Bilang isang katolikong bansa, mahalaga para sa mga katolikong pamilya ang pagpapakilala ng pananampalataya sa kanilang mga anak. Para sa panimula, mas makikilala nila ang pananampalataya gamit ang mga tagalog Bible stories na accessible para sa mga parents at anak na Filipino.
Bible stories tagalog
Nais ibahagi sa iyong anak ang salita ng Diyos? Gawin ito sa paraan na mai-enjoy at magiging gabay niya upang lumaki na isang mabuting bata. Ito ay sa pamamagitan ng mga Tagalog bible story na tumutukoy sa pagkakaibigan, pamilya, pagmamahal sa kapwa at iba pa.
Hindi naman natin kailangang kontrolin ang pananampalataya ng ating mga anak. Ang hakbang na pagbasa sa kanila ng mga Tagalog bible story for Filipino children ay isang paraan para malapit ang inyong anak sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya.
Tagalog Bible story para sa mga bata
Para sa mga bata, mahalagang mabasahan sila ng mga Tagalog bible story o biblical excerpts na nakasulat sa Filipino. Mas madaling maituro ang mga aral ng bibliya sa wikang kaya nilang maintindihan. At the same time, ang mga Tagalog bible story para sa mga bata ay nakalaan talaga para sa batang Filipino at kakayahan nilang umintindi sa pamamagitan ng pakikinig.
Kaiba sa children’s story book, may mai-rereflect na pagpapahalagang espiritwal ang bata sa Filipino o Tagalog bible story. Minsan, ang mga Tagalog bible story book na pambata ay mayroon ring mga ilustrasyon na magpapagayak sa mga bata ma mas makinig sa taga-basa. O kung sa mga bata na mas mataas ang edad, ay mas napupukaw na magbasa.
Tagalog Bible story na pambata
Sa ilang mga nagka-edad na, kung tatanungin sila, may mga ilan na noong bata pa sila ay nagmamay-ari sila ng aklat na Tagalog bible story na pambata. Ako bilang nakaranas na magkaroon nito, binabasa ko ito at kung minsan ay binabasahan ako ng aking lolo.
Pagkatapos ng bawat pagbasa, itinatanong niya sa akin hindi ang aral kundi kung paano umakto ang mga tauhan sa Tagalog Bible story na pambata. Kung baga, depende sa bata at nagbabasa kung paano nila maiintindihan at matututunan ang aral sa binabasa sa kanila.
Isa pa, ang pagbabasa sa bata ng Tagalog Bible story na pambata ay ang nagiging spiritual aspect ng bonding ng magkakapamilya.
Filipino o Tagalog Bible story
Ang pinakamahalagang bagay bago dumating sa pagbabasa sa anak ng Filipino o Tagalog bible story ay kung ano ang first language ni baby. Karamihan sa parents ay tinuturuan ang anak ng mother tongue na Filipino.
Kung gayon, kahit na may mabibigat na bagay na tinatalakay sa Filipino o Tagalog Bible story, hindi na mahirap para sa anak na maintindihan ang bible story.
Bible stories about family
May mga ilang excerpt ng story mula sa Tagalog bible para sa mga bata. Maganda itong unit-untiing basahin sa kanila at ipakilala ang aral ng Diyos. Narito ang ilang halimbawa:
1. Ang Kapanganakan ni Hesus
Mateo 1-2; Lucas 1-2
Ang kwento ay tungkol sa mirakulong pagbubuntis kay Hesus at ang kaniyang kapanganakan na siyang sinasabing maglilitas sa mundo.
Basahin ang buong kwento dito.
2. Ang Nawala at Natagpuang Anak
Lucas 15:11-15:32
Ang kwento ay tungkol sa isang alibughang anak na binalewala ang mga pangaral ng kaniyang magulang. Hanggang siya ay magkamali at maligaw ng landas. Dito na-realize ng alibughang anak ang kaniyang pagkakamali. Kaya’t siya ay humingi ng tawad sa kaniyang ama na buong puso nitong tinanggap at ipinagdiwang.
Basahin ang buong kwento dito.
3. Naging Alipin ang Paboritong Anak
Genesis 37, 39
Ang kwento ay tungkol sa naging resulta ng inggit kay Jose ng kaniyang mga kapatid. At kung paano niya ito hinarap at ang iba pang pagsubok na nag-ugat dahil rito.
Basahin ang buong kwento dito.
4. Sinubok ng Diyos ang Pag-ibig ni Abraham
Genesis 22-24
Ang kwento ay tungkol sa kung paano sinubok ng Diyos ang paniniwala ni Abraham sa kaniya sa pamamagitan ng pag-aalay ng buhay ng sarili niyang anak na si Isaac.
Basahin ang buong kwento dito.
5. Ang Batang Pastol na si David
1 Samuel 16-20
Ang kwentong ito ay tungkol sa batang pastol na si David at ang ipinakita niyang pagmamahal sa kaniyang mga kapatid.
Basahin ang buong kwento dito.
6. Si Jacobo Na Mandaraya
Genesis 25-33
Ang kwento ay tungkol sa magkapatid na si Jacob at Esau na kahit na may nagawa mang pagkakamali ang isa sa kanila ay nagawa parin nilang magpatawad at magmahalan.
Basahin ang buong kwento dito.
7. Pinarangalan ng Diyos ang Alipin na si Jose
Genesis 39-45
Ang kwento ay tungkol sa kung paano hindi pinabayaan at tinulungan ni Jose ang kaniyang mga kapatid na nagbenta at gumawa ng masama sa kaniya.
Basahin ang buong kwento dito.
8. Ang Prinsipe Mula sa Ilog
Exodus 2
Sa kwento makikita kung ano ang nagagawa ng pagmamahal ng bawat miyembro ng pamilya sa isa’t-isa pati na sa Panginoon.
Basahin ang buong kwento dito.
Iba pang bible story na pambata na makukuhanan ng aral
May iba pang Tagalog bible story na pambata na hindi maihihiwalay sa pagtuturo sa mga anak ng kabutihang asal. Narito ang iba pang Filipino o tagalog bible stories tagalog na magtuturo ng magandang asal sa iyong anak.
9. Si Noe At Ang Malaking Baha
Genesis 6-10
Ang kwento ay tungkol kay Noe at kung paano nailigtas ng kaniyang paniniwala sa Diyos at barkong ginawa ang buhay ng mga hayop at kaniyang pamilya mula sa isang baha.
Basahin ang buong kwento dito.
10. Ang Pangako ng Diyos Kay Abraham
Genesis 11-21
Ang kwento ay tungkol sa kung paano nailigtas ng pagmamahal ni Abraham sa Diyos at kalikasan ang kaniyang sarili at pamilya.
Basahin ang buong kwento dito.
11. Ang Taong Isinugo Mula sa Diyos
Mateo 3, 14:1-14:13
Ang kuwentong ito ay tungkol sa kung ano ang nagagawa ng paniniwala sa Diyos at pagiging mabuti sa lahat ng oras.
Basahin ang buong kwento dito.
12. Si Hesus ay Pumili ng Labing Dalawang Apostoles
Mateo 4:18-7:29
Ang kwentong ito ay nagbabahagi ng mga aral at paalala ng Diyos sa tao at ang kahalagahan ng pagsasagawa nito sa ating buhay.
Basahin ang buong kwento dito.
13. Si Hesus, ang Dakilang Guro
Mateo 5-7
Sa kwentong ito ay ibinabahagi ni Hesus ang himalang nagagawa ngn pagsunod sa mga aral niya. Ganoon din ang mga masasamang maaring maidulot ng hindi pagsunod sa kaniyang mga utos.
Basahin ang buong kwento dito.
14. Ang Magsasaka at ang Binhi
Mateo 13:1-13:23
Mula sa kwento ay matutunan kung ano ang magandang nagiging resulta ng paggawa ng mabuti. At kung ano ang nagiging papel ng bawat bagay sa ating kapaligiran sa ating buhay.
Basahin ang buong kwento dito.
15. Ang Mayaman at ang Dukha
Lucas 16
Ang kwentong ito ay nagpapakita na kumpara sa pagpapayaman mas mahalaga ang paggawa ng mabuti sa iyong kapwa habang ikaw ay nabubuhay. Dahil ang iyong yaman ay hindi mo madadala sa iyong kamatayan at hindi ka nito maliligtas. Hindi tulad ng paggawa ng mabuti na magiging daan upang mapunta at matikman ang kaginhawaan sa langit.
Basahin ang buong kwento dito.
16. Ang Mabuting Samaritano
Lucas 10:25-10:42
Sa kwentong ito ay ipinakita ng Diyos kung paano niya ikinararangal ang mga taong matulungin sa kaniyang kapwa sa anumang pagkakataon.
Basahin ang buong kwento dito.
17. Hinimpil ni Hesus Ang Bagyo sa Kadagatdagatan
Mateo 8:23-8:27
Ipinapakita sa kwento kung paano maililigtas ng pananampalataya sa Diyos ang mga tao pati ang buong mundo.
Basahin ang buong kwento dito.
18. Ang Langit, ang magandang tahanan ng Diyos
Juan 14:1-14:6
Ang kwentong ito ay tungkol sa kagandahan ng langit na inihahanda ng Diyos para sa mga anak niyang sumusunod sa kaniyang mga utos.
Basahin ang buong kwento dito.
Tandaan:
Hindi kailangang pahirapan ang mga anak para maintindihan ang aral ng Diyos mula sa Bibliya. Happy reading and bonding para sa mga parents at kids na nagbabasa ng tagalog bible stories!
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!