Maraming kailangang i-consider pagdating sa kung ano ang gagamitin na diaper ng baby. Mula sa fit, amoy, pagiging absorbent, comfortability, marami pang iba. Kaya nga maraming mga diaper brands ang naglalaban para tawaging “best diaper in the Philippines."
Best diaper in the Philippines | Image from Unsplash
7 brand ng diaper na recommended ng Pinay Moms
Aming tinanong ang mga ina sa theAsianparent Community kung ano ang tingin nilang best diaper in the Philippines. Ito ang top 4 na kanilang mga ibinigay.
MamyPoko Extra Dry Pants Unisex Large

Ang Ang MamyPoko Extra Dry Pants Unisex Large ay naglalaman ng 26 pcs sa halagang ₱410.00.
“Maganda rin mommypoko blue hindi nag leleak kaso maliit ang size small ni eq dry medium kay mommypoko hehe kaso sobra mahal :)"
– Mommy
Bakit ito maganda?
Maraming mga ina ang nagrerekumenda ng Japanese brand na MamyPoko. Ayon sa kanila, hindi nagle-leak ang mga diapers mula dito. Ayon din sa MamyPoko ay kayang tumagal nang hanggang 12 oras na suot ng baby ang kanilang diapers.
Best diaper in the Philippines | Image from Unsplash
Bukod dito maaaring makabili nito sa mga supermarket at mga department stores. Maaari rin makabili nito online sa Facebook ng MamyPoko Philippines. Marami silang sizes na pwedeng pagpilian.
EQ Dry

“Mura pero hindi ka lugi sa quality"
– Mommy Tin
Bakit ito maganda?
Maraming mga ina ang nagre-rekumenda ng EQ Dry para sa mga baby. Bukod daw sa murang halaga, komportable pa ito sa mga baby at napipigilan ang pagkakaroon ng mga leak.
Para sa EQ Dry Medium, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 6-11 kg. Mayroon na rin siyang 56 pcs sa isang pack.
Mabibili ito sa mga supermarket at department store. Mayroon din nito sa mga online shops tulad ng Lazada kung saan makakapili ng madaming sizes.
BASAHIN:
Goodbye, diaper rash! Top 6 na gamot sa diaper rash ni baby
#BattleOfTheBest: Anong madalas mong gamitin kay baby, tape o pants diaper?
7 best diaper brands in the Philippines na inirerekomenda ng mga Pinoy moms
Huggies Dry

“For me best diapers is Huggies super absorb niya ang wiwi ng baby ko kaya hindi siya iritable kahit natutulog."
– Mommy
Bakit ito maganda?
Ang Huggies ay isa sa mga pinaka-inirerekumenda ng mga ina dahil hindi nagiging iritable ang kanilang mga baby kapag suot ito. Malakas mag-absorb ang diapers nito kaya hindi na nagkakaroon ng leak ang kanilang mga anak at mahimbing na matulog.
Para sa Huggies Dry Pants Medium, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 6-12 kg. Mayroon na rin siyang 34 pcs sa isang pack sa halagang 284 pesos.
Mabibili ito sa mga supermarket, department stores, at maging sa Facebook ng Huggies PH. Don’t worry dahil marami silang pagpipiliang size ng diaper.
Pampers Baby Dry Tape

“Sa pampers dry kahit puno na yung diaper niya hindi naman namumula pwet niya."
– Mommy Rhemedy
Bakit ito maganda?
Hindi maikakaila na Pampers ang pinakakilalang brand sa Pilipinas. Isa ito sa rason kung bakit karamihan ng mga Pinay moms ay inirerekumenda ang paggamit nito. Kahit pa may kamahalan, sulit na sulit umano ang bayad para sa komportable at hindi nagra-rashes na baby.
Para sa Pampers Baby Dry Tape, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 4-8 kg. Mayroon na rin siyang 116 pcs sa isang pack sa halagang 835 pesos.
Mabibili ito sa mga supermarket, department stores, at maging online sa mga site tulad ng Lazada. Maaari rin makabili nito online sa Facebook ng MamyPoko Philippines. Marami silang sizes na pwedeng pagpilian.
Rascal + Friends Tape Trial Pack Small

Bakit ito maganda?
Unti-unti namang nakikilala ng ating moms ang Rascal and Friends na diaper. And brand ng diaper na ito ay dinesenyo mula pa sa New Zealand. Marami silang pagpipiliang choices ng size.
Para sa Rascal and Friends Tape Trial Pack na size small, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 4-8 kilogram. Mayroon na rin siyang 22 pcs sa isang pack sa halagang 216 pesos.
GOO.N Premium Slim Tape

Bakit ito maganda?
Gaya ng Mamypoko, ang Goo.n diaper ay nagmula sa Japan. Gawa ito sa ultra-dry absorbent material para mapanatiling dry nito ang balat ni baby.
Best diaper in the Philippines | Image from Unsplash
Para sa Goo.n Premium Slim Tape S36, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 4-8 kilogram. Mayroon na rin siyang 36 pcs sa isang pack sa halagang 436 pesos.
Moony Airfit Baby Diaper (Tape)

Bakit ito maganda?
Ang materyal na ginamit dito ay idinesenyo para mismo sa balat ng mga sanggol kaya hindi na dapat mag-aalala ang mga may sensitive skin.
Para sa Moony Airfit Baby Diaper, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 0-5 kilogram. Mayroon na rin siyang 90 pcs sa isang pack sa halagang 610 pesos.
Ano man ang mapiling brand ng diaper para kay baby, tandaan na ang pinaka-mahalaga parin ay hiyang at komportable si baby sa kanyang pagsuot nito.
Sources:
MamyPoko Philippines, EQ Diapers, Huggies PH