4 Brand ng diaper na recommended ng Pinay Moms

Pinag-iisipan ba kung ano ang magandang gamitin na diaper para sa baby mo? Alamin ang best diaper in the Philippines na inirerekumenda ng mga Pinay moms!

Maraming kailangang i-consider pagdating sa kung ano ang gagamitin na diaper ng baby. Mula sa fit, amoy, pagiging absorbent, comfortability, marami pang iba. Kaya nga maraming mga diaper brands ang naglalaban para tawaging “best diaper in the Philippines."

Aming tinanong ang mga ina sa theAsianparent Community kung ano ang tingin nilang best diaper in the Philippines. Eto ang top 4 na kanilang mga ibinigay.

4 Brand ng diaper na recommended ng Pinay Moms

Source: MamyPoko Philippines

“Maganda din mommypoko blue hindi nag leleak kaso maliit ang size small ni eq dry medium kay mommypoko hehe kaso sobra mahal :)"
– Mommy

Maraming mga ina ang nagrerekumenda ng Japanese brand na MamyPoko. Ayon sa kanila, hindi nagle-leak ang mga diapers mula dito. Ayon din sa MamyPoko ay kayang tumagal nang hanggang 12 oras na suot ng baby ang kanilang diapers.

Maaaring makabili nito sa mga supermarket at mga department stores. Maaari rin makabili nito online sa Facebook ng MamyPoko Philippines sa halagang P339 para sa 30 piraso na newborn diaper.

best diaper in the philippines

Source: EQ Diapers Facebook

“Mura pero hindi ka lugi sa quality"
– Mommy Tin

Maraming mga ina ang nagre-rekumenda ng EQ Dry para sa mga baby. Bukod daw sa murang halaga, komportable pa ito sa mga baby at napipigilan ang pagkakaroon ng mga leak.

Mabibili ito sa mga supermarket at department store. Mayroon din nito sa mga online shops tulad ng Lazada kung saan makakabili ng 22 piraso sa halagang P150.

best diaper in the philippines

Source: Huggies PH Facebook

“For me best diapers is Huggies super absorb niya ang wiwi ng baby ko kaya hindi siya iritable kahit natutulog."
– Mommy

Ang Huggies ay isa sa mga pinaka-inirerekumenda ng mga ina dahil hindi nagiging iritable ang kanilang mga baby kapag suot ito. Malakas mag-absorb ang diapers nito kaya hindi na nagkakaroon ng leak ang kanilang mga anak at mahimbing na matulog.

Mabibili ito sa mga supermarket, department stores, at maging sa Facebook ng Huggies PH. Ang 38pcs na pang newborn ay nagkakahalaga ng P276.

best diaper in the philippines

Source: Pampers Facebook

“Sa pampers dry kahit puno na yung diaper niya hindi naman namumula pwet niya."
– Mommy Rhemedy

Hindi maikakaila na Pampers ang pinaka-kilalang brand sa Pilipinas. Isa ito sa rason kung bakit karamihan ng mga Pinay moms ay inirerekumenda ang paggamit nito. Kahit pa may kamahalan, sulit na sulit daw ang bayad para sa komportable at hindi nagra-rashes na baby.

Mabibili ito sa mga supermarket, department stores, at maging online sa mga site tulad ng Lazada. Ang 40pcs na para sa mga newborn ay nagkakahalaga ng P270.

 

Ano man ang mapiling brand ng diaper para kay baby, tandaan na ang pinaka-mahalaga parin ay hiyang at komportable si baby sa kanyang pagsuot nito.

Sources: MamyPoko Philippines, EQ Diapers, Huggies PH

Basahin: Potty Training: Kailan ba dapat simulan?

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!