Challenging umano ang pagiging first time parents para kay Bianca King at sa asawang si Ralph Wintle.
Parenthood para kay Bianca King: Crazy, beautiful season
Ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram ang mga larawan nila ng kaniyang asawang si Ralph Wintle kasama ang kanilang anak. Aniya sa Instagram post, “This crazy beautiful season of our lives as new parents. It’s still sinking in.”
Mas challenging umano ang pagiging new parents kompara sa kanilang inaakala. Saad ni Bianca King, “We both agreed – it’s much harder than what we thought it would be.”
Dagdag pa ng aktres, sinusubok umano silang mag-asawa ng pagiging mga magulang. Pero sa kabila ng mga pagsubok kapwa sila natututo sa kanilang bagong karanasan.
“It tests us every day, not everyday is pleasant but at the end of it, we become better people.”
March 29, 2023 nang i-anunsyo ni Bianca King sa publiko sa pamamagitan din ng Instagram post ang kaniyang panganganak.
Breastfeeding at co-sleeping
Sa mas recent na Instagram post ng aktres, sinabi rin nito kung paanong breastfeeding ang kaniyang most important task sa ngayon.
Sa nasabing larawan nakasuot si Bianca ng pull down feeding bra habang karga-karga niya ang kaniyang anak. Mayroon pa nga itong advice sa mga tulad niyang mommy. Aniya,
“I’m all about feedwear these days! Pregnancy wardrobe advice: buy pants and tops that can take you from pregnancy to post-partum!
Marami raw siyang itinabing mga damit dahil hindi friendly sa kaniyang breastfeeding journey.
“Breastfeeding is my most important task at the moment so anything to make myself more comfortable and be able to do it longer, I’m all in,” saad ni Bianca King.
Samantala, sa kahiwalay na IG post, ibinahagi rin ng aktres ang co-sleeping set up nila ng kaniyang anak. Kung saan makikitang mayroong co-sleeping bassinet sa gilid ng kanilang kama.
“We feel safer having a co-sleeper bassinet by our bedside. Apart from the convenience for night care and feeding, we can easily spy on our baby and reach out when we hear fussing. I almost sleep with one eye open.”