UV light disinfection method laban sa COVID-19 hindi ini-rerekumenda ng DOH. Ito ay dahil sa mga UV light disinfection side effects na maari nating maranasan.
UV light disinfection method laban sa COVID-19
Sa panahon ngayon na nababalot ang buong mundo ng takot sa sakit na COVID-19, anumang discovery patungkol sa kung paano maiiwasan o malulunasan ito ay maituturing ng napakalaking bagay o breakthrough kung tawagin sa siyensya. Isang halimbawa nga rito ay ang paggamit ng UV light disinfection method laban sa COVID-19.
Ayon sa International Ultraviolet Association, ang pag-didisinfect gamit ang UV light ay isa ng useful technology sa nakalipas na 40 na taon. Nakakatulong ito sa pagbibigay ng malinis na tubig at hangin sa atin. Pati na rin sa pagsisigurong malinis ang ating mga water bottles o kaya naman ay ating mga cellphone.
Pero ayon sa National Academies of Sciences, Engineering and Medicine o NASEM, maliban sa nabanggit kaya ring patayin ng mga UV lights ang coronaviruses na nagdudulot ng sakit na SARS at MERS. Kaya malaki ang posibilidad na kaya rin nitong patayin ang virus na nagdulot ng sakit na COVID-19.
“UV light has been shown to destroy other coronaviruses, so it will probably work on the novel coronavirus.”
Ito ang pahayag ng ahensya sa kanilang website.
Ang pahayag na ito ay napatunayang totoo ng isang pag-aaral na isinagawa ng mga researchers mula sa Columbia University. Dahil ayon sa kanilang pag-aaral ang exposure sa UVC light ng virus ay kayang patayin ang 99.9% nito. Natuklasan nila ito matapos magpakawala ng sample ng coronavirus particles sa hangin na naiilawan ng UV lights. Saka ito muling kinolekta at sinuri kung active pa ba ang virus. Doon nga nila natukoy na nagawang patayin ng UV lights ang virus na pinakawala nila sa hangin.
Babala ng DOH ukol sa UV light disinfection side effects
Pero may babala ang DOH o Department of Health ukol sa paggamit ng UV lights para mapatay ang virus na nagdudulot ng COVID-19. Ito daw ay para lang sa mga health care settings tulad ng mga clinic at ospital. At hindi daw basta dapat gamitin ng publiko. Base ito umano sa rekumendasyon ng World Health Organization o WHO. Dahil ito daw ay maaring magdulot ng damage sa ating balat at paningin.
“For now, there is no sufficient evidence if it’s effective outside these settings. It can also cause damage to your vision, skin irritation, burns and increased risk for skin cancer that’s why we are not recommending it for now.”
Ito ang pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kaniyang televised press briefing kahapon.
Dagdag pa niya pagdating sa pagsisiguro ng kalinisan ng mga surfaces mula sa mga germs at viruses ang paggamit ng alcohol at bleach parin ang pinakamabisang paraan.
Pahayag ng mga eksperto
Ganito rin naman ang paniniwala ng mga eksperto tungkol sa paggamit UV light disinfection method laban sa COVID-19.
Ayon sa mga eksperto may tatlong uri ng UV light na nagmumula sa araw. Ang unang dalawa ay ang UV-A at UV-B na nagdudulot ng sunburns at premature skin aging sa ating balat. Ito rin ay naiuugnay sa pagkakaroon ng sakit na skin cancer. Habang ang pangatlo ay ang UV-C na sinasabing pinaka-malakas o may pinaka-mataas na energy. Ito umano ang pinaka-delikado sa tatlong uri ng UV light na nagmumula sa araw. Mabuti nalang at hindi ito umaabot sa surface ng Earth dahil sa naabsorb ito ng ating atmosphere.
Pero dala ng teknolohiya ay may man-made o gawa ng tao ng UV-C light. Ito ang pinaniniwalaan ngayon na kayang pumatay ng virus na nagdudulot ng sakit na COVID-19.
Paliwanag ng National Academy of Sciences, ay masyadong malakas ang UV-C light na kaya nitong sirain ang genetic material, pati na ang DNA o RNA ng mga bacteria at viruses. Pero tulad ng babala ng DOH, ayon sa NASEM ay lubhang delikado ito sa mga tao. Dahil sa kaya nitong ma-damage ang human skin pati na ang mga mata o paningin.
Pag-huhugas ng kamay, pagsusuot ng mask at social distancing parin ang mabisang paraan para makaiwas sa COVID-19
Kaya payo nila ang UV light disinfection method laban sa COVID-19 ay dapat gamitin lang sa mga objects o surfaces. Hindi dapat umano gamiting hand-sanitizer ang UV light para maiwasan ang side effects nito sa kalusugan. Mas mainam parin ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig para maiwasan ang COVID-19. O kaya naman ay ang paggamit ng hand sanitizer na nagtataglay ng 70% alcohol kung hindi available ang tubig at sabon.
Ganito rin ang paniniwala ni Dr. David Brenner, ang lead researcher ng grupong nakatuklas sa kakayahan ng UV light na mapuksa ang COVID-19 virus. Ito ay ipinapayo nilang gamitin lamang sa public locations na kung saan maari lang ikabit sa mga ceilings o bubong. At dapat ay maging ligtas parin o safe para sa mga taong mai-expose dito ang radiation na inilalabas nito. Dagdag pa niya, hindi daw ito maaring gamiting alternatibong paraan sa paggamit ng mask at social distancing. Ngunit isang dagdag na kagamitan lang para malabanan ang kumakalat na sakit.
“We don’t see far-UVC light as an alternative to masks and social distancing. We see it as a new extra weapon that we can use in the battle against COVID-19.”
Ito ang pahayag ni Dr. Brenner.
Source:
ABS-CBN News, BBC, CNET
Basahin:
Private hospitals sa Cebu puno na ng COVID-19 patients
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!