X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bettinna Carlos sa mga inang nakaranas ng miscarriage tulad niya: “May you too find peace...”

4 min read

Bettinna Carlos nakaranas ng miscarriage sa unang anak sana nila ng mister na si Mikki Eduardo. Bettinna may mensahe sa mga inang tulad niya na nawalan ng anak habang ito ay ipinagbubuntis pa lang.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bettinna Carlos on miscarriage.
  • Mensahe ni Bettinna Carlos sa mga babaeng nakunan tulad niya.

Bettina Carlos suffers miscarriage

bettinna carlos suffers miscarriage

Image from Bettinna Carlos Facebook account

Nakunan ang aktres at host na si Bettinna Carlos. Ito ang malungkot na balitang ibinahagi ni Bettinna sa kaniyang Instagram account kahapon.

Hindi idinetalye ni Bettinna kung kailan siya nakunan at ilang buwan ang kaniyang dinadala ng mangyari ito. Pero sa kaniyang Instagram post ay makikita ang pregnancy test na may positive result at sonogram na kuha nitong January 28 lamang.

Sa kaniyang Instagram ay ito ang bungad na sabi ni Bettinna.

“We were pregnant and then no more.”

Sunod ay nagbigay siya ng mensahe sa mga babaeng tulad niya ay nakunan at hindi man lang nahawakan ang anak nila. Hiling niya sana tulad niya ay maging payapa na rin ang mga isip nila.

Sapagkat hindi napunta sa wala ang buhay ng kanilang sanggol at may purpose ang Panginoon kung bakit ito nangyari. Dagdag niya pa, hindi dapat huminto ang buhay ng dahil sa naranasan. Sa halip, magpatuloy na naayon na rin sa plano ng Diyos para sa ‘yo.

“To all the mothers who have lost their children before they could even hold them, feel them, see them (in the flesh or ultrasound), may you too find peace in this: God’s purposes for the lives of our unborn children were fully fulfilled however long or short they were IN us. Their lives did not go to waste.”

“And in the same way, YOU, if you are still breathing that means God’s purpose for you is not yet fulfilled-hence your very life and every breath.”

Sa huli, nagpasalamat si Bettinna sa Diyos. Sapagkat kahit hindi man lang niya nahawakan ang anak ay binigyan siya nito ng saya at pag-asa kahit sa maikling sandali.

“Lord, you were so gracious in giving to us and You are still good even in taking away. Thank you for the fresh hope and new joy You gave us even for a very short while.

Thank you for the assurance that one day, in heaven, we will see and be with our child. And thank you for what You give when You take away. What we gain from this loss.”

Ito ang sabi pa ni Bettinna sa kaniyang post.|

Reaksyon ng mga netizen

Maraming celebrity mom naman ang nalungkot sa ibinahaging ito ni Bettinna. Sila’y nagpadala ng kanilang mahigpit na yakap at pagmamahal sa aktres.

bettinna carlos suffers miscarriage

Mensahe ng mga kaibigan ni Bettinna Carlos matapos siyang makaranas ng miscarriage/Image from Instagram

May ilang mommy netizens rin ang naka-relate sa aktres. Ito ang kanilang nasabi sa kaniya.

“I had miscarriages as well twice in one year (2021). I hope this year will be our lucky year by God’s grace. We just trust him. He will give it to us at the right time.”

“I too lost my baby during my first pregnancy. But we are blessed with a daughter now. God’s plan will always be better than ours.”

“I share the same journey with you. Stay strong! Our angels are both enjoying paradise.”

BASAHIN:

Mister ni Bettina Carlos, ‘di lang sa aktres nag-propose kundi pati na rin sa anak niya

Single mom Bettina Carlos shares the tantrum-controlling technique that always works for her!

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kinailangang mag-isolate para maprotektahan ang pagbubuntis sa kanilang unang baby

Bettinna Carlos married life

bettinna carlos kasama ang mister na si mikki at anak na si gummy

Image from Bettinna Carlos Facebook account

Oktubre ng nakaraang taon ng i-anunsyo ni Bettina Carlos na siya ay engaged na sa non-showbiz boyfriend niyang si Mikki Eduardo.

Hanggang noong December 2, naganap ang araw na pinakahihintay nila at sila’y ikinasal. Ang kasal ay ginanap sa pamamagitan ng isang Christian garden wedding sa Tagaytay.

Ayon kay Bettinna, nagpasalamat siya na naikasal sa mister na si Mikki Eduardo. Ito raw ay answered prayer para sa kaniya.

Subalit maliban sa saya na idinulot ng kaniyang kasal sa lalaking kaniyang pinakamamahal, may isa pang bagay na labis na ipinasasalamat si Bettina sa pagdating ni Mikki sa buhay niya.

Ito’y ang kagustuhan nito na maging ama rin sa 9-anyos niyang anak na si Gummy. Isang bagay na ipinakita at pinatunayan ni Mikki ng mag-propose ito sa kaniyang anak na maging bagong ama nito isang araw bago ang kanilang kasal.

Si Gummy ay anak ni Bettinna sa nauna nitong karelasyon.

Kahapon sa kaniyang Instagram account pa rin ay ibinahagi ni Bettinna ang isang sulat mula sa mister na si Mikki. Ang nilalaman ng sulat ay ang paghanga nito sa katapangan niya at pagbati sa kanilang 14th monthsarry matapos magpakasal.

Bettinna Carlos sa mga inang nakaranas ng miscarriage tulad niya: May you too find peace...

Image from Instagram

 

Instagram

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Bettinna Carlos sa mga inang nakaranas ng miscarriage tulad niya: “May you too find peace...”
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.