Bianca Lapus parang first time mom ulit matapos manganak ng premature sa kaniyang 4th baby. Ito ay ibinalita ng aktres sa pamamagitan ng isang Instagram post.
Sa post na ito ni Bianca sa kaniyang IG account ay sinabi niyang ika-Day 20 na nila sa ospital ng kaniyang baby. Ito ay matapos manganak ng premature dahil sa kumplikasyon sa pagbubuntis na preeclampsia.
Sa naturang post ay makikita ang isang larawan na karga-karga ni Bianca ang kaniyang baby na nasa loob ng NICU o Neonatal Intensive Care Unit para maibigay ang special needs nito.
Ayon parin kay Bianca, ngayon lang siya nakapagpost dahil sa matinding sakit at hirap na kaniyang pinagdaanan. Nagpapasalamat din siya sa mga taong tumulong at sumuporta sa kanila ng kaniyang preemie baby lalo na sa mga doktor at nurses na ayon sa kaniya ay kanilang life saver.
“It’s been a while since i last posted on my feed because i have been in pain and going through emotional roller coaster lately but God blessed me with people who have been taking care of me, supporting & showering me and my little preemie with so much love ❤ Thank you to my prayer warriors too 🙏 some have been sending me messages of encouragement & guidance. Some have been offering breastmilk and other ways to help.”
“A special shout out to all the Doctors,Nurses,Nurse Aids,staff and interns of UERM esp to the one who injected my unforgettable experience with #magnesiumsulfate & kept checking my BP , the charming Doctor @jvilaovillena 😛 my anesthesiologist/photographer Dra. Aure , our Very hands on Pedia Dr. Salazar & most of all our good friend , life saver & best O.B ever Dr. @rquillamormd i would’ve died in Fear more than what i’ve been through if he wasn’t my doctor and that’s the truth.”
Inunahan na rin ni Bianca ang paghingi ng paumanhin sa kaniyang mga followers dahil mapupuno daw ang mga feeds ng mga ito sa susunod na mga araw. Ito ay dahil gusto niyang mai-share ang unforgettable at life changing journey na ito sa kaniyang buhay.
Ang mga susunod na mga post daw ni Bianca ay para magbigay din ng awareness tungkol sa preeclampsia na dahilan ng kaniyang maagang panganganak. Pinuri rin naman ni Bianca ang strength ng kaniyang 4th baby na pinangalanan niyang Ethan na everyday ay mas nagiging maayos at healthy ang kalagayan.
“Forgive me but i will probably fill your feeds in the coming days about this journey and about my #StrongEthan 😊 and how my life has changed. Let me share a little piece of it and also to bring awareness about #preeclampsia & taking care of a preemie. It feels like im a 1st time all over again though he is my 4th son.”
Bianca Lapus preeclampsia journey
Ang preeclampsia ay isang kumplikasyon sa pagbubuntis na kung saan tumataas ang blood pressure ng isang babaeng nagdadalang-tao. Ito ay madalas na nangyayari matapos ang ika-20th week ng pagbubuntis na kadalasang nakakaapekto rin sa iba pang bahagi ng katawan gaya ng atay at kidneys.
Kung hindi maaagapan ang kondisyon na ito ay maaring magdulot ng kapahamakan sa buhay ng ina at ng kaniyang baby.
Sa sitwasyon nga ni Bianca ay kailangan niyang maisilang ang kaniyang anak ng mas maaga. Talagang pinahirapan nga daw siya ng kondisyon na ito na nagdulot rin ng postpartum depression sa kaniya. Sa isa niya ngang Instagram story ay sinabi niyang ipinayo ng kaniyang kaibigan na psychologist na i-share ang day by day journey niya at ng kaniyang baby upang matulungan at ma-inform din ang iba pang mommies sa pinagdaanan niya at para narin unti-unti siyang makacope-up sa depression na nararanasan niya.
Sa isa pa ngang Instagram story ay makikitang umiiyak si Bianca dahil sa pagkakamiss sa kaniyang mga anak na naiwan sa kanilang bahay at sa kaniyang preemie baby na nasa NICU.
Super thankful at blessed nga si Bianca sa mga taong nasa paligid nila lalo na sa kaniyang partner na si Jimmy Velasquez na hindi siya iniwan mula sa umpisa ng kaniyang preeclampsia journey habang inaalagaan rin ang iba pa niyang mga anak.
“Thank you for your patience & love & being my everyday bantay. pero eto na talaga….. ang taong nagparealize sakin na dapat akong maniwala sa Forever haha! my Boo @superjim08 ❤ i don’t know how you do it! juggling work, taking care of me and the kids and many other things….You are the strongest, hardworking, loving hubby & kindest father to our kids. i can never thank you enough for standing by me, just holding my hand & praying we will get through this. I love you so much. Thank you for making my dream come true…for giving me an intact Family ❤❤❤”
Dahil nga sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagchecheer-up sa kaniya ay patuloy na lumalaban si Bianca sa depression na kaniyang nararanasan. Umaasa din siya na ang kaniyang journey na ito ay makakatulong rin sa iba pang mommies para ma-encourage at ma-inspire sila na huwag maggive-up at maging positive lang sa kabila ng mga problema at pagsubok na pinagdadaanan.
Samantala, ang preeclampsia ay isang kondisyon na umaapekto sa 5 to 8 percent ng pagbubuntis. Ang mga babae namang mas mataas ang tiyansa o at risk na maranasan ito ay ang mga sumusunod:
- First time moms
- May previous experience na sa gestational hypertension o preeclampsia
- May kapatid o nanay na may history ng preeclampsia
- Nagdadalang-tao sa higit sa isang sanggol
- May edad na mas bata sa 20 years old at mas matanda sa 40 years old
- Mayroong high blood pressure o kidney disease bago magbuntis
- Obese na may BMI na 30 o mas mataas pa
Ang mga sintomas ng preeclampsia ay ang sumusunod:
- High blood pressure
- Protein sa urine o ihi
- Sakit ng ulo
- Fatigue o labis na pagkapagod
- Blurred vision
- Pagsusuka
- Pananakit sa upper right abdomen
- Shortness of breath
- Pag-ihi ng pakonti-konti
Kung nagdadalang-tao at nakaranas ng sumusunod ay agad na magpunta sa doktor upang malaman kung ito ay kaso na ng preeclampsia para maagapan.
Sources: American Pregnancy, The Asian Parent Philippines, PEP.ph
Basahin: Ogie Diaz, inalala ang pinagdaanan ng premature na anak