Maraming kailangang i-consider pagdating sa kung ano ang gagamitin na diaper ng baby. Mula sa fit, amoy, pagiging absorbent, comfortability at marami pang iba. Kaya nga maraming mga diaper brands ang naglalaban para tawaging “best diaper in the Philippines."
Talaan ng Nilalaman
Pagpili ng best baby diaper
Sa pagpili ng diaper para sa iyong sanggol, narito ang ilang sa mga factors na dapat i-consider:
- Laki at Timbang ng Sanggol: Alamin ang tamang sukat ng diaper batay sa laki at timbang ng iyong sanggol. Ito ay karaniwang nakalagay sa packaging ng diaper. Maaaring mag-iba ang sukat ng diaper ng mga iba’t ibang brand, kaya’t mahalagang alamin ang pinakangangkop na sukat para sa iyong sanggol.
- Uri ng Diaper: Mayroong iba’t ibang uri ng diaper tulad ng disposable diapers at cloth diapers. Disposable diapers ay madaling gamitin, samantalang ang cloth diapers ay maaaring gamitin muli at mas environment-friendly. Pumili ng uri ng diaper na pinakakomportable para sa inyo at angkop sa inyong lifestyle.
- Balat ng Sanggol: Ang mga babies ay mayroong sensitive skin. Kung ang iyong anak ay madalas nagkakaroon ng rashes o iritasyon, pumili ng diaper na may malambot na materyal na nakakapigil ng mga irritants, hypoallergenic at fragrance-free.
- Brand at Review: Basahin ang mga review mula sa mga magulang. Ang mga reviews mula sa ibang magulang ay maaaring magbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa kakayahan ng isang partikular na diaper brand.
- Presyo: Alamin ang mga presyo ng mga diaper at mag-set ng budget na akma sa inyong pangangailangan. Mahalaga rin na isaalang-alang ang balanse ng kalidad at halaga ng diaper.
6 brand ng diaper na recommended ng Pinay Moms
Aming tinanong ang mga ina sa theAsianparent Community kung ano ang tingin nilang best diaper in the Philippines. Ito ang top 6 na kanilang mga ibinigay.
MAKUKU Baby Super Professional Air Diapers Comfort Pants
Best Overall
|
Bumili sa Lazada |
MamyPoko Extra Dry Pants Unisex
Best for all night use
|
Bumili sa Lazada |
EQ Dry Newborn Diaper
Best for Newborns
|
Buy Now |
Huggies Skin Care Pants
Best Pants Diaper
|
Buy Now |
Pampers Baby Dry Taped Diapers Small
Best taped diaper
|
Bumili sa Lazada |
Rascal + Friends Taped Diaper
Best leak proof
|
Bumili sa Lazada |
Makuku Baby Air Diapers Comfort Pants
Best Overall
“Na-amaze ako sa air diaper na ito dahil super absorbent siya. Kahit mababad pa overnight, hindi siya magleleak."
-Mommy Ana Rose
Bakit ito maganda?
Nangunguna sa aming listahan ang Comfort Pants Air Diaper mula sa Makuku. Napakagandang gamitin ng diaper na ito, umaga man o overnight. Ito ay may 2mm ultra thin core na napaka komportableng isuot. At kahit na ito ay manipis, makakaasa ka na kaya nitong iabsorb ang ihi ni baby whole day or night.
Karagdagan, ang baby diaper na ito ay breathable at smooth kaya naman mapapanatili ang dry na pakiramdam para kay baby. Comfortable rin ang fit nito hanggang sa tummy ni baby. Higit pa roon, magugustuhan mo ang smart urine display feature nito na nagbibigay signal kung kailangan mo nang palitan ng diaper ang iyong little one.
MamyPoko Extra Dry Pants
Best for all night use
“Our trusted diaper brand. Fits our baby well. Good quality and very absorbent. Highly recommended"
– Mommy Jess
Bakit ito maganda?
Maraming mga ina ang nagrerekumenda ng Japanese brand na MamyPoko. Ayon sa kanila, hindi nagle-leak ang mga diapers mula dito. Ayon din sa MamyPoko ay kayang tumagal nang hanggang 12 oras na suot ng baby ang kanilang diapers kaya naman perfect ito for all night use.
Bukod dito, maaaring makabili nito sa mga supermarket at mga department stores. Maaari rin makabili nito online sa Facebook ng MamyPoko Philippines. Marami silang sizes na pwedeng pagpilian.
EQ Dry
Best cloth-like
“Mura pero hindi ka lugi sa quality"
– Mommy Tin
Bakit ito maganda?
Maraming mga ina ang nagre-rekumenda ng EQ Dry para sa mga baby. Bukod daw sa murang halaga, komportable pa ito sa mga baby at napipigilan ang pagkakaroon ng mga leak.
Para sa EQ Dry Medium, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 6-11 kg. Mayroon na rin siyang 56 pcs sa isang pack.
Mabibili ito sa mga supermarket at department store. Mayroon din nito sa mga online shops tulad ng Lazada kung saan makakapili ng madaming sizes.
Huggies Dry
Best fast absorbing
“For me best diapers is Huggies super absorb niya ang wiwi ng baby ko kaya hindi siya iritable kahit natutulog."
– Mommy Ivy
Bakit ito maganda?
Ang Huggies ay isa sa mga pinaka-inirerekumenda ng mga ina dahil hindi nagiging iritable ang kanilang mga baby kapag suot ito. Malakas mag-absorb ang diapers nito kaya hindi na nagkakaroon ng leak ang kanilang mga anak at mahimbing na matulog.
Para sa Huggies Dry Pants Medium, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 6-12 kg. Mayroon na rin siyang 34 pcs sa isang pack sa halagang 284 pesos.
Mabibili ito sa mga supermarket, department stores, at maging sa Facebook ng Huggies PH. Don’t worry dahil marami silang pagpipiliang size ng diaper.
Pampers Baby Dry Tape
Best taped diaper
“Sa pampers dry kahit puno na yung diaper niya hindi naman namumula pwet niya."
– Mommy Rhemedy
Bakit ito maganda?
Hindi maikakaila na Pampers ang pinakakilalang brand sa Pilipinas. Isa ito sa rason kung bakit karamihan ng mga Pinay moms ay inirerekumenda ang paggamit nito. Kahit pa may kamahalan, sulit na sulit umano ang bayad para sa komportable at hindi nagra-rashes na baby.
Para sa Pampers Baby Dry Tape, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 4-8 kg. Mayroon na rin siyang 116 pcs sa isang pack sa halagang 835 pesos.
Mabibili ito sa mga supermarket, department stores, at maging online sa mga site tulad ng Lazada. Maaari rin makabili nito online sa Facebook ng MamyPoko Philippines. Marami silang sizes na pwedeng pagpilian.
Rascal + Friends Baby Diaper
Best leak proof
“Maganda talaga siya at hindi nagleleak kay baby overnight kahit heavy umihi"
-Mommy Hazel
Bakit ito maganda?
Unti-unti namang nakikilala ng ating moms ang Rascal and Friends na diaper. And brand ng diaper na ito ay dinesenyo mula pa sa New Zealand. Marami silang pagpipiliang choices ng size.
Para sa Rascal and Friends Tape Trial Pack na size small, ito ay maaaring isuot ng mga sanggol na may timbang na 4-8 kilogram. Mayroon na rin siyang 22 pcs sa isang pack sa halagang 216 pesos.
Price Comparison
Brand | Price |
Makuku Baby Air Diapers Comfort Pants | Php 299.00 – Pho 349.00 |
MamyPoko Extra Dry Pants | Php 439.00 – Php 474.00 |
EQ Dry | Php 520.00 – Php 711.00 |
Huggies Dry | Php 735.00 – Php 1,632.00 |
Pampers Baby Dry Tape | Php 406.00 – Php 593.00 |
Rascal + Friends Baby Diaper | Php 259.00 – Php 578.00 |
Tips para sa tamang pagpapalit ng diaper ni baby
Narito ang ilang mga tips sa pagpapalit ng diaper (diaper changing tips) na maaari mong gamitin:
- Bago ka magsimula, siguraduhin na mayroon ka ng lahat ng kinakailangang sa pagpapalit ng diaper ni baby. Karaniwang kasama dito ang malinis na diaper, baby wipes at diaper cream o ointment.
- Kailangan din na nakahanda na ang komportableng spot sa iyong bahay kung saan papalitan ng diaper si baby. Maaaring gamitin ang kama, malinis na sahig na may cover o malapad na lamesa.
- Siguraduhin din na malinis ang iyong kamay bago palitan ng diaper si baby.
- Dapat ay maingat ang pag-aalis ng maruming diaper. Linisin maigi ang private part, singit, maging ang puwit ni baby gamit ang baby wipes.
- Siguraduhing malinis at tuyo ang bahagi ng katawan ng sanggol na nakadikit sa diaper, partikular ang puwitan bago siya palitan ng bago.
- Isuot ang malinis na diaper sa pamamagitan ng paglapat nito sa ilalim ng puwit ng sanggol at paghatak ng harap na bahagi nito pataas. Siguraduhing hindi masyadong masikip ang diaper upang hindi makasagabal sa paggalaw ni baby at hindi magdulot ng discomfort.
- Mag-apply ng diaper cream o ointment (kung kinakailangan).
- Linisin ang mga kamay matapos palitan ng diaper si baby upang makaiwas sa pagkalat ng bacteria.
Sa pagsunod sa mga tips na ito ay mas mapapadali at maingat ang pagpapalit ng diaper ni baby.
Ngayong alam mo na kung anu-ano ang mga brands na approved ng mga pinay mommies, i-add to cart mo na ang iyong napusuan!