Top Brands Ng Breast Milk Storage Bags Na Mura At Matibay

Nagbre-breastfeed ka ba? Narito ang best breast milk storage bags in the Philippines na subok na ng mga breastfeeding mommies.

Para sa mga nanay na nagtatrabaho sa opisina o madalas na mag-travel, may mga panahon na mahirap mag-breastfeed. Ang pagpump ng inyong liquid gold ang pinakamainam na solusyon para patuloy na mabigyan ng sapat na gatas si baby.

Sa kabilang banda, napakadaling masira ng breast milk kaya naman kinakailangan niyo ng matibay at dekalidad na breast milk storage bag upang mapaglagyan nito.

Alamin ang aming top picks ng breast milk storage bags. Plus, matuto ng higit pa tungkol sa kahalagahan ng pag gamit nito at kung paano pumili ng dekalidad na storage bag para sa inyong liquid gold.

Bakit kailangan gumamit ng breast milk storage bag?

Kumpara sa mga feeding bottles, mas compact ang mga breast milk storage bags kaya naman mas mainam silang gamitin. Pangalawa, mas madali silang i-store at gamitin kapag may mga byahe ang inyong pamilya. Pangatlo, mas mainam din silang gamitin para sa long-term storage. Hindi madaling mabutas kahit na iyong i-freeze at space-saver pa.

Gawa sa high quality at food grade material ang mga milk storage bags, kaya mas hygienic at safe sila gamitin kumpara sa plastic storage bags. Makakasigurado ka rin na ito ay sterilized at walang halong harsh chemicals. Maaari rin silang i-seal securely kaya mababa ang chance na magkaroon ng leakage o mabutas ang bag.

Best Breast Milk Storage Bags

Breast Milk Storage Bags
Mama's Choice Breastmilk Storage Bag
Buy from Shopee
Yoboo Breastmilk Storage Bags
Most Functional
Buy from Lazada
Dula Breastmilk Storage Bags
Most Budget-friendly
Buy from Shopee
Lansinoh Double Zipper Seal Breastmilk Storage Bags
Best Easy to Use
Buy from Lazada
Orange & Peach Breastmilk Storage Bag
Best Durable
Buy from Shopee
Sunmum-Breastmilk Storage Bags
Best Smart Breastmilk Storage
Buy from Lazada
Snuggies Breastmilk Bag
Best Leak-proof
Buy from Shopee
Hey Mama Breastmilk Storage Bag
Best Space saver
Buy from Shopee
Dr. Dudu Transparent Breastmilk Storage Bags
Best Transparent
Buy from Lazada
Huppy Buppy Disposable Breastmilk Storage Bags
Best Design
Buy from Shopee

Mama’s Choice Breast Milk Storage Bag

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Mama’s Choice

Una sa aming listahan ang Mama’s Choice Breastmilk Storage Bag. Ito ang top pick namin dahil ito ay affordable, practical, at durable!

Gawa ito sa food grade at BPA-free materials, kaya siguradong safe ito para sa iyo at kay baby. Ang Mama’s Choice Breastmilk Storage Bag ay makapal at durable kaya hindi agad na masisira kapag naiwan mo ito sa freezer. Hanggang 120 ml na breast milk ang pwede mo ilagay dito.

Pre-sterilized ang breastmilk storage bag na ito, kaya safe ito kahit gamitin mo agad. Panghuli, ito ay may Advanced Oxygen Barrier na nakakatulong sa pag-retain ng nutrients ng breast milk.

Features we love:

  • Leak proof dahil may double zipper
  • May thermal sensor para malaman kung safe at ready to drink na ang breast milk
  • Maaaring gupitin para madaling isalin ang breast milk

 

Yoboo Breast milk Storage Bags

Most Functional

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Yoboo

Bukod sa napaka efficient paglagyan ng breastmilk ng Yoboo Breastmilk Storage Bags, functional din ito dahil maaaring ikabit dito ang Yoboo breast pump at Yoboo teat. Kaya naman kapag nagmamadali at kailangan nang maibsan ang gutom ni baby, maaari siyang dumede gamit lamang ang storage bag na ito at ang appropriate na tsupon para sa kanya.

Ang milk storage bag na ito ay may capacity na 200 ml. Ito ay gawa sa BPA-free at sterilized food-grade material na leak proof at antibacterial. Bukod dito, napakadali lang din i-store ng milk bag na ito at space saver pa dahil sa vertical standable design nito.

Features we love:

  • Breast pump at teat connectable
  • Gawa sa food-grade material
  • Vertical extendable design

 

Dula Breast milk Storage Bags

Most Budget-friendly

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Dula

Siguradong swak sa budget mo ang Dula Breastmilk Storage Bags. May capacity na 120 ml na akma para sa isang meal ng mga babies na nasa 2 to 6 months old. Ang storage bag na ito ay safe gamitin upang i-store at i-freeze ang breastmilk. Ito ay may protective oxygen barrier na nagpapanatili ng freshness ng gatas.

Bukod dito, gawa ang breastmilk storage bag na ito sa BPA free, medical at food-grade material kaya’t makakasigurado kang safe itong paglagyan ng iyong liquid gold. Mayroon din itong double zipper seal na makakatulong upang makaiwas sa anumang leak. Ito rin ay self standing kaya’t napakadaling gamitin at i-store. Gaya ng ibang milk storage bag, mayroon din itong date label na maaari mong sulatan ng petsa kung kailan mo inistore ang iyong liquid gold.

Features we love:

  • Mura at dekalidad
  • Gawa sa medical at food-grade material
  • May double zipper seal

Lansinoh Double Zipper Seal Breastmilk Storage Bags

Best Easy to Use

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Lansinoh

Para sa busy mom na gaya mo, mahalaga na ang milk storage bag na iyong bibilhin ay madaling gamitin. Kaya naman inirerekomenda ng maraming nanay at itinanghal na TAP Awards 2023 “Parents’ Choice Breast Milk Storage Bags"  ang Lansinoh Double Zipper Seal Breastmilk Storage Bags. Less challenging ang paggamit ng breastmilk storage bag na ito sapagkat maaari kang magpump diretso dito. Ikabit lamang ang kahit anong uri ng Lansinoh breast pump at voila! Maaari mo nang i-freeze ang iyong pumped breast milk.

Bukod pa roon, gawa ang Lansinoh Breastmilk Storage Bags sa BPA/BPS free at matibay na baby-safe material. Mayroon itong lay flat design para sa mas mabilis na pag freeze at pag thaw. Ito rin ay may double zipper seal at sealed side seams para maiwasan ang anumang leakage.

Features we love:

  • Madaling gamitin
  • BPA/BPS free
  • May lay flat design at double zipper seal

 

Orange & Peach Breastmilk Storage Bag

Best Durable

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Orange & Peach

Good news mga mommies! Ang breastmilk storage bags na available sa mercury drugstore ay maaari mo na ring mabili online. Ito ang Orange and Peach Breastmilk Storage Bag na kilala sa pagiging matibay at nag offer ng dalawang size kada isang pack. Ang isang pack ay naglalaman ng 4 oz at 8 oz na breastmilk storage bags kaya naman swak ito sa kahit anong amount ng gatas ang kayang ubusin ni baby.

Dagdag pa rito ay mayroon itong reinforced bottom at side seals kaya’t makakasigurado kang maiiwasan mo ang anumang leak i-freeze mo man at i-thaw ang bag. Mayroon din itong double zipper lock. Higit pa riyan, ang produktong ito ay pre sterilized, BPA free at phthalate free kaya’s 100% sure kang ligtas ito para paglagyan ng iyong liquid gold.

Features we love:

  • Matibay at dekalidad
  • Dalawang sizes sa isang pack
  • May bottom at side seals
  • Pre sterilized

 

Sunmum Breastmilk Storage Bags

Best Smart Breastmilk Storage

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Sunmum

Para sa madaling pag-track ng shelf life ng iyong breast milk at maiwasan ang pagkasira nito, subukan ang Sunmum Breastmilk Storage Bags. Mayroong application na ginawa para sa milk bag na ito na maaari mong idownload sa iyong mobile phone. Bawat milk bag ay may printed QR code na maaari mong i-scan upang i-log ang petsa kung kailan inistore ang iyong breastmilk.

Bukod sa virtual breastmilk inventory na maaari mong gawin, ay malalaman mo rin kung may mga maeexpire o naexpire nang gatas dahil ito ay magnonotify sa iyong phone. Higit sa pagiging smart breastmilk storage bag nito ay ito rin ay leak proof dahil sa triple zipper safety lock nito. Gawa sa food grade at 100% BPA free material ang produktong ito. Sterilized na rin ito kaya naman di dapat ikabahala ang safety sa paggamit nito.

Features we love:

  • Smart breastmilk storage
  • May QR code para sa expiry date tracking
  • May triple zipper safety lock

 

Snuggies Breast milk Bag

Best Leak-proof

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Snuggies

Isa rin sa mahalagang katangian ng breastmilk storage bag ay ang pagiging leak-proof nito. Ito ay sa kadahilanang kapag ka nabutas o may tagas ang bag ay maaaring di na ligtas ang breastmilk sapagkat prone na ito sa bacteria at iba pang contaminants. Mabuti na lamang at karamihan sa mga breastmilk storage bags na available sa market ay leak-proof. At isa na rito ang Snuggies Breastmilk Bag.

Ginamitan ito ng double ziplock technology at may reinforced side seal kaya’t sure na sure na ikaw ay makakaiwas sa anumang leak. Mayroon din itong pouring spout para sa hassle-free na pagsasalin ng gatas sa feeding bottle. Kada pouch ay self standing din kaya naman mas madali ang pag store nito. Bukod doon, may thermal indicator din ang breastmilk storage bag na ito kaya’t mas madali mong malalaman ang temperature ng iyong stored liquid gold.

Features we love:

  • Leak-proof
  • Easy pouring spout
  • May thermal indicator

 

Hey Mama Breast milk Storage Bags

Best Space saver

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Hey Mama

Space saving breastmilk storage bag ba ang hanap mo? Kung oo, i-add mo na sa iyong online shopping cart ang Hey Mama Breastmilk Storage Bag. Ito ay may strategic at self standing design kaya naman mas madali itong istore sa iyong refrigerator at mas maraming space ang kaya nitong i-occupy. Ang milk storage bag na ito ay gawa sa food grade at BPA free material. Ito rin ay pre sterilized na upang masigurong malinis at bacteria-free ang bawat pouch.

Trusted ng mga Pediatricians, hospitals at breastfeeding experts, ang produktong ito ay siguradong ligtas paglagyan ng iyong liquid gold. Mayroon itong double zipper seal at high strength seal sa sides at bottom para makaiwas sa anumang leak. Accurate rin ang measuring mark nito at may date/time at volume label din para sa mas madaling tracking ng expiration date ng gatas.

Features we love:

  • Space saver
  • Gawa sa food grade material
  • May accurate measuring mark

 

Dr. Dudu Transparent Breast milk Storage Bags

Best Transparent

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Dr. Dudu

Karamihan ng mga breast milk storage bags na mabibili sa market ay may malalaking print at colorful designs. Ngunit kung mas gusto mo ng simple at transparent na milk pouch ay mayroon kaming irerekomenda sa iyo. Ito ay ang Dr. Dudu Transparent Breastmilk Storage Bag. May payak na print na ginamitan lamang ng food grade black ink at ang buong bag ay transparent.

Maaari itong pakuluan o i-freeze dahil ito ay gawa sa durable, heat resistant at food grade plastic material. BPA free rin ito at may doble zipper seal para iwas leak. Sterilized na rin ito kaya siguradong malinis ito at ready-to-use. May wide standing base rin ito kaya’t mas madali mo itong mai-store ng patayo sa freezer.

Features we love:

  • Simple at transparent
  • Gawa sa food grade material
  • Ready-to-use

 

Huppy Buppy Disposable Breast milk Storage Bags

Best Design

Breast Milk Storage Bags: High Quality And Affordable Brands Online | Huppy Buppy

Kung mahilig ka naman sa colorful prints, ang Huppy Buppy Disposable Breast milk Storage Bags ang dapat mong piliin. Napakaganda ng mga designs ng milk bags na ito at siguradong maging si baby ay matutuwa rito. Makapal at durable rin ang materyal na ginamit sa pag gawa ng produktong ito kaya’t tiyak na mapapanatili nito ang safety at freshness ang iyong breast milk.

Higit pa roon, ito ay freezer safe at kayang maglaman ng breastmilk na aabot sa 250 ml. Self standing din ang pouch na ito at may double zip lock. Ito rin ay BPA free at GAMMA sterilized kaya’t trusted ito ng mga breastfeeding mommies sa iba’t ibang panig ng mundo.

Features we love:

  • May mga colorful at cute designs
  • Gawa sa makapal at durable na material
  • GAMMA sterilized

 

Price Comparison Table

Brand Price (Php)
Mama’s Choice Breastmilk Storage Bag 149.00
Yoboo Breastmilk Storage Bags 499.00
Dula Breastmilk Storage Bags 125.00
Lansinoh Double Zipper Seal Breastmilk Storage Bags 899.00
Orange & Peach Breastmilk Storage Bag 279.00
Sunmum Breastmilk Storage Bags 189.00
Snuggies Breastmilk Bag 149.00
Hey Mama Breastmilk Storage Bag 135.00
Dr. Dudu Transparent Breastmilk Storage Bags 240.00
Huppy Buppy Disposable Breastmilk Storage Bags 260.00

Note: Each item and price is up to date as of publication. However, an item may be sold out, or the price may be different at a later date

Pagpili ng breast milk storage bags

Ang pag express ng liquid gold at pag freeze nito ay isang praktikal na paraan para i-store ng isang nanay ang kanyang breast milk. Hindi naman dapat ipagkabahala ang pagkawala ng nutrient contents ng stored breastmilk sapagkat iyon ay nananatili.

Bago ka pumili ng breast milk freezer storage bag, narito ang mga bagay na dapat mong i-consider:

Safety:

  • Piliin ang mga breast milk storage bags na gawa sa baby-safe at food grade material.
  • Ito rin ay dapat na sterilized at walang amoy.

Capacity:

  • Bawat breastmilk bag brand ay may kanya-kanyang capacity. Para sa mga mas maliliit na babies, pwede kang gumamit ng milk bag na may capacity na 30-50 ml.
  • Habang lumalaki ang bata, pwede kang bumili ng milk bag na may mas mataas na storage capacity o depende sa dami ng gatas na kaya niyang inumin.

A number of packs in a bag:

  • Para sa madalas gumamit ng breastmilk bag, humanap ka ng brand na mas maraming bags per pack upang hindi agad maubos ang iyong stash. Maaari ka ring makatipid kapag ang pinili mo ay ang pack na maramihan.

Functionality:

  • May mga brands na may double zipper functions para hindi matapon ang breastmilk. Maganda rin na piliin ang mga bags na madaling maitayo upang mas makatipid sa space.