Madalas nakakaligtaang isama sa skin care routine ang under eye. Kaya naman marami ang nakakaranas ng iba't ibang concerns dito gaya na lamang ng pangingitim at pagkakaroon ng kulubot na balat.
Kung isa ka rin sa nakakaranas ng ganitong problema, hindi pa huli ang lahat! May mga solusyon upang mag-improve ang problema mo sa iyong under eye area. At isa na riyan ang paggamit ng best eye cream na may gentle formulation at effective sa pagpapalambot at pagpapaputi ng balat.
Keep on scrolling at alamin ang best brands ng eye cream na mabibili mo online!
Mga sanhi ng problema sa under eye area
[caption id="attachment_488490" align="aligncenter" width="1200"] Best Eye Cream Brands Para Sa Dark Circles At Wrinkles[/caption]
Ang mga karaniwang problema na nararanasan sa under eye area ay ang pangingitim at wrinkles. Narito ang mga sanhi ng mga skin concerns na ito:
Genetics
Nagtataka ka ba kung bakit ka nagkakaroon ng dark circles sa iyong under eye area kahit na ikaw ay hindi nagpupuyat? Maaaring nasa lahi ninyo ang pagkakaroon ng maitim na under eye.
Sun exposure
Ang madalas na exposure sa Ultraviolet o UV rays mula sa araw ay nagdudulot ng damage sa balat na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng wrinkles at pangingitim.
Kakulangan sa tulog
Isa pa sa mga sanhi ng wrinkles at dark circles sa under eye ay ang kakulangan ng sapat na oras na tulog. Maaaring mamulta ang kulay ng iyong under eye area kapag puyat. Dahil din sa manipis ang balat sa parteng ito, kapag pagod at puyat ang mga mata, mas madaling magdevelop ang mga fine lines.
Iba pang skin concerns
Ang pagkakaroon ng iba pang skin concerns gaya ng eczema at contact dermatitis ay posible ring maging sanhi ng problema sa under eye area. Maaari itong magdulot ng pangangati, swelling at discoloration sa balat.
Nakakaapekto rin ang unhealthy lifestyle sa pagkakaroon ng maitim at kulubot na balat sa under eye area. Kaya naman makakatulong ang pagkain ng wasto, pag-inom ng sapat na tubig at pag-eehersisyo upang mapanatiling healthy di lamang ang balat sa iyong under eye, kundi maging sa buong katawan.
Best eye cream brands in the Philippines
[product-comparison-table title="Best Eye Cream"]
Best firming eye cream
[caption id="attachment_488438" align="aligncenter" width="1200"] Best Eye Cream Brands Para Sa Dark Circles At Wrinkles | The Face Shop[/caption]
Problema mo ba ang pagkakaroon ng fine lines o crow's feet sa iyong under eye? Kayang solusyonan 'yan sa pamamagitan ng paggamit ng The Face Shop Pomegranate and Collagen Eye Cream. Nagtataglay ito ng marine collagen na nagbibigay ng deep hydration sa balat kaya naman maiiwasan ang dryness sa under eye area na nagdudulot ng pangingitim at wrinkles.
Karagdagan, ang pomegranate extract naman ay nakakatulong sa collagen production at nakakapag-improve ng elasticity ng balat. Mayaman din ito sa vitamin C kaya't kaya rin nitong mapaputi ang balat at masolusyonan ang problema sa dark circles.
Features we love:
- Marine collagen at pomegranate extract
- Nagbibigay deep hydration at elasticity sa balat
- Nakakapagpaputi ng dark circles
Best anti-aging eye cream
[caption id="attachment_488439" align="aligncenter" width="1200"] Best Eye Cream Brands Para Sa Dark Circles At Wrinkles | Pixi[/caption]
Kung nais naman maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles, magandang isama na sa iyong skin care routine ang Pixi Retinol Eye Cream. Ang produktong ito ay naglalaman ng retinol na isang mabisang ingredient para mapanatili ang youthful at glowing skin. May kakayahan kasi itong palambutin at iimprove ng elasticity ng balat.
Bukod pa riyan ay mayroon din itong caffeine na maganda para sa dark circles at wrinkles. Ang peptides naman ay nakakatulong din sa pag revitalize at firmness ng balat. At tiyak na mas magugustuhan mo ang produktong ito dahil maaari rin itong i-apply sa paligid ng iyong labi para maging plump at hydrated ito.
Features we love:
- Skin-loving ingredients
- Multipurpose
- Anti-aging
Best for sensitive skin
[caption id="attachment_488440" align="aligncenter" width="1200"] Best Eye Cream Brands Para Sa Dark Circles At Wrinkles | Kiehl's[/caption]
Perfect choice naman ang Kiehl's Avocado Eye Cream para sa mga may sensitive na balat. Ang main ingredient ng produktong ito ay avocado oil na mayaman sa vitamin E na nakakapagmoisturize ng balat. Kailangan ng balat ng sapat na moisture upang maiwasan ang development ng wrinkles o di kaya ay mag improve ang appearance nito.
Mayroon din itong beta-carotene para sa mas radiant na skin complexion at shea butter na nakakatulong din sa pagpapalambot ng balat. Ang kagandahan pa sa cream na ito ay hindi ito malagkit sa balat. Ophthalmologist at Dermatologist-tested din ito kaya naman makakatiyak kang safe ito gamitin sa iyong delicate under eye area.
Features we love:
- Nakakapagmoisturize ng balat
- Non-greasy formulation
- Ophthalmologist and Dermatologist-tested
Best natural
[caption id="attachment_488441" align="aligncenter" width="1200"] Best Eye Cream Brands Para Sa Dark Circles At Wrinkles | Human Nature[/caption]
Kung eye cream na gawa sa all natural ingredients naman ang hanap mo, best pick ang Human Nature Sunflower Eye Cream for you! Ang sunflower oil na taglay nito ay mayaman sa vitamin A, C, D at E. Ang kombinasyon ng mga vitamins na ito ay nakakapagbigay ng iba't ibang benepisyo sa under eye area gaya ng pagpapaputi ng dark circles at pagpapalambot ng balat.
Karagdagan, may laman din itong Jasmine at Hawthorn essence na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng fine lines sa under eye area. Mayroon itong watery texture kaya naman madaling maabsorb ng balat at hindi malagkit. May mild flowery scent din ang produktong ito na tiyak magugustuhan mo.
Features we love:
- Gawa sa natural ingredients
- Mayaman sa skin-loving vitamins
- Mild flowery scent
Most Budget-friendly
[caption id="attachment_488442" align="aligncenter" width="1200"] Best Eye Cream Brands Para Sa Dark Circles At Wrinkles | Luxe Organix[/caption]
Epektibo at affordable na eye cream ba ang hanap mo? Swak para sa'yo ang Luxe Organix Advanced Retinol Eye Cream. Mayroon itong anti-oxidant, anti-wrinkle at skin brightening effects kaya naman siguradong matutulungan ka nito sa iyong under eye concerns.
Ang kombinasyon ng Retinol at Bakuchiol ay nakakatulong sa pag-improve ng wrinkles at pagpapaputi ng dark spots. Nakakapagbigay din ito ng intense hydration sa balat kaya naman maiiwasan ang dryness sa under eye area. Ang produktong ito ay suitable for all skin types kaya naman maaari rin itong gamitin ng mga taong may sensitive skin.
Features we love:
- Intense hydration sa balat
- Brightening effect
- Suitable para sa lahat ng skin types
Best for day and night use
[caption id="attachment_488443" align="aligncenter" width="1200"] Best Eye Cream Brands Para Sa Dark Circles At Wrinkles | Celeteque[/caption]
Para naman sa problema sa dark circles sa under eye area ang Celeteque Brightening Eyetuck and Dark Circles Lightener cream. Naglalaman ito ng Eyeseryl Tetrapeptide Complex na nakakatulong di lamang sa problema sa dark circles kundi maging sa puffiness sa under eye area.
Ang paggamit ng eye cream na ito sa umaga at gabi ay makakatulong din upang mas maging elastic ang balat para maiwasan ang pagiging kulubot nito. Gaya ng ibang eye cream, lightweight at watery ang texture nito kaya naman hindi malagkit at mabigat sa pakiramdam kapag nilagay sa balat.
Features we love:
- Eyeseryl Tetrapeptide Complex
- Nakakabawas ng puffiness sa under eye area
- Lightweight at may watery texture
Price Comparison Table
Brands |
Pack size |
Price |
Price per g or ml |
The Face Shop |
50 ml |
Php 1,395.00 |
Php 27.90/ml |
Pixi |
25 ml |
Php 1,390.00 |
Php 55.50/ml |
Kielh's |
7 ml |
Php 925.00 |
Php 132.14/ml |
Human Nature |
15 ml |
Php 349.00 |
Php 23.27/ml |
Luxe Organix |
12 g |
Php 299.00 |
Php 24.92/g |
Celeteque |
15 ml |
Php 311.00 |
Php 20.73/ml |
Paano pumili ng best eye cream
Narito ang ilang tips na maaari mong sundin bago bumili ng produkto para sa under eye:
Ingredients
Kumpara sa ibang parte ng katawan, ang balat sa under eye area ay mas manipis. Kaya naman mas sensitive ito at kinakailangan na ang produktong gagamitin dito ay may gentle formulation. Mahalagang i-check ang ingredients ng eye cream na bibilhin para masiguradong wala itong halong harsh chemicals.
Purpose
Para saan ba gagamitin ang eye cream? Nais mo bang mabawasan ang wrinkles at dark circles? Hanapin ang eye cream na may special features o ginawa para sa particular na skin concern.
Presyo
May kamahalan ang mga eye creams na mabibili sa market. Ngunit may ilang brands na affordable at effective rin. Pumili ng eye cream na pasok sa iyong budget and at the same time, matutulungan ka sa iyong under eye concerns.
Mahalagang mapangalagaan at mabigyang pansin ang under eye area upang maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles at dark circles. Kaya naman i-add to cart na agad ang napupusuang brand ng eye cream at isama ito sa iyong skin care routine products.