Isa sa mga parenting must-haves ay ang baby carrier. Ito ay isa sa pinaka-useful na bagay na pwede mong bilhin bilang isang magulang. Ang paggamit nito ay tinatawag na babywearing. Napakaraming benefits ang maaaring maidulot nito sa’yo at sa iyong baby kung kaya naman aming inilista ang best baby carrier brands in the Philippines para matulungan ka sa iyong pagpili.
Baby Carrier: Mga gamit at benepisyo
Magagamit mo ang baby carrier kung madalas mong karga si baby. Kapag nasa carrier na ang iyong little one, free na ang iyong mga kamay para mag bitbit ng ibang bagay at gumawa ng mga chores.
Kapag nasa baby carrier din si baby, naka snuggle siya sa’yo. Mararamdaman niya ang heartbeat mo tulad noong nasa loob siya ng womb kaya very soothing ito para sa kanya.
Bukod pa riyan, marami pang benepisyo ang babywearing. Kung madalas kayong magtravel, must-have ito. Bukod sa maiibsan ang ngalay sa matagal na pagkarga kay baby, pinapanatili rin nitong malapit sa iyo si baby kaya hindi ka na mag-aalala.
Maganda rin ito para sa kanyang emotional, cognitive, at social development. Para naman sa mga breastfeeding moms, pwede ka pa nga mag-breastfeed habang gamit ito. Kung kumbinsido ka na, narito ang ilang uri ng mga carrier for baby na pwede mong pagpilian.
Best Baby Carrier In The Philippines: High Quality Brands Available Online | Image from Istock
Mga uri ng baby carriers
Bago namin ilista ang mga best baby carrier in the Philippines, mainam na malaman mo muna ang iba’t ibang uri nito. Ito ay ang mga sumusunod:
Wraps
Kamukha nito ang mga tradisyonal na babywearing gear. Mainam ito para sa mga newborn at sanggol na hindi pa gaanong mabigat. Makikilala ito sa kanilang mahabang tela na itinatali sa iyong katawan para i-secure si baby.
Soft
Structured carrier o SSC, sa pangalan pa lang nito, mahuhulaan mo na kung ano ang SSC. Ito ay may malambot pero mayroon itong mga straps at belts para siguraduhing safe si baby. Mas structured din ito kumpara sa wraps kaya pwedeng gamitin para sa mas malaking sanggol.
Sling
Ang carrier na ito ay kadalasang ginagamitan ng rings na nagsisilbing sabitan ng tela. Sa ganitong paraan madaling maaadjust ang carrier ayon sa laki ng iyong baby dahil sa sling. Ang mga rings na ito ay ginagamit din upang mai-tuck at mai-lock ang tela nang sa ganun ay maiwasang mahulog si baby.
Backpack
Tulad ng pangkaraniwang backpack na bag, maraming padding ang carrier na ito. Madalas itong gamitin para sa mga strenuous activities gaya ng hiking, pero pwede rin ito para sa pang araw-araw na gawain. Ito rin ay maaaring gamitin bilang gestational baby carrier para sa mga expectant moms.
Baby carrier with hip seat
Ito ay may padded seat at belt para makaupo si baby. Tulad ng mga classic baby carriers, nasa forward-facing din si baby habang nasa loob ng carrier na ito. Ang carrier na ito ay maaaring gamitin ng mga babies na nasa 6 month old pataas.
Best Baby Carrier Brands in the Philippines
Best Baby Carrier
| Mama’s Choice All-in-One Baby Hipseat Carrier | | View Details | Buy Now |
| Mama's Choice Comfy Baby Sling Carrier | | View Details | Buy Now |
| Baby Bjorn Carrier One Air Best Breathable Baby Carrier | | View Details | Buy Now |
| Bebear-Mesh Plus Hip Seat Carrier Best Lightweight Baby Carrier | | View Details | Buy Now |
| I-Angel-New Magic 7 Hipseat Carrier Best for Hip Support | | View Details | Buy Now |
| Infantino Flip 4-in-1 Convertible Carrier Best Backpack Carrier | | View Details | Buy Now |
Best Baby Carrier In The Philippines: High Quality Brands Available Online | Mama’s Choice
Ito ang pinili naming best overall dahil sa magagandang features at sulit na price nito! Perfect ang Mama’s Choice All-in-One Baby Hipseat Carrier para sa iyo dahil ito ay nag-ppromote ng tamang “M" seated position, at nakakatulong sa healthy hip development ni baby. Ito rin ay may headrest na para protektahan at suportahan ang neck at spine ni baby.
Siguradong komportable si baby dito dahil ito ay may added waistbelt na pwedeng i-extend hanggang 128 cm, at extra padded shoulder strap.
Features we love:
- Designed in accordance with the International Hip Dysplasia Institute (IHDI)
- Prevents misalignment of hip joint
- Keeps your baby secure with a leg buckle
- Can be worn in 16 different ways
Best Baby Carrier In The Philippines: High Quality Brands Available Online | Mama’s Choice
Kung maliit pa ang iyong baby, perfect riyan ang Mama’s Choice Comfy Baby Carrier. Bukod sa comfortable ito para kay mommy (o daddy!), ito ay mas madaling gamitin at suotin kumpara sa mga structured carriers.
Isusuot mo lang itong parang t-shirt and hindi kailangan i-strap o i-buckle. Maaaring gamitin ito ng nakaupo si baby o natutulog patagilid. Kaya nitong suportahan ang mga babies up to 15 kg.
At dahil gawa ito sa cotton, hindi ito mabigat at napakadaling tiklupin kung nais mong ilagay ito sa iyong bag.
Features we love:
- Comes with a carrying pouch
- With a pocket for baby’s bottle, pacifier or bibs
- Comfortable at durable
Best Breathable Baby Carrier
Best Baby Carrier In The Philippines: High Quality Brands Available Online | Baby Bjorn
Ang Baby Bjorn Carrier One Air ay may classic design na simple pero effective at kapaki-pakinabang. Ito ay gawa sa airy at breathable, soft mesh material na hindi nakakairita sa balat ni baby at nagbibigay ng preskong pakiramdam. Mayroon itong iba’t ibang hole pattern na bukod sa nagpapaganda ng air circulation at nagbibigay ng sapat na bentilasyon, ay nagpapaganda rin ng disenyo ng carrier.
Siguradong mas makukumbinsi kang i-add to cart ang produktong ito dahil sa head support feature nito. Mayroon itong mataas na head support upang magbigay ng proteksyon sa leeg at ulo ni baby lalo na kapag siya ay nakatulog habang nasa carrier. Ang adjustable seat area nito ay nakatutulong din upang mabigyan ng mas komportableng posisyon si baby.
Features we love:
- Gawa sa airy at breathable soft mesh na madaling matuyo
- Iba’t ibang air hole pattern
- Mataas na head support
- Adjustable seat area
Best Lightweight Baby Carrier
Best Baby Carrier In The Philippines: High Quality Brands Available Online | Bebear
Mapapabilib ka sa gaan ng Bebear Mesh Plus Hip Seat Carrier. Ito ay may timbang na 0.6 kg kaya’t napakadaling dalhin kahit saan. Sa kabila ng pagiging lightweight ng carrier na ito, may carry capacity ito na hanggang sa 20 kg. Gawa ito sa polyester at premium quality breathable mesh na hindi mainit at nakakairita sa pakiramdam ni baby. Nakakatulong din ang mga vacuum holes nito para sa maayos na air circulation.
Ang hip seat ng carrier na ito ay may butterfly shape na nagpapahintulot kay baby na maigalaw ang kanyang mga binti para sa mas maayos na blood circulation at komportableng pag-upo. Mayroon din itong connecting zipper at safety buckle locks na nagdudugtong sa detachable na hip seat nito. Adjustable at well-padded din ang shoulder at waist strap nito kaya naman komportable mo rin itong magagamit. Ang produktong ito ay may certification din mula sa International Hip Dysplasia Institute bilang Hip Healthy product.
Features we love:
- May gaan na 0.6 kg
- Gawa sa polyester at premium quality mesh
- Butterfly-shaped hip seat
- May hip health product certification
Best for Hip Support
Best Baby Carrier In The Philippines: High Quality Brands Available Online | I-Angel
Para sa mas healthy na hip joint growth ni baby, subukan ang I-Angel New Magic 7 Hipseat Carrier. Certified ng International Hip Dysplasia Institure ang produktong ito sapagkat ito ang nagpro-promote ng maayos na development ng hip joints dahil sa M position at C position ni baby kapag siya ay nasa loob ng carrier. Ang hip seat ng carrier na ito ay may anggulong 30 degrees para maging mas close ka kay baby habang buhat-buhat siya.
Gawa ito sa waterproof premium materials at may built-in breathable mesh na nagbibigay ng komportable at preskong pakiramdam kay baby. Mayroon din itong head and neck support para mas maging ligtas si baby, lalo na kapag siya ay nakatulog. Bukod dito, may sleeping hood din ito na kasama. May maximum capacity ito na 20 kg kaya’t siguradong matagal na magagamit ang carrier na ito.
Features we love:
- Napro-promote ng healthy hip joint growth
- 30 degrees angle hip seat
- M position at C position
- Gawa sa waterproof material
- Presko at komportable
Best Backpack Carrier
Best Baby Carrier In The Philippines: High Quality Brands Available Online | Infantino
Napili namin bilang best backpack carrier ang Infantino Flip 4-in-1 Convertible Carrier dahil sa ito ay may safety certification mula sa USA at Europe. Ibig sabihin lamang nito ay subok ang tibay at comfort ng carrier na ito kaya naman makakasiguro ka ring ligtas itong gamitin bilang backpack carrier.
Another one, hindi lamang ito magagamit bilang backpack carrier. Ito rin ay pwedeng gamitin sa mga posisyon na facing-in (newborn seat), facing-in (expanded seat) at facing-out. Adjustable ang seat position at head support ng carrier na ito kaya’t gaano man kalaki o kabigat ay kaya nitong bigyan ng maayos na posisyon si baby. Moreover, extra padded din ang shoulder straps nito kaya naman siguradong mas magiging komportable rin ang iyong pakiramdam habang gamit ito.
Features we love:
- 4-in-1 convertible carrier (2 facing-in, facing-out at backpack position)
- May safety certification mula sa USA at Europe
- Adjustable ang seat at head support
- Extra padded ang mga shoulder straps
Price Comparison Table
|
Brand |
Price |
Mama’s Choice (Hip seat carrier)
|
Php 971.00 |
Mama’s Choice (Sling Carrier) |
Php 591.00 |
Baby Bjorn |
Php 13,999.00 |
Bebear |
Php 3,999.00 |
I-Angel |
Php 6,499.00 |
Infantino |
Php 2,699.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out, or the price may be different at a later date
Mga tips sa pagpili ng baby carrier
Bago bumili ng baby carrier, i-check mong mabuti ang mga bagay na ito:
- Safety
- Pinaka importante ang safety ni baby. Kailangan ang structure ng baby carrier ay hindi makakasama sa kanyang physical development. Bahagi na rito ang tamang pag-babywear kaya dapat eksakto ang pagkaadjust ng straps.
- Fit at comfort
- Para ito sa iyo at kay baby. Komportable ba si baby sa carrier? Madalas ding mainit dito sa atin kaya’t dapat i-consider mo ang breathability ng materyal na gamit sa baby carrier. Bukod dito, malaki rin ang epekto ng fit sa comfort mo at ni baby. Dapat maganda ang fit ng carrier sa iyo at sa iyong hubby kung gagamit din siya ng carrier.
- Gaano kadaling gamitin?
- Madali bang isuot at tanggalin ang baby carrier? Kung ikaw ay mag-isa lang, kaya mo ba itong isuot sa iyong sarili?
T.I.C.K.S.
Tandaan ang acronym na T.I.C.K.S. kung gagamit ng baby carrier para kay baby:
- T – Tight. Dapat mahigpit ang pagkakalagay ng baby carrier upang masiguro ang seguridad ni baby. Kapag maluwag ito at kung may loose fabric, may posibilidad na dumulas ang iyong little one na pwedeng makapigil sa kanyang paghinga. Pwede ring mas sumakit ang likod mo habang buhat siya.
- I – In view at all times. Dapat nakikita mo ang mukha ni baby upang matingnan kung maayos ang kanyang airflow. Kapag naka-cradle siya sa iyo, dapat naka-face upwards siya at hindi nakayuko.
- C – Close enough to kiss. Tama ang distansiya kung kaya mong halikan si baby sa kanyang ulo o forehead.
- K – Keep chin off the chest. Hindi dapat naka-curl up si baby. Siguraduhin na ang ang kanyang baba ay hindi dumidikit sa kanyang dibdib. Posibleng makasagabal sa kanyang paghinga ang position na iyon. Siguraduhin na may espasyo na kasing lapad ng isang daliri in between sa chin at sa kanyang dibdib.
- S – Supported back. Upang i-test kung tama ang pagkakabuhat in an upright position, ilagay ang iyong kamay sa likod ni baby at i-press nang dahan-dahan. Hindi siya dapat mag-uncurl at hindi dapat gumalaw nang mas malapit sa iyo. Kapag naka-cradle naman siya, siguraduhin na nasa deepest part ng sling ang pwet ni baby.
Mommies and daddies, ngayong nalaman na ninyo ang aming top brand picks ng baby carrier, ano pang hinihintay ninyo? Press the buy button and don’t miss the deals para mas makatipid sa pagbili. Happy shopping!