Mag-Exercise Tayo Tuwing Umaga! 3 Major Benefits ng Pagkakaroon ng Active Lifestyle sa mga Kids

Katulad ng adults, marami rin ang hatid na benefits ng physical activity sa mga bata para maging healthy sila ayon sa experts.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Common na payo sa mga adult ang pag-e-exercise upang mapanatiling healthy ang katawan. Pero did you know na pati ang kids natin, even toddlers, can benefit a lot from staying active?

Ayon sa research, mas maganda raw ang executive function ng mga batang may edad na 2 taong gulang na nag-e-exercise compared sa hindi. Sinubukan ng researchers na alamin kung ang pagsunod sa guidelines ng American Academy of Pediatrics para sa physical activity ay may epekto sa development ng bata, at nakita nila na may strong connection nga.

Regular physical activity in early childhood is linked to stronger brain development, especially in skills like focus, memory, and self-control. | Image from Pexels

3 Major Benefits ng Physical Activity sa Bata para Maging Healthy

Ayon sa study, ang mga batang active ay mas nagde-develop ng mga sumusunod:

Mas Nagkakaroon ng Inhibitory Control

Ito ay yung ability ng bata na i-regulate ang kanyang thoughts, emotions, at behavior. In other words, mas natututo silang mag-control ng impulses kapag nag-e-exercise sila at naiiwasan ang tantrums.

Mas Gumaganda ang Working Memory

Ang working memory ay tumutukoy sa kakayahan ng bata na mag-hold at gumamit ng information sa kanilang isip for a short period of time.

Kapag developed ito, mas nagiging:

  • effective ang learning
  • mas okay ang problem-solving skills
  • mas nakakasunod sila sa multi-step instructions

Mas Nade-develop ang Cognitive Flexibility

Ito naman ang ability ng bata na mag-switch between tasks o mag-adjust sa bagong situations.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Halimbawa:

  • kaya nilang mag-transition from playtime to study time
  • mas adaptable sila sa pagbabago ng routine

Important ito sa overall learning at development, especially sa school setting.

Maaaring maging goal-oirented ang behavior ng batang palaging nag-eehersisyo araw-araw. | Image from Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Executive function underlies your ability to engage in goal-directed behaviors,” ika ng lead author mula sa University of Illinois Urbana-Champaign na si Sharon Donovan.

Nakuha ang data  mula sa 356 toddlers na sinundan nila sa loob ng limang taon. Sinuri nila ang factors tulad ng:

  • daily habits
  • screen time
  • physical activity
  • diet
  • parent engagement

Ayon naman kay co-author na si Arden McMath, "We found that toddlers who engaged in less than 60 minutes of screen time per day had significantly greater ability to actively control their own cognition than those who spent more time staring at phones, tablets, televisions and computers.”

Ibig sabihin, less screen time at more movement means better brain function.

Dagdag pa ni McMath, “They had greater inhibitory control, working memory and overall executive function.”

Gustong Maging Healthy ang Anak? You Might Want to Try These Tips

Isang relief para sa parents ang makitang healthy ang kanilang anak. Kaya naman, here are some simple but effective tips you can follow:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siguraduhing Mayroong Physical Activity Everyday

Sa modern times, maraming bata na ang nae-entertain sa gadgets at internet. Pero kapag nasobrahan, nagiging sedentary lifestyle ito. Kaya experts recommend at least 60 minutes of physical activity daily. Maaaring outdoor o indoor play man iyan, basta gumagalaw ang katawan, okay na!

Kumain ng Prutas at Gulay

Aminin natin, maraming kids ang picky eaters. Mas gusto nila ang sweets, junk foods, at even processed food. Sa kabila nito, kinakailangan pa rin nating gumawa ng paraan na mabigyan sila ng 5 or more servings of fruits and vegetables daily. 

Here’s what you can do:

  • Gawing fun ang pagkain (fruit shapes, smoothies)
  • Introduce slowly para masanay ang taste buds

Bawasan ang Sugar-Sweetened Drinks.

Maraming drinks na mataas sa sugar, like sodas and artificial juices, na hindi healthy for kids.

Instead:

  • fresh fruit juices (in moderation)
  • or better yet, plain water

Healthy habits go beyond movement; balanced nutrition, less sugary drinks, at proper hydration ay nakatutulong sa overall development ng bata. | Image from Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Uminom ng Sapat na Tubig (Stay Hydrated!)

Bukod sa pagkain ng healthy at pagiging active, sobrang importante rin na well-hydrated ang mga bata, especially kung lagi silang naglalaro, tumatakbo, o nag-e-exercise.

Kapag kulang sa tubig, puwedeng makaranas ang bata ng:

  • pagkapagod
  • hirap mag-focus
  • headaches
  • decreased physical performance

Sa madaling salita, kahit active sila, mahihirapan pa rin ang katawan nila mag-function properly kung dehydrated.

Ilang Baso ba ng Tubig ang Kailangan ng Bata?

Depende sa age at activity level, pero generally:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • 1-3 years old: around 4 cups (about 4 glasses) per day
  • 4-8 years old: around 5 cups (about 5 glasses) per day
  • 9 years old and above: around 7-8 cups (about 7-8 glasses) per day

Take note: Mas kailangan pa nila ng tubig kung mainit ang panahon o kung mas active sila sa playtime.

Kaya naman, make it a habit na painumin sila ng tubig throughout the day, not just kapag nauuhaw na sila.

For parents, mas madaling ma-encourage ang kids na uminom kung malinis, safe, at madaling i-access ang tubig sa bahay. You can opt for trusted options like Wilkins Distilled Water, perfect for everyday hydration ng buong pamilya.

Galaw ng Bata, Galing ng Isip

Ang pagiging physically active ng mga bata ay hindi lang nakakatulong sa kanilang katawan, kundi pati sa kanilang pag-iisip at behavior. Hindi kailangang maging complicated; ang regular na playtime, balanced diet, at sapat na hydration ay sapat na para masuportahan ang kanilang paglaki.

Bilang magulang, ang pag-encourage ng less screen time at more movement ay isang simpleng hakbang na may long-term impact. Sa pamamagitan ng pagbuo ng healthy habits habang bata pa, mas napapalaki natin ang mga batang mas handa, physically, mentally, at emotionally, sa mga hamon ng paglaki.