Ang pagpapakasal ay isa sa mga milestone sa buhay ng dalawang tao, pero bukod sa makakasama mo habambuhay ang iyong pinakamamahal ay marami rin ang benepisyo ng pagpapakasal sa kalusugan?
Mababasa sa artikulong ito:
- Benepisyo sa kalusugan ng pagpapakasal
- Pag-aaral ng mga eksperto patungkol sa benepisyo ng pagpapakasal
Karamihan sinasabi na stressful umano ang pag-aasawa dahil iba na umano ang iyong magiging responsibilidad. Hindi nakatulad nang ika’y single pa lamang. Nariyan ang pag-commit sa iyong asawa at sa inyong binubuong pamilya. Mahirap umano ang pagpapakasal lalo na sa usapin ng pera.
Pero bago kayo mai-stress sa mga sabi-sabi ng iba patungkol sa hirap ng pagpapakasal. Alamin naman ang mga benepisyo ng pagpapakasal sa kalusugan.
Benepisyo ng pagpapakasal
Sa isang pag-aaral nakita na mas healthy o malusog ang pangangatawan ng mga taong kasal, ayon ito kay Arash Emamzadeh isang isang psychologist. Sa isang pag-aaral na inilathala noong Setyembre sa isang issue ng journal sa Personal Relationship ni Cortez at kaniyang mga kasamahan.
Inimbestigahan nila ang koneksyon ng healthy at unhealthy at pagpapakasal. Inaral nila ang mga kauugnayan nito sa isa’t isa at kung paano nakakaapekto ang pagpapaksal sa isang tao.
Marami umanong mekanismo ang responsable patungkol rito. Katulad na lamang ng economic benefit, great social support, at healthy lifestyle. Subalit taliwas sa pananaw naang mga tang malulusog ay may mataas na tiyansa na magpakasal, inimumungkahi ang select effect. Natuklasan sa pag-aaral na maraming benepisyo ang pagpapakasal sa isang tao.
Narito ang mga benepisyo ng pagpapakasal sa kalusugan
- Mas matagal mabubuhay
- Mababang tiyansa na ma-stroke at atakihin sa puso
- May mababang tiyansa na maging depressed
- Mayroong mababang tiyansa na pagkakaroon ng advanced na cancer sa oras na ito’y ma-diagnose at makaka-survice mula rito’t mabubuhay pa ng matahgal.
- Mas makaka-survive sa mga health operation ng madalas.
Pero hindi umano ibg sabihin na kasal ka ay automatic na ika’y malusog na o magiging healthy. Ang mga taong nasa stressfull at unhappy marriages ay maaaring mas masahol pa ito sa kalusugan ng mga single person na pinapalibutan ng mga supportive family at friends.
BASAHIN:
Marriage license at iba pang mga dapat mong ihanda bago magpakasal
STUDY: 12 common mistakes na nakakasira sa relasyong mag-asawa
Bagong benepisyo ng pagpapakasal sa “puso”
Isa pang pag-aaral sa ang nagpapakita sa Englad na sa 25,000 na inatake sa puso, 14% sa kanila ay kasal at nakaligtas matapos nito. Mas mabilis din umanong nakalabas ng ospital ang mga taong kasal kaysa hindi. Umabot lamang sa dalawang araw ang pananatili nila sa loob ng ospital
Ang pag-aaral na ito ipinakita sa isang medical conference. Kaya naman ang resulta na ito ay masasabing preliminary pa lamang. Pero nag-raise ito ng maraming tanong. Halimbawa na lamang, kung ang heart attack para sa mga single na tao ay mas severe o mas malala kaysa sa mga taong kasal? At kung ang kalusugan ng single na tao na na-heart attack ay mas malala bago ang heart attack kaysa sa mga taong kasal?
Ang pag-aaral na ito’y sinasabi rin na baka marahil sa pressure na natatanggap ng mga single na tao sa pagpapakasal kaya nila ito nararanasan kaysa sa mga taong kasal. Kaya naman umano ayon kay Robert H. Shmerlin, MD, unfortunate ito para sa mga single.
Dagdag pa niya ang pag-aaral na ito ay kino-conclude lamang ang “asssocitation” o ugnayan ng mga taong kasal at ang health outcome matapos ang heart attack o atake sa puso. Subalit hindi nito sinasabi ang ng lubos kung pagpapakasal nga ba talaga ay isa sa mga dahilan kung bakit madali nakakarekober ang mga taong kasal na inatake sa puso.
Paano nga ba nagiging healthy kapag kasal na?
Sa maraming mga umuusbong na ebidensiya sa benepisyo ng pagpapakasal sa kalusugan ng tao. Magandang tanungin kung ano nga ba ang mga koneksyon nag-e-exist sa pagitan ng dalawa. Ilang mga researcher ang nag-explore sa mga ganitong tanong. Narito ang kanilang mga prominent theories.
-
Dahil umano ito sa immune function.
Natuklasan sa mga pag-aaral na ang mga taong nasa masayang relasyon ay mayroon mas malakas na immune function kaysa sa mga hindi. Mas mababa umano ang nare-release na cortisol sa mga taong kasal kaysa sa mga single. Maaaring mahalaga ito dahil ang cortisol ay isa sa mga nagre-reflect sa stress level ng tao. Ang pagkakaroon ng high cortisol levels ay makakasira sa sa immune function.
-
Ang iyong behavior ay nakakapag-improve sa marriage o pagasasama.
Sinasabi na ang mga taong kasal na ay sumusubok lamang ng fewer risks, kumakain ng mas maayos at nakakapag-maintain ng healthier lifestyle kaysa sa mga single people. Kaya naman mayroong ebidensiya na ang mga taong kasal ay mas madalas na mayroong doctor’s appointment at sinusunod ang payo ng kanilang mga doktor kaysa sa mga taong single.
-
Mas healthy ang mental health
Kapag ika’y kasal mas healthy ang iyong mental health. Ang pagkakaroon ng poor social support para sa mga single, ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng high rates ng depression, loneliness, na may kaugnayan sa pagkakaroon ng poor health.
Wala sa mga ebidensiyang ito ang sinusuportahan ang mga theory na ito sa health benefit ng pagpapakasal. Kaya kung mayroong health benefit ang pagpapaksal walang tiyak na rason pa rito subalit nakita sa mga pag-aaral ang kaugnayan nito. Kaya naman patuloy na pinag-aaralan ito ng mga eksperto.
Source:
health.harvard, psychologytoday