Isa sa struggles ng parents ay ang pagkakaroon ng cradle cap ng kanilang baby. Ang cradle cap ay common term para sa seborrheic dermatitis o ‘yong rashes na karaniwang tumutubo sa scalp ng baby. At kung ang iyong anak ay mayroon ng ganitong skin condition, makakatulong ang cradle cap brush sa kanya.
Mababawasan ang build up ng cradle cap sa balat gamit ang hair brush na designed para dito. Kaya naman kung naghahanap ka ng best brand for your little one, keep on reading para malaman mo ang aming top picks!
Talaan ng Nilalaman
Mga dapat malaman tungkol sa cradle cap
Ang cradle cap ay crusty white o yellow scales rashes na karaniwang tumutubo sa anit ni baby o sa bahagi ng kanyang balat na madalas pawisan. Ang skin condition na ito ay dulot ng excess oil production.
Hindi lang sa anit maaaring magkaroon ng cradle cap. Lumalabas din ito sa noo, mukha, likod ng tenga, diaper area, kilikili at iba pang bahagi ng katawan ni baby.
Maaaring gumamit ng cradle cap shampoo upang matulungan na matanggal ang scales sa pagkakakapit sa balat. Aside from that, helpful din ang cradle cap brush para maalis ang scales.
Bahagi ng pag-aadjust ng katawan ni baby sa “outside world" ang pagkakaroon ng ganitong skin condition matapos na lumabas sa sinapupunan. Kusa rin namang mawawala ito makalipas ang ilang buwan o taon. However, mas mabuti pa ring gumawa ng hakbang para matanggal ito o maiwasan ang pagkakaroon nito.
Karaniwan sa mga baby na nasa tatlong buwan o mas bata pa ang tinutubuan ng cradle cap, ngunit maaari itong tumagal hanggang sa siya ay four years old bago ito kusang mawala.
Things to consider sa pagpili ng cradle cap brush for baby
Pare-pareho man ang gamit ng cradle cap baby hairbrush, mayroon naman itong iba’t ibang design, feature, at material. Ano nga ba ang mga dapat isaalang-alang sa pagbili ng hair brush para sa cradle cap ni baby?
- Safety – Alamin kung may bahagi ba ng hair brush na maaaring makatusok kay baby o magdulot ng injury.
- Materials – Piliin ang hair brush na gawa sa safe, gentle, at soft materials na good for babies.
- Features – Bumili ng cradle cap hairbrush na angkop sa pangangailangan ng inyong baby. Mahalagang alamin ang features ng bibilhing hair brush tulad ng kung gaano ito kalaki at paano ito gamitin. Mabuti ring pumili ng disenyo na attractive para sa kids.
Cradle cap brush na best for your baby
Struggle ba ang pagtanggal ng cradle cap ni baby? Narito ang ilan sa best baby hair brush na available sa Philippines.
Shower Brush Silicone Container
Best for all ages
|
Bumili sa Shopee |
Momeasy Baby Hair Brush Comb Set
Best for all hair types
|
Bumili sa Shopee |
Orange and Peach Silicone Antibacterial Sunflower Bath Brush
Best antibacterial
|
Bumili sa Shopee |
Mamimami Home Baby Hair Brush
Best set
|
Bumili sa Shopee |
Pur Brush and Comb
Best handle design
|
Bumili sa Shopee |
Tiny Buds Hair Highness Hair Brush Set
Best newborn safe
|
Bumili sa Shopee |
Shower Brush Silicone Container
Best for all ages
Pwedeng gamitin ang Shower Brush Silicone Container hindi lang sa ulo ni baby kundi sa buong katawan. Mayroon itong container feature na maaaring lagyan ng shampoo para tuloy-tuloy ang paglinis at pagtanggal ng cradle cap ni baby. In addition, madali ring alisin ang residue sa silicone kaya hindi mahirap linisin.
Best of all, good for all ages ang bathing hair brush na ito at siguradong effective sa pagtanggal ng dumi at cradle cap sa balat at ulo.
Mga nagustuhan namin dito
- Safe materials – Gawa sa silicone material kaya malambot at hindi harsh sa balat ng baby. Pakurba ang edges at walang matulis na bahagi.
- Features – Madaling gamitin at linisin. May sabitan din ito upang madaling maitabi at may anti-reverse flow seal para hindi matapon ang ilalagay na shampoo sa container
Momeasy Baby Hair Brush Comb Set
Best for all hair types
Maganda ang Momeasy Hair Brush Comb Set para sa general grooming needs ng inyong anak. May extra-soft bristles ang hair brush nito na gentle sa scalp ni baby. Aside from that, may kasamang comb na pwedeng gamitin sa kahit anong hair type.
Lastly, madaling linisin pagkatapos gamitin. Hugasan lang gamit ang sabon at warm water at patuyuin.
Mga nagustuhan namin dito
- Safe materials – Gawa sa nylon ang soft bristles nito at sa BPA free plastic ang comb na safe at gentle sa scalp ni baby.
- Features – Double density ang hair comb na pwedeng gamitin sa manipis o makapal na buhok. Pwede ring gamitin kung tuyo man o basa ang buhok. May easy-grip handle ang hairbrush na convenient for momm or daddy.
Orange and Peach Silicone Antibacterial Sunflower Bath Brush
Best antibacterial
Maganda ang integrated design ng Orange and Peach Silicone Antibacterial Sunflower Bath Brush. Walang dead corner ang cradle cap hair brush na ito kaya madaling linisin nang walang maiiwang residue ng dumi o sabon.
Hugis sunflower ang baby hair brush na ito na may soft silicone bristle na makakatulong sa pagtanggal ng cradle cap ni baby. Madaling hawakan ang flower stem handle nito.
In comparison sa karaniwang silicone brush, ang Orange and Peach Silicone Antibacterial Sunflower Bath Brush ay madaling matuyo para maiwasan ang pagkakaroon ng mold.
Mga nagustuhan namin dito
- Safe materials – Gawa sa BPA free and Phthalate free silicone material kaya malambot at safe sa delicate skin ni baby. Wala ring matutulis na bahagi na maaring magdulot ng injury sa inyong anak.
- Features – Maganda itong pang massage sa scalp ni baby upang maging healthy ang skin. May easy-grip handle, soft bristle, at cute na design. Safe gamitin kahit sa new born babies.
Mamimami Home Baby Hair Brush
Best set
Mainam ipanregalo o kaya naman ay gawing give away sa birthday ni baby ang Mamimami Home Baby Hair Brush. Ito ay dahil sa each set ay may hair brush at comb na pwedeng palagyan ng customized name ang wooden handle.
May dalawang uri ng hair brush at isang comb ang baby gift set na ito: goat-hair bristle brush, bamboo-bristle brush, at medium-toothed pear wood comb. While each brush ay may kani-kaniyang function, lahat naman ay may bacteria-resistant handle.
Mga nagustuhan namin dito
- Safe materials – Gawa sa goat hair at bamboo ang bristle brush na gentle at soft sa balat ng baby. Meanwhile, gawa naman ang comb sa pear wood na designed for baby at walang matalas na tooth na pwedeng makasakit kay baby.
- Features – Ideal na pangtanggal ng cradle cap ang soft goat-hair bristle brush; pang massage para sa maayos na blood circulation sa scalp ang bamboo-bristle brush; at pang-style at panlinis naman ng buhok ni baby ang pear wood comb.
Pur Brush and Comb
Best handle design
Made in Thailand pero available din sa Philippines ang Pur Brush and Comb. Ang handle design nito ay ginawa para madaling hawakan ni mommy man o ni baby ang hair brush at comb.
Soft at gentle ang pagkakagawa ng hairbrush at comb na ito na best para maging healthy ang scalp at hair ni baby. Makatutulong sa pagtanggal ng cradle cap ang baby hairbrush habang pang-ayos naman ng buhok ni baby ang comb.
Mga nagustuhan namin dito
- Safe materials – Gawa sa BPA free plastic na safe sa for babies.
- Features – Easy-grip handle design, soft bristle brush, wide-toothed at non-scratch comb na helpful kay baby at convenient gamitin para kay mommy.
Tiny Buds Hair Highness Hair Brush Set
Best newborn safe
Dapat nga naman na maging mabusisi tayo sa pagpili ng gagamiting produkto sa ating newborn baby. Kaya naman para di na kayo mahirapang magdecide kung ano ba ang pipiliin for your 0 month old baby, inirerekomenda namin ang Tiny Buds Hair Brush Set. Sulit din ito dahil magagamit ito ng iyong anak hanggang sa kanyang paglaki.
Nakaset na rin ito dahil bukod sa brush ay may kasama na itong non-scratch comb. Bukod pa roon ay gawa ito sa BPA and lead-free material kaya’t sure na sure kang safe ito for your little one. Malambot naman ang bristle ng brush kaya’t gentle ito para sa delicate scalp ng sanggol. Talaga namang malaking tulong ang set na ito para sa cradle cap.
Mga nagustuhan namin dito
- Safe materials – BPA at lead-free ang material na ginamit.
- Features – Easy-to-hold rounded handle, soft bristles at non-scratch comb na gentle sa delicate scalp at hair ng sanggol.
Price Comparison Table
Challenging ba ang pagpili ng best cradle cap baby hair brush? Narito ang mga presyo ng best baby hair brush na available in the Philippines. We hope na makatulong ito sa iyong pagpili.
Product | Price |
Shower Brush Silicone Container | Php 18.00 – Php 35.00 |
Momeasy Hair Brush Comb Set | Php 124.00 – Php129.00 |
Orange and Peach Silicone Antibacterial Sunflower Bath Brush | Php 349.00 |
Mamimami Home Baby Hair Brush | Php 53.00 – Php 177.00 |
Pur Brush and Comb | Php 340.00 |
Tiny Buds Hair Brush Set | Php 225.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Paano gamitin ang baby hair brush for cradle cap
Kung nais tanggalin ang cradle cap na tumubo sa ulo o noo ni baby, ‘wag itong basta tuklapin gamit ang daliri. Gumamit ng hair brush para sa gentle na pagtanggal ng cradle cap.
- Suklayan si baby gamit ang cradle cap hair brush nang isang beses lang sa isang araw.
- Mag-ingat sa mga mapupulang bahagi na maaaring magdulot ng irritation at sugat.
- Suklayan si baby in one direction at siguraduhing matanggal ang mga langib.
- Maaaring gamitin ang cradle cap hair brush nang basa o tuyo ang buhok ni baby.
- Mas madaling tanggalin ang cradle cap gamit ang hairbrush pagkatapos paliguan si baby.