Narito ang aming shopping guide para sa best bottle warmer brands in the Philippines.
Bottle warmer brands in the Philippines | Image from iStock
Ang pag-feed kay baby ay isang full-time job. Maaaring naihanda mo na ang na-pump mong breastmilk o kaya ang formula milk para hindi maghintay nang matagal ang iyong little one. Pero kadalasan, lumalamig ang gatas at sa huli, nagmamadali ka para iinit ito at inilalagay mo na lang ito sa microwave.
Kaso kapag ganito, ang gatas ay maaaring maging masyadong mainit to the point na nawawala na ang nutrients nito mula sa microwave radiation. Siguradong hindi ito ang gusto mo. Sa mga ganitong sitwasyon, bottle warmers ang makakatulong sa iyo.
Ang bottle warmers ay may kakayahang mag-init ng gatas nang mabilis at sa tamang temperatura. Sa ganitong paraan, siguradong walang nawawalang nutrients.
Bottle warmer brands in the Philippines | Image from Unsplash
Ito ang nakakapagbigay ng efficient, mabilis, at safe na paraan ng pag-warm ng milk ni baby.
Bakit mas mainam gumamit ng bottle warmer?
Mas mainam na gamitin ang bottle warmer kaysa sa microwave upang initin ang milk bottles ng inyong anak.
Hindi advisable na initin ang feeding bottles sa microwave dahil posibleng magkaroon ito ng hot spots dahil hindi pantay ang antas ng init na nakukuha ng bottle sa loob ng microwave. Posibleng malamig pa ang ibang bahagi ng feeding bottle samantalang sobrang init naman ang ibang parte nito. Dahil sa mga mga hot spots na ito ay posibleng mapaso ang bibig ng inyong anak kapag uminom siya ng gatas na ininit gamit ang microwave.
Advantages ng paggamit ng bottle warmer
Mabilis at ligtas na paraan ang paggamit ng bottle warmer para initin nang pantay ang isang chilled bottle o freezer bag ng gatas.
Kapag nagbi-breastfeed ka ng iyong anak, kailangan mo ang bottle warmer upang initin ang pumped milk na nilagay mo sa freezer. Mahabang oras ang kailangan kapag pinili mong initin ang frozen breastmilk sa pamamagitan ng paglagay nito sa lalagyan na may mainit na tubig.
Narito ang ilang advantages ng paggamit ng bottle warmer:
- Pantay na pag-init sa tamang temperature
Una na rito ang pagkakaroon ng saktong temperatura ng gatas sa loob ng feeding bottle upang hindi mapapaso ang inyong anak kapag ininom niya ang kanyang gatas.
Hindi mo kailangan hintayin pang kumulo ang tubig sa water kettle upang initin ang feeding bottle ng iyong anak. May tendency pa na mag-overheat ang gatas gamit ang kettle kung kaya hihintayin mo pang mag cool down ito bago magamit. May timers ang ilang bottle warmers kaya automatic na itong magsu-shut off kapag natapos na ang pinili mong oras para initin ang bote.
Maaaring dalhin ang bottle warmer kapag nagta-travel ang pamilya. May ibang portable bottle warmers na pwede ring isaksak gamit ang car plug kaya pwede mong pakainin ang anak mo while on the road.
Bukod pa rito, may mga bottle warmers na dual purpose dahil pwede silang gamitin para magpainit ng baby food. Ang ibang modelo naman ng bottle warmers ay pwede ring pang sterilize ng mga ginagamit na bottles ng inyong anak.
Paano pumili ng bottle warmer?
Bagama’t mayroong mga mommies na gusto pa rin ang traditional heating methods, ang bottle warmers ay naging popular dahil sa efficiency na dala nito.
Ayon sa Market Analysis by the 2026 Global Bottle Warmer Market, inaasahang makakakuha ito ng USD 92 million mula sa current value nito na USD 77 million.
Pero paano nga ba makakapili ng bottle warmer na pinakamaganda para sa iyong anak?
Bottle warmer brands in the Philippines | Image from iStock
- Functionality
- Dapat kaya nitong mag-init ng gatas nang mabilis at kasya ang iba’t ibang uri ng baby bottles.
- Plus din kung ito ay may back-to-back warming, uniform heating, at may kakayahang makapag-init din ng baby food.
- Safety and convenience
- Pumili ng bottle warmer na hindi nag-o-overheat, madaling itago at magaan para kayang dalhin kahit saan.
Top 6 bottle warmer brands in the Philippines
Top 6 bottle warmer brands
| Beaba Baby Milk Second Bottle Warmer and Small Jar Steamer | | View Details | Buy Now |
Tommee Tippee Easi-Warm Bottle & Food Warmer
Best for ease of use
Bakit mahusay ito?
Madali gamitin ang Tommee Tippee dahil sa one-dial operation nito. Kaya nitong mag-init ng milk at baby food sa loob ng 4 minuto.
Ang gentle warming feature nito ay nagsisigurado na ang lahat ng nutrients ay mananatili at ang temperature control ay tumutulong para hindi mag-overheat ang gatas o pagkain ni baby.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- 4 minutong heating time
- Pinipigilan ang pag-o-overheat
- May kakayahang mag-heat at mag-defrost
- Pinapanatili ang nutrients
- Safety and convenience
- One-dial operation
- Kasya ang karamihan ng baby bottles at food jars
- Safe at BPA-free
- Modern at compact na disenyo
- Presyo
Beaba Baby Milk Bottle Warmer
Best for speed
Bakit mahusay ito?
Sleek ang disenyo nito at portable din. Higit sa lahat, mabilis nitong naiinit ang milk o baby food sa loob lang ng 2 minuto!
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Mayroon itong ultra-quick steam heating system na kayang mag-heat sa loob ng 2 minuto
- May accurate timer para makuha agad ang tamang temperatura ayon sa laki at material ng bottle
- Air-tight na takip na nakakatulong panatilihing mainit ang bottle nang mas matagal
- Safety and convenience
- Compact ang design nito kaya hindi ito aksaya sa counter space
- Ang steam ay nakakatulong din i-sterilize ang bottle at bottle parts
- Kasya ang karamihan ng baby bottles
- Presyo
Dr. Brown’s Deluxe Bottle Warmer
Best for technological convenience
Bakit mahusay ito?
Ang feature na Smart Cycle Memory ay nagsa-save ng iyong preferred heating time para hindi mo na isipin pag kailangan iinit ang gatas ni baby. Mayroon din itong light at audio signal para ipaalam sa iyo na tapos na ang pag-warm ng bottle.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Programmable at may cycle memory
- May one-button operation
- Gumagamit ng electric steam para mag-init ng bottle
- Kayang mag-warm ng maraming bottles bago i-refill
- Pwedeng gamitin para sa mga baby bottles at food jars
- Safety and convenience
- LCD control panel at sound alarm sa bawat pagtapos ng warming cycle
- BPA-free
- Compatible sa karamihan ng mga bottle brands
- May auto power-off kapag 10 minuto na at hindi ito ginagamit
- Compact pero may malaking chamber para sa madaling paggamit
- Presyo
Philips Avent Fast Bottle Warmer
Best for the budget conscious
Bakit mahusay ito?
Isa ang Philips sa pinakasubok nang brands sa buong mundo at muling pinapatunayan ito ng Philips Avent Fast Bottle Warmer. Ito ay efficient, convenient, at reasonably priced. Compatible din ito sa karamihan ng mga baby bottle at food jar brands.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- 3 minutong heating time
- Smart temperature control at defrost feature
- Heat retention nang hanggang 1 oras habang nagpapanatili din ng nutrients
- Iniinit ang milk at baby food evenly para siguradong hindi mapapaso si baby
- Safety and convenience
- Safe at madaling i-operate
- May auto shut-off at light indicator post-heating
- Compact at madaling itago
- Kasya ang karamihan ng mga baby bottles at food jars
- Presyo
Pigeon Bottle and Food Warmer
Best for nighttime feedings
Bakit mahusay ito?
Must-have ito sa iyong bahay kung mayroon kang little one dahil napaka-convenient gamitin nito.
Hindi ka rin mahihirapan gamitin ito sa gabi dahil may night lamp function ito kaya maituturing ito na isa sa mga best bottle warmer brands in the Philippines.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- 3 minutong heating time
- 3 heating modes
- Pinapanatili ang heat at nutrients
- Safety and convenience
- Night lamp function
- Madaling i-operate
- Compact at madaling itago matapos gamitin
- BPA-free
- Kasya ang karamihan ng baby bottles at food jars
- May kasamang food tray at bottle ladle
- Presyo
JIFFI Portable Baby Milk Bottle Warmer
Best for durability and energy efficiency
Bakit mahusay ito?
Sa pangalan pa lang, alam mo na kung ano ito. Ang Jiffi bottle warmer na ito ay portable dahil hindi mo ito kailangang i-plug sa outlet kaya pwede itong dalhin kahit saan.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- 5 minutong heating time
- Mayroong one-key operation lang at 4-stage na temperature selection
- May constant temperature heating at may real-time temperature display
- Safety and convenience
- Portable, madaling bitbitin kaya pwede gamitin anytime, anywhere
- May protection mula sa dry burning at battery overcharging
- Presyo
Bottle Warmers Price Comparison
Huwag nang mag-intay nang matagal para sa iyong hungry baby. Ang top bottle warmer brands in the Philippines na ito ay perfect para sa iyong bottle warming needs. Pumili ka na ng bottle warmer na para sa iyo.
|
Brand |
Price |
Time to Heat Milk |
Tommee Tippee |
₱3,250 |
4 minutes |
Beaba Baby Milk Bottle Warmer |
₱3,000 |
2 minutes |
Dr. Brown’s Deluxe Bottle Warmer |
₱4,499.75 |
5 minutes |
Philips Avent Fast Bottle Warmer |
₱2,700 |
3 minutes |
Pigeon Bottle and Food Warmer |
₱2,250 |
3 minutes |
JIFFI Portable Baby Milk Bottle Warmer |
₱3,150 |
5 minutes |
BASAHIN:
6 best baby carrier in the Philippines para sa mga babywearing parents
LIST: 7 best baby feeding bottle brands para kay baby
LIST: 6 best baby bottle sterilizer brands na pasok sa budget mo!