Maging Worry-Free Sa Menstrual Leaks With These Best Period Pads Na Mabibili Online

Manatiling fresh, comfortable at stress-free all day sa paggamit ng best period pads na magbibigay proteksyon sa iyo mula sa tagos

Mahalaga ang pagpili ng magandang brand ng period pads. Ito ay ang iyong best buddy kapag may buwanang dalaw o menstruation. Umaabot ng apat hanggang limang pads ang kadalasang nagagamit ng babaeng may regular flow. Ngunit para sa mga kababaihang may heavy menstrual bleeding, higit pa rito ang kanilang nagagamit.

Ang menstrual pad ay nagbibigay ng proteksyon mula sa leak o tagos sa pamamagitan ng pag-absorb ng menstrual fluid o regla. Kaya naman nararapat lamang na pumili ng best period pads na highly absorbent at komportable gamitin.

Kung naghahanap ka ng best period pads para sa’yo, tignan ang aming listahan ng mga brands na mabibili mo online! Plus, kumuha ng tips kung paano mapangalagaan ng sarili during red days.

Paano pumili ng best period pads

Best Period Pads To Protect You From Menstrual Leaks During Red Days

Mahalagang maging mapanuri kapag pipili ng brand ng sanitary napkin. At upang tulungan ka sa pagpili ng the best para sa iyo, narito ang ilan sa mga factors na kailangan mong i-consider:

Safety

Mahalagang matiyak na hygienic ang pagkakagawa sa period pad na iyong bibilhin. I-check kung ito ay gawa sa GMP certified na planta o di kaya ay trusted na ng maraming kababaihan. Dapat din ay hygienic ang pagkakapack ng napkin upang maiwasan ang kontaminasyon mula sa alikabok o anumang bagay.

Absorbency

Ginawa ang mga sanitary napkins upang saluhin at iabsorb ang menstrual fluid kaya naman dapat din i-check ang absorption capacity ng brand na pipiliin. May mga brands na kayang tumagal ng dalawang hanggang tatlong oras bago mapuno.

Comfort

Huwag din isaalang-alang ang comfort sa pagpili ng period pads. May mga babaeng komportable sa makapal na pads dahil confident silang hindi basta-basta matatagusan. Sa kabilang banda, mayroon din namang mga maninipis na pads para sa mga babaeng mas gustong gumamit nito dahil mas presko at magaan sa pakiramdam.

Other features

Nakakatulong din ang iba pang features ng sanitary napkin sa pagdedesisyon kung ano ang bibilhin na brand. Halimbawa ng added features sa isang period pad ay with wings, mas mahaba kumpara sa regular pads at scented.

Best Period Pads in the Philippines

Period Pad Brands
Whisper Cottony Soft Sanitary Napkin with Wings
Best Napkin With Wings
Buy Now
Modess Regular Cottony Soft Non-Wing Sanitary Napkin
Best Non-Wing Napkin
Buy Now
Kotex Freedom Ultrathin Sanitary Napkins
Best Ultrathin Napkin
Buy Now
MAKUKU Ultra-Thin Antibacterial Sanitary Napkin
Best for Overnight Use
Buy Now
Jeunesse Anion Ultra Day Sanitary Napkin
Best Super Absorbent
Buy Now
Kotex Reusable Period Underwear
Best Reusable
Buy Now

Whisper Cottony Soft Sanitary Napkin with Wings

Best Napkin With Wings

Best Period Pads To Protect You From Menstrual Leaks During Red Days | Whisper

Kung naghahanap ka ng menstrual pad na may wings, ang Whisper Cottony Soft ang magandang choice. Tamang-tama ito for daytime use lalo na kapag maraming activities na kailangang gawin. Dahil nga with wings ang napkin na ito, doble ang kapit nito sa underwear kaya hindi mo kailangan mag worry na matanggal ito sa pagkakadikit o mawala sa porma.

Napakalambot nito at presko sa pakiramdam. Mayroon kasi itong libo-libong airflow vents na nag aabsorb ng menstrual fluid kaya napapanatiling tuyo ang pad habang gamit. Bukod pa riyan, ang sanitary napkin na ito ay may regular thickness at length. May light scent din ito na nakakadagdag ng freshness.

Features we love:

  • With wings
  • Light scent
  • Airflow vents

Modess Regular Cottony Soft Non-Wing Sanitary Napkin

Best Non-Wing Napkin

Best Period Pads To Protect You From Menstrual Leaks During Red Days | Modess

May mga kababaihan namang mas komportable sa paggamit ng napkin na walang wings. At ang best pick for that, ang Modess Cottony Soft Sanitary Napkin. Ginawa ito para sa mga babaeng may regular flow. Fast-absorbent ito kaya naman makakaiwas ka sa tagos at iritasyon dulot ng basang pad.

Karagdagan, ang napkin na ito ay may normal length at thickness din. Ito rin ay may fit to body design na isang malaking factor din na nakakapagbigay ng superior protection. May powdery scent ang bawat pad na tiyak magugustuhan mo!

Features we love:

  • Fast-absorbent
  • Fit to body design
  • Powdery scent

Kotex Freedom Ultrathin Sanitary Napkins

Best Ultrathin Napkin

Best Period Pads To Protect You From Menstrual Leaks During Red Days | Kotex

Iba rin ang comfort na dulot ng manipis na period pad. Kaya naman kung iyon ang hanap mo, check out Kotex Freedom Ultrathin Sanitary Napkins! Kaya ka nitong bigyan ng 5-in-1 period protection mula sa leakage, wetness, bulging, irritation at odor.

Mayroon itong super absorbent core na kayang mag absorb ng fluid gaya ng pads na may regular thickness. Higit pa riyan, napakalambot nito at lightweight kaya naman komportable gamitin. Ang thickness ng pad na ito ay 0.8 mm lamang.

Features we love:

  • 5-in-1 period protection
  • 0.8 mm thickness
  • Super absorbent core

MAKUKU Ultra-Thin Antibacterial Sanitary Napkin

Best for Overnight Use

Best Period Pads To Protect You From Menstrual Leaks During Red Days | Makuku

Para naman sa overnight protection from period leak, sagot ka ng Makuku Ultrathin Sanitary Napkin. Mayroon itong length na 290 mm, mas mahaba kumpara sa regular pads. Ang thickness naman nito ay 0.7 cm lamang kaya naman para bang wala kang gamit na pad kapag suot mo ito.

Bukod pa riyan ay antibacterial din ang sanitary napkin na ito. Mayroon itong antibacterial polymer na nakakapagpababa ng chance ng bacterial growth kaya naman safe ka sa infection at irritation. Sinamahan pa ito ng Calendula plant extract na may antibacterial property rin at kakayahan din magdeodorize para iwas odor. Soothing din ito at skin-friendly.

Features we love:

  • Extra long
  • Manipis
  • Antibacterial at may Calendula plant extract

Jeunesse Anion Ultra Day Sanitary Napkin

Best Super Absorbent

Best Period Pads To Protect You From Menstrual Leaks During Red Days | Jeunesse

Nakakaranas ka ba ng heavy flow? Pumili ng period pad na super absorbent kaya na lamang ng Jeunesse Anion Sanitary Napkin. Gawa ito sa highly absorbent polymer na kayang maghold ng menstrual fluid para iwas leak. Napakalambot din nito kaya naman komportable sa balat.

Higit pa riyan, mayroon itong anion strip na nakakatulong sa pagpatay ng bacteria kaya tiyak na makakaiwas ka sa infection o anumang iritasyon. Sterilized din ang bawat pad nito kaya naman safe gamitin. Breathable rin ang bottom layer nito para sa mas preskong pakiramdam.

Features we love:

  • Super absorbent
  • Anion strip
  • Breathable

Kotex Reusable Period Underwear

Best Reusable

Best Period Pads To Protect You From Menstrual Leaks During Red Days | Kotex Period Underwear

Maliban sa period pads, may mga reusable period underwear din na mabibili sa market gaya na lamang ng produktong ito from Kotex. Gawa ito sa cotton material na napakalambot at nakakapagbigay ng ultimate comfort at protection. Kaya nitong makaabsorb ng menstrual fluid na katumbas ng dalawang pads.

Hindi rin dapat ipag-alala ang odor dahil mayroon itong quick dry and odor control feature. Water resistant din ang fabric nito. Higit sa lahat, kaya nitong magbigay ng proteksyon sa loob ng 8 hours.

Features we love:

  • Reusable underwear
  • Quick dry and odor control feature
  • Gives protection up to 8 hrs

Price Comparison Table

Brands Pack size Price Price per piece
Whisper 32 pads Php 155.00 Php 4.84
Modess 20 pads Php 102.00 Php 5.10
Kotex 48 pads Php 240.00 Php 5.00
Makuku 24 pads Php 221.00 Php 9.21
Jeunesse 24 pads Php 238.00 Php 9.92
Kotex Period Underwear 1 piece Php 1,150.00 Php 1,150.00

Care Tips During Red Days

Mahalagang bigyan ng extra care ang sarili habang may menstruation o regla. Ito ang panahon na mas sensitive ang iyong emosyon at maging ang iyong balat. Maaari ring makaranas ng iba pang discomfort gaya ng menstrual cramps. Kaya naman narito ang ilang mga care tips na maaari mong sundin kapag may buwanang dalaw:

Best Period Pads To Protect You From Menstrual Leaks During Red Days

  • Gumamit ng tamang menstrual product na magbibigay proteksyon sa’yo mula sa period leaks. Ilan sa mga ito ay ang period pads, menstrual cup, tampons at reusable period underwear.
  • Magpalit ng sanitary napkin o tampon sa tuwing ito ay puno na upang maiwasan ang iritasyon o infection.
  • Maging malinis sa katawan. Gumamit ng feminine wash na ginawa para sa menstruation.
  • Magkaroon ng sapat na pahinga.
  • Magrelax at huwag magpakastress.
  • Kapag nakaranas ng menstrual cramps o di kaya ay dysmenorrhea, gumamit ng hot compress at i-apply sa bandang tyan at puson.

Sa pagsunod ng mga care tips na ito, mas magiging maginhawa ang iyong pakiramdam sa panahong ikaw ay may buwanang dalaw.

Sinulat ni

Teresa Alcantara