya. Hindi siya ‘yong ideya ko ng tao na depress na nagtatago sa kwarto, umiiyak, hindi kumakain. She is very socially active.”
Sintomas ng depresyon
View this post on Instagram
Ganito kung paano isinalarawan ni Shamaine ang anak niya noong si Julia. Kuwento niya pa nalaman niya na lang na dumadaan sa depresyon ang anak sa tulong ng mga naiwan nitong poems at drawings na inakala nila noon na paraan lang ng anak para mailabas ang creativity at artistry niya.
“And the sad thing about is that those that we saw, the poem that Julia left on our dining table talked about the voices that she heard, talks about the cuts that she’s making on her knees but I thought those are poetic.”
Ito ang kuwento pa ni Shamaine. Pero nang binalikan nila at isinailalim sa psychological autopsy ang works at diary ng anak ay lumalabas na sa edad nitong 12 anyos ay nagsimula na itong magkaroon ng suicidal ideation.
“Looking at her work, kapag tiningnan mo ‘yong diary ni Julia noong bata pa siya lalo na ‘yong mga age 8-9 sobrang saya niyang bata.
But as early as 12 andoon na ‘yong may nakita na kong drawing ng batang nagpakamatay. So lumalabas na as early as 12 meron na siyang suicide ideation.”
Ito ang kuwento pa ni Shamaine na sintomas na pala na may nararanasang mental health condition ang anak na hindi nila napansin noon.
Image from Instagram
Paalala sa mga magulang
Kaya naman dahil sa nangyari sa anak ay may paalala si Shamaine sa mga magulang. Ito ay ang maging mapagmasid sa ikinikilos ng anak.
Kung mayroon mang pagbabago sa mga galaw at nakasanayan nito. Tulad nang labis na pagiging malungkot, matinding pagbabago ng mood, social withdrawal o ang pagnanais na mag-isa lamang. Higit sa lahat ito daw ang isa pang pagbabago sa kilos ng iyong anak na dapat mong bantayan.
“Ito ang pinakahuli at dapat ninyong bantayan mga magulang. Any dramatic change in eating or sleeping pattern. Like dati naman masiglang kumain tapos biglang hindi na kumakain.”
Ito ang paalala ni Shamaine sa mga magulang. Dagdag pa niya, ang depression ay maaaring tumama sa kahit na sino man. Pero labis na makakatulong sa isang tao ang pagkakaroon ng support system na maaaring maibigay sa kaniya ng kaniyang pamilya kaibigan at iba pang malalapit na tao sa kaniyang buhay.
Bilang pag-alala nga sa naging karanasan ng anak ay inilunsad ni Shamaine at mister niyang si Nonie Buencamino ang “The Julia Buencamino Project”.
Ito ay isang proyekto ng kung saan nilalayon nilang makatulong sa mga nakakaranas ng depresyon sa tulong ng pagsusulat at iba pang uri ng art.
Image from The Philippine Star
BASAHIN:
May depression o anxiety? Ito ang maaaring risk sa iyong pagbubuntis, ayon sa study
Stay-at-home mom depression: Ano ang senyales nito?
STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak
Ano ang depression?
Ang depression ay isang mental condition kung saan nakakaramdam ng pagbabago sa pag-iisip at pagkilos ng isang tao, na kadalasang inilalarawan ng matinding lungkot nang walang sapat na dahilan, at kawalan ng gana sa buhay ng isang tao.
Maraming posibleng sanhi ang pagkakaroon ng depression. May ilang kaso na may kinalaman ang genetics (namamana), o kaya naman kapag dumaan sa isang traumatic experience o hindi magandang karanasan ang isang tao.
Ayon sa website na Psychiatry.org, narito ang ilang sa mga karaniwang sintomas ng depression:
- Matinding lungkot
- Pagiging bugnutin at matamlay
- Walang gana sa mga gawaing dating kinahihiligan
- Pagbabago sa gana sa pagkain
- Pagbabago sa pagtulog
- Pagbagal sa pagsasalita o pagkilos
- Pakiramdam na walang silbi o walang nagagawang tama
- Nahihirapang mag-focus sa isang gawain o bagay
- Madalas na nag-iisip tungkol sa suicide o kamatayan
Kung napansin ang mga sintomas na ito sa iyong anak ay mabuting kausapin siya o kaya naman ay dalhin siya sa isang espesyalista na makakatulong sa kaniya.
Source:
Psychiatry.Org
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!