X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Becoming a Parent
    • Trying to Conceive
    • Pregnancy
    • Delivery
    • Losing a Baby
    • Project Sidekicks
  • Ages & Stages
    • Baby
    • Toddler Years
    • Preschool Age
    • Kids
    • Preteen & Teen
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • News
    • Relationship & Sex
  • Health & Wellness
    • Diseases & Injuries
    • Allergies & Conditions
    • Vaccinations
  • Education
    • Preschool
    • K-12
    • Special Education Needs
  • Lifestyle Section
    • Celebrities
    • Contests & Promotions
    • Home
    • Travel and Leisure
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Money
  • Become a VIP
  • COVID-19
  • Press Room
  • TAP Recommends
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bianca King: “Gusto ko 'yong thrill na hindi ko alam kung ano 'yong magiging gender ng anak namin.”

5 min read

Bianca King piniling hindi muna malaman ang gender ng kaniyang baby. Wala pa rin daw silang naiisip ng kaniyang mister na ipapangalan sa magiging anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Bianca King gustong ma-surprise sa gender ng kaniyang baby.
  • Pagbubuntis ni Bianca King.
  • Love story ni Bianca King at mister na si Ralph Wintle.

Bianca King gustong ma-surprise sa gender ng kaniyang baby

bianca king hindi pa alam ang gender ng kaniyang baby

Larawan mula sa Facebook account ni Bianca King

Nasa second trimester na ng kaniyang pagbubuntis ang aktres na si Bianca King sa kaniyang first baby. Pero ayon sa soon-to-be mom, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam ng mister na si Ralph Wintle ang gender ng kanilang ipinagbubuntis na sanggol. Dahil si Bianca gusto daw na masorpresa kung boy o girl ang anak niya.

“Parang it’s the biggest surprise you’ll have in your life and I love surprises big or small. Gusto ko ‘yong thrill na hindi ko alam kung ano ‘yong magiging gender ng anak namin.”

Ito ang sabi ni Bianca na wala pa rin daw naiisip na pangalan sa kanilang baby. Ang balak niya pangalanan ang anak kapag naipanganak na ito.

“Saka ang hirap mag-isip ng pangalan. Parang we waste so much time online kaya sabi ko maybe we name the baby after we meet the baby.”

Ito ang sabi pa ni Bianca sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas sa podcast nitong Updated With Nelson Canlas.

Pagbubuntis ni Bianca King

Si Bianca binalikan rin ang mga oras na nalaman niyang siya ay buntis. Hindi tulad ng iba na sinisikreto muna ito, si Bianca agad na ipinagsabi ang magandang balita sa mga kaibigan niya. Dahil si Bianca hindi makapaniwala na nabuntis siya. Pagbabahagi kasi ng aktres ay nagplaplano na talaga sila ng mister na si Ralph na magkaanak sa pamamagitan ng in vitro fertilization o IVF.

“On the day of my first missed period sinabi ko na sa mga kaibigan ko. Kasi feeling ko kailangan ko ‘yong support system kasi hindi ako makapaniwala talaga. Kasi we were gonna do IVF eh so ako parang ‘Ha, How is this happening?’ I was in total shock talaga.”

Kuwento pa ni Bianca, sa first trimester ng kaniyang pagbubuntis ay nahirapan siya. Ngunit sa ngayon na siya ay nasa second trimester na ay medyo relax na ang pagbubuntis niya.

Pagdating naman sa kaniyang panganganak ay may birth plan na si Bianca. Ang balak niya manganak sa pamamagitan ng water birth. Ito ay para mas maramdaman niya daw ang beauty ng pagsisilang ng kaniyang sanggol.

“My goal is to have an intervention-free, drug-free natural birth. Yung allow the labor to happen its own time. Don’t induce me.”

Ito ang sabi pa ni Bianca.

Love story ni Bianca at mister na si Ralph

Bianca King with Iza Calzado

Larawan mula sa Facebook account ni Bianca King

Sa parehong podcast ay ibinahagi rin ni Bianca kung paano niya nakilala ang mister na si Ralph. Ito ay ang kapatid umano ng mister ni Iza Calzado na si Ben. At nakilala niya ito sa kasal ng dalawa na pagbabahagi ni Bianca ay nakinita niya ng mangyayari. Bagamat sabi pa niya noong mga oras na iyon ay masaya siya at contented sa kaniyang buhay single.

“Hindi na ako naghahanap ng boyfriend eh, parang sobrang saya ko na mag-isa nun. Nandoon na ako sa mindset na ‘yun na, if it happens, it happens, if it doesn’t I love my single life. Like I was my healthiest self. My mind, my body was my own. I was traveling the world. I really wasn’t expecting anything.”

“Pero on my way there sabi ko I might meet someone there. So nung nakita ko na siya doon sa wedding, when he was giving his speech, he’s so eloquent. He’s so funny, so good looking. Sabi ko, that’s my next boyfriend.”

Ito ang pagkukuwento ni Bianca sa naging pagkakilala nila ng mister na si Ralph.

Ibinahagi niya rin kung paano naging very simple ang naging kasal nila. Sa mga nauna niya ng Instagram post ay ipinakita ni Bianca ang larawan ng kanilang kasal na ginanap sa living room lang ng kanilang bahay. Kuwento ni Bianca, siya lang mismo ang nag-arrange ng bulaklak sa kanilang kasal. Pinili rin nila na gawing simple lang ito para makatipid na isang bagay daw na napagkasunduan nila ng kaniyang mister.

“Sa wedding namin, kung ano lang kailangan namin. Ang handa lang namin sa wedding namin is cookies and coffee. That’s it for the handful of people that was there for the ceremony itself. Tapos nung nag-lunch kami sa labas close to 10 people na kami.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Bianca sa naging kasal nila ng kaniyang mister.

bianca king with husband Ralph

Larawan mula sa Facebook account ni Bianca King

Si Bianca at mister na si Ralph ngayon ay kasalukuyang nasa Australia ngayon. Doon rin hinihintay at balak ng aktres na maisilang ang kaniyang first baby.

Updated with Nelson Canlas

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Got a parenting concern? Read articles or ask away and get instant answers on our app. Download theAsianparent Community on iOS or Android now!

img
Written by

Irish Mae Manlapaz

Become a Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Bianca King: “Gusto ko 'yong thrill na hindi ko alam kung ano 'yong magiging gender ng anak namin.”
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Get advice on your pregnancy and growing baby. Sign up for our newsletter
  • Pregnancy
    • Baby
    • Breastfeeding & Formula
    • Baby Names
    • Delivery
  • Parenting
    • Parent's Guide
    • Advice for Parenting Kids
    • Relationship & Sex
  • Lifestyle Section
    • Local celebs
    • Celebrities
    • Money
    • News
  • FAMILY & HOME
    • Couples
    • Weekend & Holiday Guide
    • Health
  • Building a BakuNation
    • More
      • TAP Community
      • Advertise With Us
      • Contact Us
      • Become a Contributor


    • Singapore flag Singapore
    • Thailand flag Thailand
    • Indonesia flag Indonesia
    • Philippines flag Philippines
    • Malaysia flag Malaysia
    • Sri-Lanka flag Sri Lanka
    • India flag India
    • Vietnam flag Vietnam
    • Australia flag Australia
    • Japan flag Japan
    • Nigeria flag Nigeria
    • Kenya flag Kenya
    © Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
    About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
    • Tools
    • Articles
    • Feed
    • Poll

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    We use cookies to ensure you get the best experience. Learn MoreOk, Got it

    theAsianparent heart icon
    Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.