Natural sa mga babies na magkaroon ng extra sensitive skin, kaya naman nararapat lamang na piliing mabuti ang mga produktong ginagamit para sa kanila at maging sa kanilang damit. Naghanap kami sa online market ng best baby laundry detergent upang matulungan ka sa iyong baby product hunting.
Hindi dapat ipagsawalang bahala ang pag-aalaga ng balat ng baby. Napakadali nitong mairita kaya’t dapat ay maging mabusisi sa pagpili ng laundry detergent for them.
Patuloy na magbasa upang matuto ng higit pa, at alamin ang mga brands sa aming listahan!
Talaan ng Nilalaman
Best Laundry Detergent Brands for Babies
Tiny Buds Baby Natural Laundry Powder
Best Powdered
|
Buy Now |
UniLove Baby Laundry Detergent
Best Hypoallergenic
|
Buy Now |
Kleenfant Antibacterial Baby Laundry Wash
Best Anti-bacterial
|
Buy Now |
Cycles Baby Laundry Liquid Detergent
Best Pedia-recommended
|
Buy Now |
Breeze Laundry Liquid Detergent Gentle and Free
Best for Sensitive Skin
|
Buy Now |
Pigeon Baby Laundry Detergent
Best Easy-To-Rinse
|
Buy Now |
Best Powdered Baby Laundry Detergent
Tiny Buds Natural Laundry Powder
Sa Tiny Buds Natural Laundry Powder, hindi lamang skin ni baby ang kanilang iniisip kundi maging ang kalikasan. Ang product kasi na ito ay eco-friendly at made from natural ingredients.
Karamihan kasi sa normal detergent ay mayroong packaging na harmful for the environment. Kaya naman plus points para sa Tiny Buds para sa pangangalaga sa kalikasan. Sulit at pangmatagalan na ang mayroon ang sabon para sa mga damit ni baby.
Isa pa, gawa ang sabong ito sa coconut na ligtas maging sa cloth diapers ng bata. Talagang ginawa ang formula specifically sa mga babies. Bukod pa diyan, inisip din nila ang kapakanan ni mommy at daddy dahil ginawa itong soft for your hands. Lastly, trusted by pediatrician ang brand na ito!
Bakit namin ito nagustuhan:
- Made from natural ingredients
- Safe even for cloth diapers
- Soft for your hands
- Pediatrician recommended
Best Hypoallergenic Baby Laundry Detergent
UniLove Baby Laundry Detergent
Para sa mahahalagang oils specially for babies, narito ang UniLove Baby Detergent Powder.
Talaga nga namang mararamdaman mong fresh at ligtas ang iyong little one using this product. Wala kasi itong nilalaman na dyes o disinfectant na maaaring harmful sa kanyang health. Ginawa pa nila ang sabon na hypoallergenic para talagang safe ito sa mga bata.
Inisip na rin nila ang kamay ng mga maglalabang parents kaya ginawa nila itong gentle sa inyong kamay. Sa ganitong paraan ay iwas sugat at allergic reaction.
Very convenient din ang packaging dahil mayroong “easy and secured" feature sa lid cover nito.
Bakit namin ito nagustuhan:
- No dyes and disinfectant
- Safe for babies because of hypoallergenic features
- Gentle on hands
- With an easy and secured lid cover
Best Anti-Bacterial Baby Laundry Detergent
Kleenfant Anti-bacterial Baby Laundry Detergent
Para sa sabong makakapatay ng 99.9% ng germs, salamat sa Kleenfant Anti-bacterial Baby Detergent Powder. Ang anti-bacterial power kasi nito ay nakakapatay ng mikrobyo na maaaring kumapit sa damit ni baby.
Naaalis nito kahit pa nag mga mantyang matagal at mahirap alisin para sa mga normal na sabon. Naiiwasang nitong magkaroong ng rashes at irritation ang bata kahit pa mayroong anti-bacterial feature. Isa rin ang sabon na ito sa mga pinakaligtas para sa sensitive skin ni baby.
Wala ring halong kemikal ang sabon na harmful kay baby tulad ng dyes, bleach, parabens, at iba pa.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Kills 99.9% of germs on babies’ clothes
- Prevents babies from getting rashes and irritation
- Safe for babies sensitive skin
- No harmful chemicals
Best Expert Recommended Baby Laundry Detergent
Cycles Baby Laundry Liquid Detergent
Hindi makukumpleto ang listahan na ito kung wala ang Pediatrician recommended brand ng baby liquid detergent na Cycles. Wala itong halong harsh chemicals gaya ng bleach, dyes, fabric softener, SLS at SLES na maaaring magdulot ng iritasyon sa balat ng iyong little one. Kaya naman tiwala ang expert dito, maging ang mga mommies na nakagamit na ng brand na ito.
Karagdagan, maaasahan mong madali itong banlawan at hindi nag-iiwan ng residue sa damit di gaya ng mga regular detergents. Hypoallergenic pa ang formulation ng laundry detergent na ito kaya’t swak na swak sa extra sensitive skin. Maaari rin itong gamitin para sa damit ng adults. Perfect gamitin sa mga damit ni mommy at daddy na posibleng madikit sa balat ni baby.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Expert trusted
- No harsh chemicals
- Hypoallergenic
- Leaves no residue
Best Baby Laundry Detergent for Sensitive Skin
Breeze Laundry Liquid Detergent Gentle and Free
Mula sa Unilever na kilala rin bilang mahusay na manufacturer ng iba’t ibang laundry detergent ang Breeze Laundry Liquid Detergent Gentle and Free.
Mayroong itong pH-balanced formula na gentle at safe para sa young delicate skin at maging sa damit ni baby. Gawa rin ang produktong ito sa natural ingredients kaya’t makakasigurado kang wala itong irritants. Nagtataglay ito ng lavender extract at rice milk essence na bukod sa mainam gamitin sa damit, ay nakakapagbigay din ng proteksyon sa balat.
Siguradong matutuwa ka rin sa pag gamit ng liquid detergent na ito dahil sa kabila ng pagiging mild nito ay kaya nitong magtanggal ng mantsa na makapit sa damit.
Bakit namin ito nagustuhan:
- Made from natural ingredients
- With pH-balanced formulation
- Tough on stains
- Safe for sensitive skin
Best Easy-To-Rinse Baby Laundry Detergent
Pigeon Liquid Detergent for Baby
Madalas na problema ng mga mommies and daddies ang sabong mahirap banlawan. Kaya sinigurado naming kasama ang Pigeon Liquid Detergent for Baby sa aming top picks.
Sa kabila ng easy-to-rinse feature nito, mayroon effective stain-removing formulation para sa iba’t ibang uri ng mantsa. Kahit pa naaalis nito ang stains sa damit ni baby, sinisugurado naman ng produktong ito na mild ang pagkakagawa rito. Alcohol-free rin ang baby laundry detergent na ito kaya naman safe ito for your little one, at gentle para sa iyong mga kamay.
At hindi ka bibiguin ng Pigeon Laundry Detergent when it comes to safety dahil dumaan ito sa three safety tests gaya ng soap residue on clothes, allergy testing at skin irritation testing. Sure na sure kang ligtas ito gamitin para sa mga damit ng iyong anak!
Bakit namin ito nagustuhan:
- Easy-to-rinse
- Stain-removing formulation
- Alcohol-free
- Undergone safety tests
Price Comparison Table
Kakaibang excitement nga naman ang malamang mayroon pa lang sabong na ginawa for babies. At sigurado kaming magiging parte na ito grocery list ng pamilya.
At para malaman mo ang presyo ng mga brands sa aming listahan, narito ang price comparison table na ginawa namin for you:
Brands |
Pack size |
Price |
Price per g or ml |
Tiny Buds Natural Laundry Powder | 1000 g | Php 250.00 | Php 0.25/g |
UniLove Baby Laundry Detergent | 1000 ml | Php 140.00 | Php 0.14/ml |
Kleenfant Anti-bacterial Baby Laundry Detergent | 1000 ml | Php 299.00 | Php 0.30/ml |
Cycles Baby Laundry Liquid Detergent | 800 ml | Php 264.00 | Php 0.33/ml |
Breeze Laundry Liquid Baby Detergent Gentle and Free | 980 ml | Php 243.00 | Php 0.25/ml |
Pigeon Liquid Detergent for Baby | 500 ml | Php 230.00 | Php 0.46/ml |
Bakit hindi dapat gumamit ng tipikal na laundry detergent for babies’ clothes?
Mayroong delicate skin ang babies. Hindi pa fully formed ang kanilang balat kaya naman napakasensitibo nito. Ang sabon, shampoo, lotion, oil, at maging laundry detergent for baby ay maaaring makapagdulot ng allergies sa kanila.
Narito ang ilang dahilan kung bakit hindi dapat gumamit ng tipikal laundry detergent para sa damit ng bata:
- Hindi lahat ng liquid o powdered detergent ay safe for babies. Hindi nito napoprotektahan ang sensitive at soft skin ng iyong little one.
- Nag-iiwan ang ibang laundry powder ng stain sa mga damit lalo sa damit ng babies. Nagiging dahilan ito para gumastos pa lalo sa damit ng bata.
- Mayroong harmful chemicals ang ibang sabon na maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit.
- May mga sabong nagiging sanhi ng allergic reactions sa balat ng bata. Bukod sa matapang na kemikal, maaaring naglalaman din ito ng strong fragrance.
How to choose the best baby detergent
Dahil nga una dapat palagi ang safety ni baby, alam naming convinced ka nang bumili ng baby detergent powder. Ngayong nabasa mo na ang importance nila maging ang reviews namin, for sure may isa ka pang tanong na natitira ngayon. “Paano kaya dapat mamili ng detergent soap para sa aking baby?"
Don’t worry, inihanda rin namin ang mga iyan dito:
- Ingredients – Iwasang bumili ng mga sabonna may harmful chemicals. Ang mga ito ay maaaring makaapekto s kanilang skin.
- Fragrance – Iwasang ding kumuha ng sabon na may labis na pabango. Maaaring mairita si baby dito.
- Price – Dahil magiging parte na siya lagi ng expenses ng family, make sure na hindi ito gaanong mahal. Piliin lamang ang swak sa budget ng pamilya.
- Recommended by doctors – Para sa dobleng safety, maaari ring humingi ng rekomendasyon mula sa mga doktor.
- Reviews – Of course, check the reviews. Kapwa parents mo ang magsasabi kung maganda nga ba ito para gamitin kay baby.
Mahalagang tandaan na hindi ginawa ang mga normal detergent soap para kay baby. Ang mga bata ay mayroon pang soft at sensitive skin na maaaring maging ang sabon sa damit ay makaapekto para sa kanila. Sa ganitong pagkakataon, kinakailangan talaga ng detergent na ginawa talaga for babies clothes.