Sakit sa ulo na maituturing ang rashes at pamumula sa bandang puwit ni baby dahil sa diaper. Kaya nga dahil sa problemang ito, nauuso na ngayon para sa parents ang paggamit ng makukulay at unique na designs ng lampin cloth diaper para kay baby. Dahil diyan, narito ang aming listahan para sa best lampin cloth diaper brands in the Philippines!
Kadalasang problema nga naman talaga ng parents ang pagkakaroon ng rashes at pamumula sa puwitan ng baby gawa ng diapers. Mostly kasi ng disposable na diaper ay gawa sa material na nagsasanhi ng irritation sa sensitive na balat ng bata.
Bukod dito, malaking factor din na sakit sa ulo ang mahal na gastusin sa pagbili ng diapers. Hind mo namamalayang nakakalagpas lima ka na pala kalahating araw pa lamang. Ito ay dahil kailangan din magpalit ng diaper ni baby from time to time para hindi magkaroon ng allergic reaction at ibang skin problems.
Kung isa ka sa mommies and daddies na napapa, “Naku! Palit na naman!" Aba’y tama lang na nandito ka, dahil tutulungan namin kayong makasave sa pamamagitan ng pagpili sa cloth diapers na aming ni-review dito.
Talaan ng Nilalaman
Mga uri ng lampin ng baby o cloth diaper
Hindi lamang iisa ang uri ng lampin o iyong tinatawag na cloth diaper para sa mga sanggol. Mahalagang matukoy kung ano nga ba ang mga ito para malaman ang prefer mo for your little one. Alamin kung ano ba ang best na gamitin niya at fit para sa kanya everyday:
1. Flats
Ang flats ay tinatawag na old school sa lahat ng cloth diaper na mabibili sa merkado. Ito ay mahabang puting tela na karaniwang gawa sa cotton.
Ito ang klase ng lampin na sinusuot sa mga baby noon na ginagamitan ng safety pin sa magkabilang gilid. Available pa rin ito dahil maraming pwedeng paggamitan sa baby.
2. Prefolds
Ito naman ay rectangular na tela na tinupi ng tatlong beses para mas makapal kaysa sa flats. Ginagamitan din ito ng safety pin kung gagamitin kay baby. O maaaring maglagay ng outer cover na waterproof para hindi tumagos ang ihi ni baby.
3. Hybrids
Gawa ito sa waterproof cover at nilalagyan ng disposable o cloth diaper inserts. Ang inserts ay karaniwang gawa sa cotton, microfiber, o hemp.
Ang disposable inserts naman ay madalas gamitin ng mga mommy sa gabi para sa convenient nila ni baby. Kadalasan sa mga disposable inserts ngayon na nabibili ay gawa sa biodegradable materials.
4. All-in-One Cloth Diapers o AIO
Ito ang cloth diaper na pinagsamang waterproof cover at absorbent cotton. Hindi na kailangan na lagyan pa ng cloth o disposable inserts kaya naman mas makakatipid ang mga mommy na prefer ang ganitong type.
5. Pockets
Ang pocket style cloth diaper ay isa sa mga prefer ng mga mommy ngayon. Mas madali ito gamitin dahil sa built-in pocket na nasa loob ng cloth diable. Mas madali ikabit ang cloth inserts. Kahit malikot ang baby, hindi ito madali magleak at mas madali palitan si baby.
6. Sleeve Diapers
Katulad din ng pockets diaper, mayroon itong dalawang pocket sa loob na nagsisilbing sleeve ng insert. Kaya naman madali rin itong gamitin. Hindi na kailangan pang tanggalin ang insert kung lalabhan, kusa itong lumakalas sa washing machine habang nilalabhan.
Tips sa pagpili ng best lampin cloth diaper para kay baby
Sa pagpili ng best lampin o cloth diaper para kay baby, isaalang-alang ang mga sumusunod na tips:
- Material at Absorbency: Pumili ng lampin na gawa sa soft, breathable, at absorbent na material tulad ng organic cotton o bamboo para maiwasan ang rashes. Siguraduhing mabilis itong sumipsip ng likido at hindi agad natutuyo para iwas leaks.
- Comfort at Fit: Mahalaga ang tamang sukat ng lampin para hindi ito masikip o maluwag kay baby. Pumili ng may adjustable snaps o Velcro para madaling i-adjust habang lumalaki siya.
- Ease of Use at Cleaning: Pumili ng lampin na madaling isuot at tanggalin. Piliin ang mga madaling labhan at mabilis matuyo para sa mas tipid at sustainable na gamit.
- Cost-Effective: Mag-invest sa high-quality cloth diapers na pangmatagalan kaysa sa mura pero madaling masira. Ito ay mas sulit at eco-friendly rin.
- Safety: Siguraduhing hypoallergenic at walang harmful chemicals ang material ng lampin para safe sa sensitive skin ni baby.
LIST: Best cloth diaper brands in the Philippines
Sa pagpili ng lampin ng baby, lagi natin dapat i-consider hindi lamang ang presyo kundi pati na rin ang comfort ni baby. Narito mommy ang ilang list ng available na lampin ng baby o cloth diaper na hindi lang affordable, komportable, at siguradong matibay.
Pikabu Baby Cloth Diapers
Best hypoallergenic
Why do we love it?
Ang Pikabu Cloth Diaper ay isa sa mga brand na hypoallergenic na suitable sa baby na may sensitive skin. Mayroon din itong anti-leak gussets para sa added protection ng balat ni baby.
Katulad ng ibang cloth diaper, gawa sa waterproof material ang outer layer nito. Adjustable din ang snap nito na magagamit ng mas matagal ng baby. Bukod pa rito, may built-in pocket ito para sa insert.
Highlights:
- Good for sensitive skin
- Anti-leak gussets
- Waterproof material
- With built-in pocket
ALVA Baby 3.0 Cloth Diapers
Best waterproof and anti-leakage
Why do we love it?
Ang Alva Baby ang isa sa pinakakilalang brand pagdating sa cloth diaper. Bukod sa waterproof at breathable nitong outer cover na nagsisilbing panangga sa leakage, mayroon itong pocket sa loob na pinaglalagyan ng inserts para sa mas convenient na pagkabit at tanggal.
Ito rin ay one size cloth diaper na magagamit ng newborn hanggang 3 years old o hanggang 15 kilos na bigat ng baby. Affordable ito kaya naman maraming mommy ang tumatangkilik ng brand na ito.
Highlights:
- Most known brand
- Breathable cloth
- Waterproof for anti-leakage
- One-size cloth diaper
Ecopwet Square Charcoal Cloth Diaper
Best eco-friendly diaper
Why do we love it?
Ang Ecopwet Squaretab Pure Charcoal Cloth Diaper ay may 5 layer ng bamboo charcoal inserts na kasama sa kada pag-purchase mo ng produkto na ito.
Gawa sa durable PUL fabric ang outer cover nito kaya naman ito ay waterproof. Ang inner layer naman ay gawa sa soft charcoal fabric na hiyang sa balat ni baby. Mayroon din itong wide pocket para sa mas mabilis na paglagay ng charcoal inserts. Ito rin ay one-size-fits-all na lampin ng baby.
Magagamit ni baby hanggang sa kanyang toddler years. Available ito sa iba’t ibang unique design na babagay sa cuteness ng ating mga baby.
Highlights:
- With 5-layer bamboo charcoal inserts
- PUL fabric outer cover
- One size fits all
- Cute designs
Happy Flute Cloth Diaper
Best for cross-over snaps
Why do we love it?
Katulad ng ibang cloth diaper ang HappyFlute ay one-size-fits-all din. Magagamit ng matagal ni baby hanggang sa kanyang toddler years.
Ito ay may waterproof outer covering na may comfortable elastic legging sa magkabilang gilid para maiwasan ang leakage. Ang inner layer naman nito ay gawa sa microfleece. Mayroon din itong hip snaps at crossover snaps para hindi lumalaw at makagalaw ng maayos si baby.
Highlights:
- Elastic legging
- Anti-leakage
- Made from microfleece
- With hip snaps and crossovers
Washable Baby Cloth Adjustable Diapers
Best pure cotton material
Why do we love it?
Ang Washable Reusable Diaper ay ang cheapest brand ng lampin ng baby na mabibili. Gawa ito sa soft cotton para sa komportableng pwet ni baby. Mayroon itong adjustable snap para sa small up to large size na baby. Breathable rin ito kaya naman maiiwasan ang pagkakaroon ng rashes ni baby.
Highlights:
- Made from soft cotton
- Adjustable snap
- Breathable to prevent rashes
- Can fit small to large sizes
Curity Cloth Diaper
Best gauze type
Why do we love it?
Kung isa ka namang sa mga parents na naghahanap ng gauze type na cloth diaper, perfect ang Currity Cloth diaper para sa iyo. Simple pero veryuseful ang diaper na ito para sa babies. Unlike sa ibang cloth diapers, wala itong maraming designs at buttons na kung minsan mahirap ikabit. Sa kabila ng pagiging simple, sinisigurado naman ng product na super absorbent ito para iwas leakage.
Maaari kang mamili between sa colors ng yellow, mint green, at white.
Highlights:
- Basic and simple designs
- Easy to use
- Super absorbent
- With 3 colors available
Ecobum Classic Cloth Diaper Version 2
Best for wide tummy lamination panel
Why do we love it?
Si baby ba ay tummy sleepers? Dapat lang na Ecobum Classic Cloth Diaper Version 2 ang piliin mo para sa kanya. Mas wide kasi ang tummy lamination panel nito para sa pagtulog niya nang nakadapa. Wider din ang pocket flap niya para madali lang access. Mas malawak na rin ang crotch area para makahinga ang balat ni baby. Proven na PUL waterproof at hindi naglileak.
Highlights:
- Wide tummy lamination panel
- For tummy sleepers
- PUL waterproof
- With a wider pocket flap
Price Comparison Table
Huwag na natin patagalin pa, narito ang ire-reveal naman natin ang price ng bawal lampin cloth diaper na nasa list. Ano naman kaya ang pasok sa budget ng pamilya?
Brand | Price |
Pikabu Baby Cloth Diapers | Php 1,999.00 |
ALVA Baby 3.0 Cloth Diapers | Php 350.00 to Php 1,499.00 |
Ecopwet Square Charcoal Cloth Diaper | Php 1,100.00 |
Happy Flute Cloth Diaper | Php 138.00 |
Washable Baby Cloth Adjustable Diapers | Php 119.00 |
Curity Cloth Diaper | Php 29.00 to Php 303.00 |
Ecobum Classic Cloth Diaper Version 2 | Php 220.00 to Php 1,854.00 |
Ilang lampin ng baby o cloth diaper ang kailangan ni baby araw-araw?
Malamang naitanong mo na rin minsan.
Gaya nga nabanggit kanina, kung ikaw ay first time parent, magugulat ka kung gaano karami ang kailangan ng baby. Para sa newborn, mas madalas nilang dapat nagpapalit. Nirekomenda ng ilang mommies na kinakailangang maghanda ng halos sampung cloth diapers kada araw. Kung sakali naman na marunong nang magpotty train ang iyong anak, nasa apat hanggang limang diapers lamang sa magdamag ang kailangan.
Mahigpit na payo rin na dapat ang inserts ay napapalitan madalas. Siguraduhin din na malinis ang pagkakalaba para hindi na pamahayan ng bacteria at iba pang maaaring magcause ng sakit sa bata. Tiyakin din na nabanlawan nang maigi at natuyo na sa ilalim ng araw. Ginagawa ito para hindi pamahayaan ng dumi ang diaper cloth.
Mainam din na mayroong malinis at maayos na storage o paglalagyan ang cloth. Iwasang ihalo siya sa ibang damit ng matatanda. Tignan kung ang cabinet o ang pinaglalagyan nito ay walang alikabok na maaaring magcause ng irritation sa bata.
Magkano ang matitipid sa paggamit ng lampin o cloth diaper?
Isa sa magandang benepisyong mabibigay ng cloth diaper bukod sa pagbawas sa rashes ni baby ay ang savings. Pamahal nang pamahal ngayon ang presyo ng diapers lalo iyong magagandang brands. Mabigat na nga sa bulsa ang gatas at iba pang gamit ni baby, ano pa kaya kung may dagdag pa na gastos sa diaper?
Kung susubok na mag-try ng cloth diaper, sa unang buwan kailangan na mag-invest ka sa may quality na cloth diapers at inserts. Sa mga susunod na buwan, tiyak ay makakatipid ka naman. Nasa tinatayang Php 3,000.00 ang maaaring madagdag sa savings mo kung dati kang gumagamit ng disposable diapers at nagswitch sa lampin.
Sa pamamagitan ng magandang kalidad ng cloth diaper at maayos na pangangalaga nito, maaari pang tumagal ito nang ilang taon. Baka magamit pa maging sa susunod mo na baby. Tipid na tipid talaga!
Paraan ng paggamit at paglalaba ng cloth diapers
Paraan ng paggamit:
- Labhan muna bago gamitin. Gumamit ng mild soft at ibabad ng atleast 15 minutes bago banlawan. Isama sa paglalaba ang mga inserts.
- Kapag gagamitin na, ilagay ang insert sa loob ng pocket.
- Palitan ang cloth diaper at insert sa kada 2-3 oras para maiwasan ang nappy rash at uti.
Paraan ng paglalaba:
- Alisin ang anumang residue na nasa loob (insert) at iflush sa toilet.
- Banlawan bago ibabad sa mild detergent at labhan.
- Banlawan maigi at siguraduhin wala ng naiiwang stain sa cloth diaper at insert bago isampay.
- Patuyuin sa araw upang mamatay ang anumang germs na naiwan.
- Huwag gagamitan ng bleach o fabric softener.