Bianca King ikinuwento na naging boyfriend niya ang mister na si Ralph Wintle sa mismong araw na nagkakilala sila

Alamin dito ang kanilang love story.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bianca King at husband na si Ralph Wintle nagsimula ang love story sa kasal ng aktres na si Iza Calzado. Narito ang kuwento.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Bianca King and husband Ralph Wintle love story.
  • Kasal ni Bianca at Ralph.

Bianca King and husband Ralph Wintle love story

Larawan mula sa Facebook account ni Bianca King

Sa isang panayam ay ikinuwento ng aktres na si Bianca King kung paano nagsimula ang love story nila ng husband niyang si Ralph Wintle. Ayon kay Bianca, bago pa man niya nakilala si Ralph ay naikukuwento na ito sa kaniya ng kaibigang si Iza Calzado. Sa katunayan ay marami daw ang nagsasabi sa kaniya na dapat ay makilala niya ito dahil kapwa sila noon single at bagay umano sa isa’t-isa. At noong 2018 ay nakilala niya daw si Ralph sa kasal ng kapatid nitong si Ben at kaibigang si Iza.

“Hinanap ko na kung sino ‘yung Ralph, so nung buong gabi na ‘yun, I was observing him na. So nung nagspeech siya, ayun, may hearts na ‘ko sa mata ko.”

“May mga iba pang single girls dun na apparently, the previous day, inilalako din sa kanya. So, after ng speech na ‘yun, gumanun na ako sa kanya sa dance floor, binakuran ko siya. I made sure walang ibang single girls na makalapit, akin na ‘to.”

Ito ang pagkukuwento ni Bianca na sinabing para sa kaniya total package ang mister niyang si Ralph. At sinabi niya sa isip na ito ay ang magiging next boyfriend niya na noong mismong araw na nakilala niya ito.

Magmula nga daw noong nagkakilala sila ni Ralph ay nagkaroon na sila ng understanding at naging madalas na ang kanilang pagkikita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Bianca King

Kasal ni Bianca at Ralph

Bagamat nasa 30s na si Bianca ng makilala si Ralph ay wala pa naman daw dapat sa plano niya ang magpakasal. Pero alam niyang seryoso na ang relasyon nila, lalo pa’t nagpapalitan sila sa pagbisita sa isa’t-isa. Si Ralph nagpupunta sa Manila para makita siya at siya naman ay nagpupunta ng Australia para bisitahin ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero nagbago ang lahat ng ito ng magbakasyon siya sa Australia noong 2020. Tumagal daw ang stay niya doon dahil sa pandemic at pagkaka-cancel ng mga flights niya. At alam niyang kapag bumalik siya ng Pilipinas ay may posibilidad na hindi na siya makabalik pa ulit sa Australia. Doon na nabuksan ang ideya ng kasal sa kanila ni Ralph. At hindi niya daw pinagsisihan ito, sapagkat mabuting tao si Ralph pati na ang buong pamilya nito.

“If I had left, I wouldn’t have been allowed to enter Australia again, so I basically gave up everything. Gave up my life in the Philippines without ever flying back to pack my own stuff.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Bianca.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca King

Naging very simple ang kasal nila Bianca at Ralph na ginanap sa living room ng bahay nila sa Australia. Naiwan man ang career at glamorous niyang buhay sa Maynila, ayon kay Bianca ay wala siyang pinagsisihan. Dahil sa ngayon masaya siya at contented sa buhay na mayroon sila ni Ralph. Lalo pa’t sila ay nabiyayaan rin ng very cute na baby girl na si Sadie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement