MOM-titasking! 7 activities na pwedeng gawin habang nagbre-breastfeed kay baby

Marami ang benepisyo ng breastfeeding sa ina ngunit dahil patong-patong na ang kanilang gawain, nagiging tambak na ang mga ito. As a MOM-titasker, kaya na itong pagsabay-sabayin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami ang benepisyo ng breastfeeding sa ina ngunit dahil patong-patong na ang kanilang gawain, nagiging tambak na ang mga ito. As a MOM-titasker, kaya na itong pagsabay-sabayin!

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • 7 activities na maaaring gawin habang nagpapasuso kay baby
  • Benepisyo ng breastfeeding sa ina at sanggol

Sa post ng isang nanay sa Reddit, tinanong niya ang kapwa niya magulang kung ano ang kadalasan nilang ginagawa habang pinapapa-breastfeed si baby bukod sa paggamit ng kanilang smartphone. Ibinahagi ng isang user na si Book_wrm, na nais niyang gumawa ng ibang activity maliban sa paggamit ng social media o panonood ng TV.

MOM-titasking! 7 activities na pwedeng gawin habang nagbre-breastfeed kay baby

Marami naman ang nagbigay ng kanilang suhestiyon sa naturang post. Narito ang ilang aktibidad na maaari mo ring gawin habang nagpapasuso kay baby.

Benepisyo ng breastfeeding sa ina | Image from Unsplash

1. Pagbabasa

Hindi natin maikakailang matagal talaga ang magpasuso kay baby. Kaya naman para kay Reddit user BreadPudding, maganda itong pagkakataon para magbasa. May iba naman na gumagamit ng cellphone para magbasa gamit ang e-book. Pabor din dito ang isa pang user na si champagneandcupcakes. Ayon sa kaniya, “it’s been a game-changer.” ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga nanay na mas gusto ang libro, maaari namang mag-invest para rito o kaya naman manghirap sa mga local library.

2. Audiobooks o podcast

Bukod sa tradisyonal na pagbabasa, maaari rin namang makinig ng audiobook o mas kilala bilang podcast habang nagpapasuso sa iyong anak. Dagdag ng isang user na si CharlietheCactus, mas madali ito dahil maaaring gamitin ang isang kamay at makinig lamang.

3. Knitting o crochet

Maraming Reddit users ang nagsabing magandang ideya ang knitting, crochet o embroidery habang pinapasuso ang iyong anak. Lalo na sa mga nanay na kayang i-breastfeed si baby na hindi gumagamit ng kamay at may lakas ng loob humawak ng karayom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Benepisyo ng breastfeeding sa ina | Image from Unsplash

4. Brain-boosting Games

Para kay user littlebassoonist, imbes na tumambay sa ibang social media sites, maraming pagpipilian na brain puzzle game katulad ng crossword, sudoku at iba pa habang pinapasuso si baby.

5. Journaling

Para naman kay Busterbluth21, magandang activity ang pagsusulat. Dagdag pa nila na, “You could always jot down things they did that day while feeding.” Sa paraang ito, nagiging productive ang iyong oras dahil nata-track mo kung ano ang iyong ginagawa habang pinapadede si baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Benepisyo ng breastfeeding sa ina | Image from Unsplash

6. Maging productive

Ayon naman kay Reddit user witnge, maaari kang magkulay gamit ang isang kamay. Isa pang paraan ay maaari mong kumustahin ang ibang kamag-anak via video call. Pwede rin na mag-online grocery o magbayad ng bills.

7. Just sit back at mag-relax!

Hindi biro ang breastfeeding at talaga namang nakakapagod din ito. Kaya naman para sa iba, maganda itong pagkakataon para umidlip o magpahinga. Pagkatapos ng buong hapon na pag-aalaga kay baby at paggawa ng mga gawaing bahay, deserved mong magpahinga! Dagdag pa ng isang user na, “breastfeeding is also a chance to savour a cup of tea or coffee since even if there’s stuff to do I can’t do it anyway.”

Maaari namang ma-discover mo ang iyong personal na interes habang nagpapasuso sa iyong anak. Marami kang maiisip bukod sa pagbabad sa social media.

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

GIFT IDEAS: 8 best gift para sa breastfeeding moms ngayong pasko

Safe bang uminom ng antibiotic at iba pang gamot ang breastfeeding mom?

Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19

Benepisyo ng breastfeeding sa ina at sanggol

1. Ang breastmilk ay naglalaman ng importanteng antibodies

Ang gatas ng ina ay mayaman sa immunoglobulin A na nakakatulong para maiwasan ni baby ang mga bacteria at virus. Napoprotektahan ng immunoglobulin A ang sanggol sa pamamagitan ng paggawa ng protective layer sa ilong, lalamunan at digestive system ng bata.

2. Ang breastmilk at kailangan sa pagpapalaki ng bata

Ang gatas ng ina ay naglalaman ng iba’t ibang importanteng ingredients para sa development at paglaki ni baby. Espesyal ang breastmilk dahil rito lang nakukuha ni baby ang mga bagay na kailangan niya sa kaniyang paglaki. Kaya naman payo ng mga eksperto na ang pagpapasuso, kailangang ugaliin ng ina lalo na sa loob ng 6 months o 1 year ni baby.

Ang gatas ng ina ay naglalaman ng yellowish fluid na tinatawag na colostrum. Mayaman sa protina at mababa sa sugar ang colostrum na matatagpuan sa breastmilk.

3. Mapoprotektahan si baby sa sakit

Ang maganda pa sa gatas ng ina ay kaya nitong maprotektahan ang iyong anak laban sa iba’t ibang uri ng sakit. Narito ang ilan sa kanila:

Bukod pa rito, ang breastfeed para kay baby ay makakatulong para mapanatali ang maganda at healthy nitong pangangatawan. Maiiwasan din ang obesity o labis na katabaan sa kaniyang edad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa rito, nakakatalino rin ang gatas ni mommy!

Kaya naman payo ng mga eksperto, mas maganda ang breastfeed kay baby sa loob ng atleast 1 year. Makakatulong ito sa kaniya at siyempre para sa iyo mommy. Ang pagpapasuso ay maaaring makatulong sa ‘yo para mabawasan ang iyong timbang.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Sinulat ni

Mach Marciano