Beauty Gonzalez sa pagkakaroon ng second baby: “I Want Another One Please!!?”

Anak ni Beauty na si Olivia nag-celebrate ng kaniyang 8th birthday.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Beauty Gonzalez gusto ng magkaroon ng second baby!

Mababasa dito ang sumusunod:

Birthday ng anak ni Beauty Gonzalez na si Olivia

Larawan mula sa Facebook account ni Beauty Gonzalez

Nitong February 5 ay nag-diwang ng kaniyang 8th birthday ang anak ng aktres na si Beauty Gonzalez at mister nitong si Norman Crisologo na si Olivia. Si Beauty hindi napigilang maging sentimental sa Instagram. Kalakip ng mga baby pictures at larawan ni Olivia habang lumalaki, si Beauty sinabing napakabilis ng panahon. Mula nga sa cute na baby noon, si Olivia isang dalaginding na.

“My baby is growing crazy fast.

Now 8 years old and I miss her Chubby Cheeks.”

Ito ang caption ng post ni Beauty na humirit din na gusto niya pang magkaroon ng isa pang baby.

“I Want Another One Please!!?”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Larawan mula sa Facebook account ni Beauty Gonzalez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Beauty Gonzalez gusto ng magkaroon ng second baby?

Marami ang natuwa sa post na ito ni Beauty. Isa na nga rito ay ang aktres na si Bianca King na biniro si Beauty na sabay silang magbuntis.

Matatandaan noong 2022 sa isang panayam ay sinabi ni Beauty na hindi na nila balak mag-anak pa ng mister niyang si Norman. Okay na daw sila sa isang anak na gusto nilang tutukan sa pag-aalaga at buhusan ng kanilang pagmamahal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Napag-usapan namin and, honestly, OK lang sa akin ang isang baby lang talaga. Kasi parang, mas gusto kong i-enjoy namin yung time namin together, travel, yun.”

Ito ang sabi noon ni Beauty sa panayam.

Naikuwento niya rin na humingi ng kapatid noon si Olivia. At biglang pagtupad sa hiling nito ay binigyan nila ito ng alagang aso.

“Ahh, humihingi. I got her a dog. His name is Pepito. He’s so guwapo. So, OK na siya. Boy and girl na, so, OK na kami."

Ito ang sabi pa noon ni Beauty Gonzalez sa panayam.

Larawan mula sa Facebook account ni Beauty Gonzalez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement