Ngayong tag-ulan, hindi ka lamang dapat handa sa malakas na ulan. Kailangan mo rin paghandaan ang pagbaha. At ang paglusong sa baha ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit sa balat o di kaya ay serious health risks na nakamamatay.
Makakatulong ang pag gamit ng rain boots upang makaiwas sa sakit mula sa tubig baha. Kaya naman kung naghahanap ka ng best rain boots para sa’yo at sa buong pamilya, patuloy na magbasa! Inilista namin ang magagandang brands ng rain boots na mabibili mo online.
Talaan ng Nilalaman
Paano pumili ng best rain boots
Narito ang ilan sa mga factors na dapat mong isaalang-alang sa pagpili ng bota:
Tibay at Safety
Upang masigurado na hindi madaling mabutas ang bota na gagamitin kapag lumusong sa baha, tiyaking gawa ito sa dekalidad na materyales. Mahalaga rin na non-slip ito para makaiwas sa pagkadulas at iba pang aksidente.
Para Kanino
Sa dami ng uri ng bota na mabibili mo sa market, napakahirap pumili ng swak para sa’yo. Kaya naman dapat ay isaalang-alang ang pangangailangan ng taong gagamit.
Kung ito ay para kay daddy, mas magandang piliin ang long tube para mabigyan ng proteksyon ang tuhod hanggang paa.
Kung para naman ito kay mommy, may mga stylish rain boots na safe gamitin.
At kung para naman ito sa iyong chikiting na pumapasok sa school, may mga bota na ginawa para sa bata na may cute designs, non-slip at napaka komportable isuot.
Comfort
Mahalagang komportable ka sa gagamitin mong bota. May mga rain boots na kapag matagal ginamit ay masakit sa paa. Mayroon din namang napakasikip ng fit at mahirap isuot at hubarin. Kaya naman di rin dapat ipagsawalang bahala ang factor na ito sa pagpili.
Best Rain Boots in the Philippines
Tolsen Rain Boots
Best Overall
Una sa aming listahan ay ang unisex rain boots na ito from Tolsen. 100% waterproof ito kaya naman siguradong protektado ang iyong paa mula sa tubig baha. Bukod pa riyan ay may anti-slip sole rin ito kaya’t safe na safe ito gamitin.
Ito ay may taas na abot hanggang ilalim ng tuhod. Gawa ito sa virgin PVC material kaya naman malambot at matibay. At dahil sa materyales na ginamit, ang bota na ito ay oil, acid at alkali-resistant din. Sa kabila ng pagiging matibay nito ay komportable pa rin ito suotin. Available ito mula sa size na 7.5 hanggang 11.5 US size.
Features we love:
- Unisex
- Waterproof, oil, acid at alkali-resistant
- May anti-slip sole
Stephen Joseph Rain Boots
Best for girls
Ito naman ang perfect choice for your little school girl! Ang Stephen Joseph Rain Boots for Girls. Siguradong magugustuhan ng iyong anak ang cute at colorful designs na mayroon ito. Available ito sa designs na unicorn, mermaid, butterfly, rainbow, floral at leopard.
Gawa ito sa high quality rubber at polyester materials na matibay. Malambot din ito kaya naman hindi mo problema ang pananakit ng paa ng iyong chikiting habang suot ito. Higit sa lahat, hindi rin madulas ang sole nito at ito ay easy-to-clean.
Features we love:
- Cute designs
- Hindi madulas
- Malambot at matibay
Stephen Joseph Rain Boots (Boys)
Best for boys
Mayroon din kaming recommended rain boots for boys. Ito ay mula pa rin sa Stephen Joseph. Magaganda rin ang designs ng mga bota ng brand na ito na swak para sa mga batang lalaki. Available ito sa designs na cars, shark, warrior, space, construction at dinosaur.
Bukod sa pagiging matibay at non-slip dahil sa materyales nito na rubber, may handy loops din ito na nakakatulong sa mga kids upang maisuot ang bota ng madali. At pagdating naman nga sa comfort ay panalong-panalo ang Stephen Joseph na brand kaya naman tiwala rin ang maraming parents dito.
Features we love:
- Cute designs for boys
- May handy loops para madaling maisuot
- Subok na ng maraming magulang
Long Tube Women’s Boots
Best for women
Para naman sa mga kababaihan ang long tube boots na ito. Stylish ang bota na ito at madaling bumagay sa maraming outfits. Mayroon itong designs gaya ng flowers, polka dots at iba pang patterns.
Long tube ang bota na it0 kaya naman makakapagbigay ito ng proteksyon mula sa mataas na tubig baha. Gawa rin ito sa rubber kaya naman hindi madulas ang sole. Mabibili rin ito sa sizes na akma sa paa ng babae.
Features we love:
- Stylish
- Panlaban sa mataas na tubig baha
- Non-slip sole
Men’s high tube rain boots
Best for men
Perfect choice naman para sa mga kalalakihan ang high tube na bota. Nakakapagbigay ito ng proteksyon mula tuhod hanggang paa kaya’t kahit ilusong mo pa ito sa mataas na baha ay hindi ka basta-basta mababasa. Black lamang ang available na kulay ng botang ito at mabibili sa mga sizes na akma sa sukat ng paa ng lalaki.
Kung tibay din naman ang pag-uusapan ay panalo ang high tube rain boots na ito. Gawa ito sa rubber at hindi rin madulas ang sole gaya ng ibang bota. Ang kagandahan pa rito bukod sa pagiging waterproof ay malambot ito at magaan kaya naman napaka komportableng gamitin.
Features we love:
- High tube
- Gawa sa rubber
- Malambot at lightweight
Black low cut boots
Best low cut
Kung ang hanap mo naman ay low cut boots, perfect choice ito! Unisex din ang bota na ito at available sa mga sizes na akma para sa babae at lalaki. Gawa ito sa PVC material kaya naman makakasigurado kang hindi ito madaling masira.
Higit pa riyan ay magaan ito at napakadaling bitbitin. Mabilis lamang din itong patuyuin kapag nabasa o di kaya ay nilinisan. At gaya rin ng ibang rain boots dito sa aming listahan, komportable rin ito suotin dahil ito ay malambot.
Features we love:
- Low cut
- Unisex
- Lightweight at easy to carry
Price Comparison Table
Brands | Price |
Tolsen | Php 745.00 |
Stephen Joseph – Girls | Php 1,460.00 |
Stephen Joseph – Boys | Php 1,460.00 |
Long Tube Women’s Boots | Php 189.00 |
Men’s High Tube Boots | Php 165.00 |
Low cut rain boots | Php 185.00 |
Tips para makaiwas sa mga sakit dulot ng baha
Ito ang mga tips na maaari mong sundin upang maiwasan ang iba’t ibang sakit na maaaring makuha sa paglusong sa baha:
- Gumamit ng bota kapag lulusong sa baha.
- Linisin kaagad ang katawan lalo na ang kamay at paa. Gumamit ng antibacterial soap at banlawan ito maigi.
- Punasan at patuyuin ang paa. Lagyan ng alcohol ang bahagi ng katawan na nailusong sa baha.
- Huwag lumusong sa baha kapag may sugat sa tuhod o paa upang maiwasan ang leptospirosis.
Bukod pa rito, magandang uminom ng multivitamins araw-araw upang mapalakas ang resistensya. Huwag kakalimutan magbaon ng payong o raincoat lalo na ngayong tag-ulan. Palaging ingatan ang sarili at ang kalusugan!