Hindi lamang nausea, pagduduwal, pagke-crave sa iisang pagkain ang palatandaan na ikaw ay buntis. Ilan sa mga aspiring mommies ang nakaranas ng pagtaas ng sex drive bilang isa sa mga unang signs ng pagbubuntis.
Maaaring ang pagtaas ng sex drive na ito ay ang pagtaas ng bilang ng hormones at blood flow sa genital area. Tinatayang sa ikalawang trimester ng pagbubuntis ni mommy ito nangyayari.
Kaakibat din ng pagtaas ng sex drive ng mga mommy habang nagbubuntis ay ang magiging benepisyo ng pakikipagtalik sa inyong asawa.
Nagdudulot din ang ugnayang ito ng mas matinding koneksyon ninyong mag-asawa habang ikaw ay nagbubuntis.
At malay ninyo, bilang unang pagbubuntis mo ito mommy, posibleng mas enjoyable ang pakikipagtalik habang ikaw ay buntis!
Kaya mommies, alamin kung normal bang maramdaman ang sex drive kapag buntis, benepisyo ng pakikipagsex, at ano-anong mga sex positions ang mamaaari ninyong gawin ni daddy.
Ito ang mga nasaliksik na dapat nating pag-usapan:
- Bakit mataas ang sex drive kapag buntis?
- Benepisyo ng pakikipagtalik habang buntis
- Safe sex positions para sa mga buntis
- Mabubuntis ka ba ulit kahit may baby na sa loob?
Talaan ng Nilalaman
Normal bang makaramdam ng mataas na ‘sex drive’ habang nagbubuntis?
Hindi maitatanggi ng mga mommy na makaramdam sila ng sex drive lalo na kung nagkakaroon na ng ibang sintomas ng pagbubuntis. Kahit pa na sila ay nasa kalagitnaan ng panahon ng kanilang pagbubuntis ay nararamdaman ito.
Sanhi ito ng mga nagiging pagbabago sa katawan ng mga nagbubuntis na mommies. Mula sa pagtaas ng hormonal levels ng estrogen at progesterone hanggang sa pagbilis ng bloodflow sa katawan ay nagiging sanhi ng sensitibidad ng iyong suso at genitals.
Ito ang nagiging dahilan ng pagkaramdan ng arousal.
Puwede nating maramdaman ang iba’t ibang daloy ng hormonal levels na ito sa bawat trimester ng iyong pagbubuntis.
First Trimester
Sa unang trimester, mararamdaman ng mga mommies na tila nananamlay at hapo sila pero sobrang taas ng hormonal level nila kapag sa umaga.
Epekto nito ang pakiramdam na nanlalaki ang kanilang suso at nipples at mas nagiging sensitive.
Mas nararamdaman ng mommies ang kanilang intimate connection sa kanilang asawa.
Sa panahong ito, kung gumagamit ka ng contraceptives ay naiisip mong hindi na kailangan.
Mas ginaganahan ka ring gawin niyo ni daddy ang iba’t ibang sex positions dahil wala pang manifestation ng baby belly.
Second Trimester
Sa ikalawang trimester, hindi pa ramdam ng mga mommies ang limitations sa katawan ng kanilang pagbubuntis. Ito ang panahon na mararamdaman niyong ito ang honeymoon at first time niyong magtatalik!
Dahil mas dumadami ang dugo ng isang nagbubuntis, bumaba sa lower half ng katawan ni mommy ang extra flow ng dugo. Mas intense at nasa mood ang pakiramdam mo lagi sa ganitong sitwasyon.
Dagdag pa, mas intense rin ang orgasms mo sa tuwing kayo ay nagtatalik ng iyong partner habang buntis kaysa sa normal na sitwasyon ng itong katawan.
Third Trimester
Pagdating ng huling trimester, mas evident na ang pisikal na limtiasyon ng katawan sa pagbubuntis. Pinakahuling bagay na para sa iyo ang pakikipagtalik dahil sa mga nararamdamang pananakit ng katawan.
Ayon sa researchers ng PubMed Central hinggil sa pakiramdam ng pagtaas ng sex drive habang buntis, maaaring bumaba ang pakiramdam na ito. Pero maaari pa ring maisipang gawin at mag-adjust si daddy kay mommy para sa komportableng posisyon.
May pag-aaral din sa siyensiya na nakatutulong ang orgasm at nipple stimulation ni mommy ay nakakapag-release ng hormone na oxytocin.
Ang oxytocin ay isang natural form ng pitocin na nakatutulong sa pag-induce ng sakit kapag nagle-labor na si mommy.
Sa kabilang banda, mga mommies, normal din ang hindi makaramdam na tumaas ang inyong sex drive habang kayo ay nagbubuntis.
May mga pag-aaral na ang pagbubuntis ay nakakaapekto sa pagbaba ng self-esteem at pagtingin ng mga mommies sa kanilang image lalo na sa 2nd at 3rd trimester nila.
Kasabay pa nito ang napakaraming sintomas ng pagbubuntis tulad ng nausea, pagsusuka, pagkahapo at sobrang pagod, kahit pa sa term na ito ay tumataas ang produce ng kanilang estrogen at progesterone levels.
Nakakadagdag din ito sa mga mommies ng alalahanin ng mga ‘baka’ kapag nakipagtalik sila habang nagbubuntis.
May pag-aalala na magdulot ito ng miscarriage ni baby, o kaya ay premature na panganganak dahil sa sunod-sunod na pagkaramdam ng contraction kapag nag-oorgasm.
Normal lang para sa mga mommies na makaramdam o hindi ng mataas na sex drive habang nagbubuntis. Normal lang din na makipagtalik o hindi habang nasa stage na ito.
Alamin naman natin ang mga benefits ng pakikipagtalik ng mga mommies habang sila ay buntis.
12 na benepisyo ng sex habang buntis
Ang sex habang nagbubuntis ang mga nanay ay safe at secured. Malalaman natin sa mga nakalap na researches na ang sex, specially ang orgasm, ay maraming benepisyo para sa inyong pagbubuntis.
Tandaan rin na hindi lamang sex kundi orgasm ang nakakapagbigay ng benepisyo kay mommy. Kaya dapat mutual ang partners sa kanilang ginagawa kapag nagtatalik.
1. Maaaring mas masaya ang sex kapag buntis
Dahil sa pagbilis at pagbuhos ng blood flow sa katawan, mas nagkakaroon ng sensitivity sa genital area at suso ni mommy.
Maaaring sa pagkakataong ito ay mas nararamdaman mo ang mga pleasures na hindi mo pa nararamdaman noon.
Tumataas din ang libido o pagkahumaling sa pakikipag-sex. Walang dapat ikahiya dito mga mommies. May iba’t ibang sitwasyon naman ang pagbubuntis at may iba-ibang dahilan ang sexual arousal na nararamdaman.
2. Maraming naire-release ng Endorphins
Ang pakikipagtalik ay nakakapag-release ng maraming endorphins sa katawan. Isa itong hormone na nagiging neurotransmitter ng kaligayahan kaya tinatawag itong “feel-good” chemical.
Nakatutulong ang endorphin sa pagpapababa ng nararamdamang pagod at pananakit ng katawan, nagpapagaan ng mood, at nakapagpapataas ng confidence ng mga mommies na nakikipagsex habang nagbubuntis.
3. Nakapagre-release ng maraming Oxytocins
Katulad ng nabanggit kanina, ang sex ay nakakapagproduce ng oxytocins sa katawan o ‘love chemicals’.
Nakatutulong ito sa pagbuo ng connection sa iyong asawa, at pakiramdam ng pag-unlad, pagtitiwala, at healing process (physically at mentally).
4. Mas matibay na bonding ng mag-asawa
Unang dahilan na rito ang #3, dahil sa oxytocin. Maliban sa nabubuong connection ng mga mag-partner habang nasa kama, nakakabuo rin sila ng connection na labas sa pagtatalik.
Mas nakakatulong din ito sa pagko-communicate ng nararamdaman sa isa’t isa at nakakalikha ng positive vibes sa inyong partner.
5. Nakapagpapabuti ng pagtulog
Isa sa mga nagiging epekto sa katawan at kalagayan ng mga preggy mommies ay ang insomnia. Ito ang madalas na pagka-antala ng pagtulog o hindi makatulog na nagdudulot ng stress sa mga preggy.
Nagiging solusyon din sa insomnia ang sex dahil sa oxytocin na nagpapakalma at nakakapagrelax ng pakiramdam ng isang insomniac. Kaugnay ng sex ay masturbation, batay sa research, ay nakatutulong rin sa mas mahimbing na pagtulog.
6. Mas madalas na komunikasyon
Sa panahon ng pagbubuntis ni mommy, kailangang maintindihan ni daddy ang mga pabago-bagong pakiramdam ni mommy.
Isa ang pagtatalik kung saan mas nakakapag-open up ng mga nararamdaman ang mag-asawa. Kailangang inilalabas ni mommy ang mga nararamdaman at naiisip niya para mas maintindihan siya ni daddy.
BASAHIN:
Best Maternity Lingerie: Sexy, Sporty, at Komportable kay Mommy
What a mother’s body really looks like- and how to start falling in love with yours again!
7. Nakakabawas ng nararamdamang pananakit
Isa sa mga epekto ng oxytocin ay ang pagbawas ng nararamdamang pisikal na sakit. Isama pa ang endorphins na pinakakalma ang nararamdaman pananakit tulad ng nararanasan ng buntis na back pain.
Sa ibang nakalap na research, kalahati sa bilang ng mga buntis na nakakaranas ng migraine ay nagsasabing nakatutulong ang sex para mabawasan ang sakit na dulot nito.
Pinapayuhan din ng ilang mga doktor ang mga pasyenteng nakakaranas ng chronic pain na makakabawas ang sex sa kanilan karamdaman.
8. Nakakatulong sa pagde-destress
Sa mga anecdotal reports na nakita, nagiging destressing method kadalasan ang pakikipagtalik dahil sa mga natural na nangyayari sa katawan ng tao pagkatapos itong gawin.
9. Puwedeng maging paraan ng pag-e-exercise
Karaniwan na ang sex ay may benepisyo sa kalusugan dahil ito rin ay isang porma ng exercise. Ang paggalaw at pagkilos (ng katawan) ay nakakabawas sa calories ng ating katawan.
Ang average na naitalang nabu-burn na calories ng mga babae tuwing nakikipagtalik ay 69 calories.
10. Mabawasan ang pagkakaroon ng preeclampsia at hypertension
Nakababawas sa sakit sa puso ang madalas na pagsasagawa ng pisikal na aktibidad, at isa na rito ang pakikipag-sex.
Batay sa 2016 research review, nakatutulong sa mga babae ang pakikipagtalik upang maiwasan ang anomang kumplikasyon sa puso sa kanilang pagtanda.
11. Pagkakaroon ng confidence
Sa una, ang pakikipagtalik sa iyong asawa habang ikaw ay buntis ay nakakahiya, dahil nakikita niya ang hubad mong katawan na nagkakaroon ng bagong porma. Pero huwag mag-alala mommy, normal itong naiisip at nararamdaman mo.
Kapag tumagal, maaari kang maka-gain ng confidence at mas komportable ka nang makipagtalik kay daddy habang ikaw ay buntis.
Dahil nakakatulong din ang sex sa mas open na communication at connection, maaari mo laging i-share ang nararamdaman mo sa iyong partner.
12. Nakatutulong sa labor contraction kung— handa nang manganak
May mga natatakot na makipagtalik habang nagbubuntis dahil maaari itong mag-cause ng contraction na nagdudulot ng premature labor.
Sa kabilang banda, kung nasa kabuwanan ka na mommy, maaaring makatulong ang sex para sa labor contraction. Ang orgasm na nangyayari ay isang paraan din ng contraction.
Ito na ang time para matulungan kang ma-ipush si baby kung talagang lalabas na siya at ready ka na!
Maliban sa mga nailista nating benefits ng pakikipagtalik habang ikaw ay nagbubuntis, isabay ding ikonsulta sa inyong doktor kung safe ba sa iyong kondisyon na gawin ito.
May mga cases ng ibang mommies na nagbubuntis na hindi safe sa kanila ang pakikipagtalik dahil:
- may pagdurugo habang o pagkatapos mong makipagtalik
- pumutok ang panubigan mo o may leakage ng hindi ma-identify na likido
- maaaring incompetent ang iyong cervix o premature ang pagbuka nito
- mayroon kang placenta pervia (natatakpan ng placenta ang buong cervix mo)
- may experience ka ng preterm labor o panganganak
May iba’t ibang kalagayan at kondisyon ang bawat mommy na nagbubuntis. Kaya bago i-enjoy ang sex habang nagbubuntis, humingi muna ng payo sa doktor.
Sexual Positions na puwede niyong gawin ni Mister
Sa panahon ng pagbubuntis ni mommy, may mga sexual positions lamang na pwedeng gawin nila ni daddy lalo na sa pagsapit ng kanyang 2nd trimester (4 hanggang 6 na buwan).
Kung gagawin sa 2nd term ang usual na sex position tulad ng missionary position (nasa ibabaw si daddy ni mommy), maaaring maging dahilan ito ng pagkasira ng blood vessels sa likod ni mommy na magdudulot ng stress at pananakit ng likod
Maaari rin itong maging sanhi ng pagkasira ng daloy ng nutrients at oxygen na dapat natatanggap ni baby. Maaaring mag-eksperimento sa safe at komportable sex positions ang magpartner tulad ng mga sumusunod:
-
On top
Kapag si mommy ang nasa ibabaw, kontrolado niya ang pwersa habang maluwag sa pakiramdam na hindi naiipit ang tiyan at si baby.
Mas magagawa mong bilisan o bagalan ang paggalaw sa ganitong posisyon at mas madali ang pag-switch sa ibang sex position.
-
Upset position
Sa posisyong ito, kailangang nasusuportahan ng dalawang kamay at paa ni mommy ang kanyang buong katawan.
Hayaang nakalaylay ang tiyan at si baby. Mas applicable ang ganitong posisyon sa 1st at 2nd trimester ng pagbubuntis, bago pa mag-3rd trimester kung kailan sobrang bigat na ni baby sa loob.
-
Spooning o nakatagilid na posisyon
Pinaka-applicable ang sex position na ito lalo na kung nasa 3rd term na si mommy ng pregnancy. Mas komportable ang posisyong ito dahil mas naaalalayan ni mommy ang tiyan niya habang nakatigilid.
Puwede ring maglagay ng unan bilang dagdag na support habang gumagalaw si daddy mula sa likod. Kailangan bagalan ni daddy sa ganitong posisyon dahil maaaring sensitive masyado ang genitals ni mommy.
Ang paggamit ng water-based lubricant ay makakatulong para sa pagpapadulas ng dalawang genitals upang maiwasan ang friction at magresulta ng paghapdi at pagsusugat ng mga ari.
Makakatulong din ito maliban sa pag-alam ng appropriate na sex positions para sa mommy na buntis ang constant communication niyo bilang mag-asawa. Alamin ang kailangan ng bawat isa.
Kung hindi komportable si mommy sa konsepto ng pagtatalik habang buntis, maaaring isang option ang intimate touching (na maaaring nakahubad o hindi). Isang option din ang sabay na pagmamasturbate ng mag-asawa.
Posible bang mabuntis ulit kahit may baby na sa loob?
Hindi? Pero sa pagsasaliksik ng Healthline, rare ang posibilidad na ito. Kaya posible!
Unang dahilan kung bakit no-no ang palagiang pagtatalik habang nagbubuntis si mommy ay dahil sa mga nararamdaman niya tulad ng leg cramps, nausea, back pains, at marami pang iba.
Safe ang sex pero hindi rin advisable ang oras-oras itong gagawin.
Ikalawa, ang rare na posibilidad na ito na maaaring mabuntis ulit habang buntis na si mommy.
Kadalasan, hindi na talaga ito posible dahil tumigil na sa pag-ovulate si mommy. Nag-produce na rin ang cervix niya ng mucus plug bilang proteksyon sa anumang infection at pagpasok ng ibang sperm cells sa womb.
Ayon sa mga doktor na nakakasalamuha ng ganitong cases, hindi pa rin nila maipaliwanag kung paanong nagkakaroon pa rin ng ovulation kahit buntis na ang isang mommy.
Pinag-aaralan din nila ang timing ng fertilization at conceiving sa loob ng unang 2 hanggang 4 na linggo.
Maaaring sa pagitan ng mga panahon na iyon ay may chance na sobrang minimal para makapag-ovulate ulit kasabay ng nangyaring naunang fertilization process.
Sa napakaliit na tiyansa, batay sa pananaliksik, ay maaari ito. Basahin ang article na it para sa mas dagdag na impormasyon: Can you get pregnant while you are pregnant?
Maraming pagkakaiba ang kalagayan at sitwasyon ng mga mommies natin na nagbubuntis. May iba-iba rin silang pagtanggap sa konsepto ng pakikipagtalik habang sila ay nagbubuntis.
Sikapin laging kumonsulta sa doktor para matulugan kayo sa safe at secured na sex habang kayo ay preggy.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.