Ang mga aso, tulad ng binabanggit sa isang kilalang quotation, ay ang maituturing na palaging makakasama ng isang tao. Hindi na bago sa atin ang pag-aalaga ng aso. Bukod sa ito ay bahagi ng ating luxury, nagiging coping mechanism din natin ito.
Dagdag pa, lalo na sa henerasyon ngayon, ang pag-aalaga ng aso o alinmang hayop ay extension din ng ating pagpapakatao. Either bumili tayo ng alagang aso o mag-ampon ng mga street dogs, ay isang bahagi ng soft spot nating mga tao pagdating sa mga hayop.
Pero, kung aalamin pa natin kung ano ang benepisyo ng pag-aalaga ng aso, may epekto ito sa development ng ating mga anak ayon sa siyensya. Alamin natin kung ano ang epekto na ito.
Benepisyo ng pag-aalaga ng aso
Para sa atin hindi na iba sa ating mga kultura ang pag-aalaga ng mga hayop na domesticated. Ang mga alagang ito ay pwedeng ibon, daga, hamster, pusa, at maging aso.
Nagiging libangan natin ang pag-aalaga ng hayop. At the same time, nagiging bantay din natin ang ating mga alaga sa bahay.
Tulad halimbawa ng paniniwala na ang pag-aalaga ng pusa ay makakatulong na ma-detect at maitaboy ang bad entity na meron ang loob ng bahay. O ‘di kaya, ang pag-aalaga ng aso ay nakakatulong upang maiwasan ang pagpasok ng mga masasamang loob.
Pag-aalaga ng hayop at development ng anak
Isang katuwa-tuwang research ang nirebyu ng Psychology Today hinggil sa benefits ng pag-aalaga ng aso sa ating mga anak.
Natutulungan ng prosesong ito ang ating anak na lumalaki na mabawasan ang pagkakaroon ng behavioral issues. Dagdag pa, nakakatulong din ito sa pag-improve ng kanilang emotional development.
Sa pag-aaral na ito ng Pediatric Research, na nilahukan ng 1,646 na pamilya, may mga naitala silang correlation ng pagkakaroon ng alagang aso at emotional at behavioral na kalagayan ng anak sa loob ng pamilya.
Narito ang mga sumusunod:
- mas nabawasan ang pagkakaroon ng conduct problem sa anak
- nagkakaroon lalo ng prosocial na ugali
- mas nagkakaroon ng tinatawag na family time
Tandaan
Hindi hayop lang ang mga aso para sa ating mga tao. Madalas, nagiging katuwang natin ang mga alagang aso maging sa development nating mga tao mula physical at maging sa mental development.
Maging cautious pa rin sa mga allergic reaction kaugnay sa pag-aalaga ng mga hayop.
Turuan nating maging mabuting furparents ang ating mga anak.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.