Narito ang paliwanag ng isang espesyalista sa kung ano ang mga dahilan kung bakit pasaway ang bata, at ang mga paraan na maaaring gawin upang ito ay maayos o maitama.
Mababasa sa artikulong ito:
- Palatandaan na may behavioral problem ang isang bata
- Dahilan kung bakit pasaway ang bata
- Maaaring gawin ng magulang sa isang pasaway na bata
Mga dahilan kung bakit pasaway ang bata
Ayon sa developmental and behavioral pediatrician na si Dr. Jacqueline Navarro, mahalagang maintindihan ng mga magulang na ang behavior na ipinapakita ng isang bata ay maraming posibleng dahilan.
Unang posibleng dahilan kung bakit pasaway ang bata’y dahil nahihirapan siyang makipag-communicate. Kaya naman nailalabas o nai-express niya ang gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng isang behavior na hindi niya alam na mali o masama. Maaaring dahil hindi pa rin niya kayang i-control o i-regulate ang feelings niya na natural lang sa mga maliliit na bata ito. O kaya nama’y nai-expose sila o nakakakita ng parehong behavior na kanila lang ginagaya. Maaaring sa ‘yo na kaniyang mga magulang, sa mga taong nasa paligid niya o kaya nama’y sa mga napapanood niya sa iba’t ibang klase ng media.
“We have to remember that behavior is usually a manifestation of something. Behavior is a way to communicate something. For younger kids, hitting or being aggressive may be because they have difficulty communicating what they want or maybe because its behavior in nature for impulse control, and its normal for toddler na hindi pa nila kayang i-regulate o i-control ‘yung feelings nila.”
Ito ang paliwanag ni Dr. Navarro.
Mga palatandaan na may behavioral problem na ang isang bata
Pero dagdag pa niya, ang pagiging pasaway ng isang bata’y maaaring dahil rin may underlying behavioral problem o disorder na siyang kinakaharap. Maaaring kailangan nang bigyang pansin o tulong ito mula sa isang propesyonal para maitama. Pwedeng ito pala’y attention deficit hyperactivity disorder o ADHD na. O kaya naman ay oppositional defiant disorder o conduct disorder na maaari ng makaapekto sa overall development ng isang bata.
Kaya naman payo ni Dr. Navarro, mahalaga rin na matutunan ng mga magulang ang mga palatandaan na hindi lang basta pasaway ang isang bata o siya’y may kinakaharap ng behavioral disorder na. Para malaman ng magulang kung paano matutulungan ang anak na ma-overcome ito. Ayon pa rin kay Dr. Navarro, ang ilan sa palatandaan na may behavioral disorder o problem na ang isang bata ay ang sumusunod:
1. Nahihirapan siyang i-regulate ang kaniyang feelings.
Ayon kay Dr. Navarro, ang good self-regulation ay normal na natutunan ng isang bata kapag siya ay nasa pre-school o school ages na. Kaya naman kung ang isang bata na edad 5 pataas ay hirap pa rin i-control ang impulse o feelings niya isang palatandaan ito na maaaring may problema na siyang kinakaharap. Tulad na lamang kung ‘di pa rin siya marunong makihati ng laruan sa kaniyang kapatid na maaaring magresulta sa pananakit. Dapat agad itong naitatama upang hindi na maulit pa.
Payo ni Dr. Navarro, isang paraan upang maturuan ang isang bata ng self-regulation ay ang pagbibigay ng rules sa kaniya. Tulad ng paghihintay kapag turn niya na o kaya naman ay pagiging good role model sa kaniya. Kung hindi pa rin naayos ang behavior ng isang bata matapos nito, lalo na kung makikitaan pa siya ng mga susunod na palatandaan ay dapat ng humingi ng tulong ng isang espesyalista.
BASAHIN:
Mga parenting mistakes na dahilan kung bakit lumalaking walang respeto ang isang bata
3 paraan para humaba ang pasensya kapag makulit ang anak
7 tips para mapalaki nang tama ang batang makulit
Girl photo created by master1305 – www.freepik.com
2. Nahihirapan na makipag-negotiate ang isang bata.
Kung hindi niya masabi ang kaniyang nararamdaman o naiisip. O maipaliwanag ang isang bagay o sitwasyon na kaniyang nakita o naranasan.
3. Hindi siya maka-accomplish ng task o naapektuhan na ang functionality niya.
Kung ang behavior ng isang bata ay nakakaapekto na sa kaniyang pag-function, isa na rin umano ito sa mga warning sign na hindi dapat ibalewala. Tulad na lang kung hirap na siyang matututo sa mga lessons niya sa school dahil sa sobrang hyper at kulit niya. O kaya naman ay hirap siyang mag-focus o mag-concentrate sa bagay na kaniyang ginagawa.
School photo created by freepik – www.freepik.com
4. Hindi na kayang ma-manage ang behavior ng bata.
Kung ikaw bilang magulang o sinumang nasa paligid niya tulad ng kaniyang guro ay hindi na maitama ang behavior na ito ng isang bata, isa na ito sa mga palatandaan na kailangan na ng tulong mula sa isang espesyalista. Sapagkat maaaring ito na pala’y may mga sintomas ng pagkakaroon ng isang behavioral disorder ng isang bata. Kailangan ng mga professional o expert upang matulungan ang bata pati na rin ang mga magulang para ma-handle ito.
Mga maaaring gawin ng magulang
Muling pahayag pa ni Dr. Navarro, walang bata ang innately o natural na matigas ang ulo. Laging may dahilan kung bakit sila nagiging ganito at kailangang maintindihan ito ng magulang at ma-solusyonan.
“Definitely children are not innately bad. Behavior issues is a cry for help. If the behavior issues are uncontrolled, difficult for parents to manage effectively then its already call to action. You have to do something about it. Whether you learn how to parent or manage his behavior on your own or you seek help together with the child.”
Maliban nga sa pagpapatingin o paghingi ng tulong sa espesyalista, ang unang dapat gawin ng mga magulang ay ang i-acknowledge na may problema sa kanilang anak. Saka ito unti-unting itama sa pamamagitan ng pagiging isang mabuting role model o halimbawa. Dahil bilang isang magulang, tayo ang kanilang laging nakakasama at pangunahing tao na pinagkakatiwalaan nila. Kaya kaysa lumala pa, mainam na kahit sa napakamura nilang edad ay lagi ng magpakita ng mga gawi o behavior na nais nating matutunan ng ating mga anak. Lalo na ang mga good behavior na magiging pundasyon niya sa pagiging isang responsible at disiplinadong adult kapag siya ay nasa tamang edad na.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!