Okay lang na maging full time mom ka
Okay lang na sabihin nilang “ may pinag- aralan ka naman bakit dika maghanap ng trabaho”
Okay lang makarinig ng “sayang ang pinag- aralan mo.
”Okay lang manahimik.
Maraming advantage ang full time mom,
Nasusubaybayan mo ang lahat ng all abouts ng anak moAng first word niya, ang first step at ang reason kung bakit mas gusto niya ng ganito kaysa ganun..
Nakikita mo na agad ang mga strenghts and weaknesses niya.
Ang bond niyong dalawa ng anak mo ay priceless.
Maramdaman mong ikaw ang mundo niya habang napakaliit pa niya.
Ang trabaho makakapaghintay yan,
Choice natin kung ano ang tatahakin natin habang ineenjoy natin ang pagiging nanay/ magulang
Malay natin hindi sa corporate world ang nais ng iba,
Hindi pagiging employee ang solusyon ng iba para matustusan ang pamilya
Momsh hindi ka nag iisa kung wala ka sa ofice ngayon, o kung saan mang ideal work place ng iba.
Hindi ka nag iisa ngayon na nagsisikap para palakihin ang mga anak mo na kasama ka all the way..
Hindi ka nag iisa na pinagsasabihang ' bakit di ka maghanap ng trabaho
'Dika nag- iisang full time mom pero suma- sideline sa pag titinda ng kung anu- ano
Dika nag- iisa ngayon kung isa kang freelancer mom/ parent, not regular employee or contractual ka man, I know you're doing good and you're earning the best!
Momsh, tandaan mo to ang ideal job ng iba ay hindi kayo pareho… kahit pa pareho kayo ng kurso.Kaya tayo magkakaiba ng talents, strenghts at pananaw sa buhay dahil magkakaiba ang gusto natin.
Magkakaiba ang estado natin sa buhay.
Okay lang mag-encourage siyempre nakakagaan ng loob yan kung in a positive way natin sasabihin.
Okay lang din yong nagpaplano ka na hindi na sinasabi sa iba para kung sakaling hindi mag-success wala kang maririnig.
Ayos lang manahimik at pakinggan na lang ang sinasabi ng iba para ito na lang ang gagamitin mong inspiration sa mga ginagawa mo sa buhay.
Gamiting inspirasyon sa mga hindi nila nakikitang struggles mo
Gamiting inspirasyon sa mga maliliit na bagay na pinagkakakitaan mo
Mga maliliit na bagay na para sayo ay napakalaki dahil pinaghirapan mo at ikaw ang may likha nito hindi sa gobyerno o sa kilalang kompanya.
Bagay na dito ka nag fofocus para mapalago.
Kunti man ang nakakaintindi sayo ang mahalaga, positive ka
Positive mong ginagawa ang lahat para sa pamilya mo.
Lahat ng ina o magulang ay may kanya kanyang choice sa buhay.
Merong pipiliin ang working mom meron ding pipiliing mag business na lang or yong tipong full time mom talaga na tutok sa anak.
Ang mahalaga, naiintindihan natin ang responsibilidad natin sa buhay. Alam natin kung saan tay papatungo..
Ang mapalaki natin ang mga anak natin ng maayos, makapagtapos sa pag- aaral, magkaroon ng respeto sa kapwa at higit sa lahat magkaroon sila ng pananampalataya sa Diyos.
Mom/Dad anuman ang pinagkakaabalahan mo ngayon I salute you! You're doing great! Nagsisikap ka para sa iyong pamilya, para sa mga anak mo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!