#TAPMAM 2021: Cass Brion - Bibong Pinay pagdating sa pag-ibig at pamilya

"Kung minsan, ang kailangan ko ay hindi magsalita. Kailangan kong makinig." - Cass Brion/Bibong Pinay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikaw ba ay nalulungkot at walang makausap tungkol sa buhay mag-asawa? Kilalanin si Mommy Cass Brion, o mas kilala bilang Bibong Pinay.

Sa pagdiriwang ng International Women’s Month, malugod naming inihahandog sa inyo ang The Asian Parents Marvelous Asian Mum Awards o TAP MAMAs 2021, kung saan kinikilala namin ang 20 nakakabilib na kababaihang nagbigay ng mahalagang kontribusyon at nakatulong sa kanyang kapwa nanay at babae.

Mababasa mo sa artikulong ito:

  • Ang nakakatuwang kwento ng pag-ibig ni Bibong Pinay
  • Ang “Sandwich Approach” na paraan sa pagdidisiplina sa mga anak
  • Mensahe ni Bibong Pinay sa mga babaeng may problema sa asawa

“Kapag ang lalaki ang may problema, ang kailangan niya ay solusyon. Kapag ang babae ang may problema, ang kailangan lang niya ay kausap.”

Minsan mo na bang narinig ang kasabihang ‘yan? Nakakatawa pero may halong katotohanan rin.

Kadalasan, kapag may problema tayong mga babae lalo na kung buhay pag-ibig o pamilya ang pag-uusapan, ang gusto lang naman natin ay iyong may makikinig sa atin nang walang pagsermon at panghuhusga. Minsan may maipapayo rin na makakatulong sa atin.

Dito nakilala si Mommy Cass Brion, o mas sikat sa pangalan ng blog niya na Bibong Pinay.

Si Mommy Cass ay isang blogger at content creator.  Isa rin siyang mompreneur, at butihing ina at asawa.

Sa pamamagitan ng kanyang blog na Bibong Pinay, ibinabahagi ni Mommy Cass ang kaniyang mga saloobin tungkol sa pamilya. Nagbibigay rin siya ng payo sa kaniyang mga tagasubaybay tungkol sa mga problemang may kinalaman sa pag-ibig at buhay mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nga ba nagsimula si Mommy Cass bilang Bibong Pinay?

Larawan mula sa Facebook page ni Cass Brion na Bibong Pinay

Dalaga pa lang raw siya ay hilig na talaga niya ang magsulat at magbigay ng payo sa kaniyang mga kapwa babae. Ngayong mayroon na siyang sariling pamilya, layon naman niyang ibahagi ang kanyang mga karanasan para magbigay ng pag-asa sa mga mag-asawa at mga ina.

“Kung ano ang nangyayari sa araw-araw kong buhay bilang mommy, bilang asawa, bilang babae, ‘yung ang pino-post ko. Sinusulat ko ‘yun sa notepad, tapos sa gabi habang nagpapatulog ng mga bata, tsaka ako nagpo-post sa blog,” sabi ni Mommy Cass.

Natutuwa naman ang mga taga subaybay ni Bibong Pinay, na karamihan ay mga babae at mga nanay, dahil ang mga payong ibinibigay niya ay may saysay at ramdam na may malasakit.

“Sobrang nakaka-touch kapag merong mommy o wife na nagpo-pour out sila ng heart. Meron silang nakakausap, a shoulder to lean on kahit virtual lang.” dagdag pa niya.

Pero paano nga ba niya nalalaman kung ano ang ipapayo sa mga humahanga sa kaniya? Saan niya hinuhugot ang mga payo na ibinabahagi niya?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Mommy Cass, marami naman siyang napaghuhugutan ng mga ibinibigay niya na payo. Para sa kaniya, lahat ng kasagutan ay matatagpuan sa Bibliya, at sinisiguro niya na ang pinagkukunan niya ng karunungan ay mula sa Salita ng Diyos.

Nakakatulong sa kaniya ang pagbabasa ng mga librong may kinalaman sa buha mag-asawa at pagiging magulang. Nakakakuha rin siya ng mga payo mula sa kaniyang mentors, o mga kaibigang nanay o babae na tinitingala niya.

Huli sa lahat, nagpapayo si Mommy Cass mula rin rin sa kanyang karanasan bilang babae at isang ina.

Buhay pag-ibig ni Bibong Pinay

Sa usapin ng pag-ibig, tila pinalad si Mommy Cass sa pagpili ng kaniyang makakatuwang sa buhay. Pero hindi pala ito naging simple. Ibinahagi niya rin sa’min ang kakaibang kwento ng pag-ibig nila ng kaniyang asawang si Mark.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong dalaga pa siya, pinangarap ni Cass na kung sino man ang magiging unang boyfriend niya ay siya na ring mapapangasawa niya. Pero hindi nauwi sa kasalan ang una niyang relasyon kundi sa hiwalayan.

Kaya naman ipinagdasal niya sa Diyos na sa sunod niyang relasyon, na sana wala nang paligoy-ligoy pa at maging tapat ang kaniyang makakarelasyon sa intensyon nito na magpakasal.

Larawan mula sa Facebook page ni Cass Brion na Bibong Pinay

Tila narinig naman ang kaniyang panalangin dahil sa unang date pa lang nila ni Mark, sinabi niya na agad kay Cass na siya ang babaeng gusto nitong pakasalan. Sa araw rin na iyon, sinabi rin ng lalaki na magpapakasal sila sa sunod na kaarawan niya.

Nang sagutin ni Cass si Mark matapos ang ilang buwang panliligaw, inaya niya agad itong magpakasal. Pagkatapos ng walong buwan, tulad ng sinabi ni Mark sa unang date nila, nagpakasal sila sa mismong birthday nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ba natakot o nag-alinlangan si Cass sa bilis ng mga pangyayari?

“May pagkaganun. I have this fear na, siyempre forever ko na itong makakasama. Dapat ata kilalanin ko pang mabuti. Pero kahit merong chaos sa isip ko, I have this peace in my heart. Alam ko na this is from God. Kahit na nakakabigla, alam ko na ito na yun,” aniya.

Naging mabilis man ang kanilang pagliligawan at pagpapakasal, maganda pa rin naman ang kinahantungan ng pagsasama nina Cass at Mark. Ngayon ay masaya sila sa piling ng isa’t isa at ng kanilang tatlong anak.

Si Bibong Pinay bilang isang nanay

Bukod sa pagiging mapagmahal na asawa, si Mommy Cass ay isang mapag-arugang ina. Siya ay hands-on mom sa kanilang mga anak na sina Faith, Hope at Grace.

Ngayong lumalaki na ang mga ito, aminado siya na mas marami pa siyang natututunan sa pagiging isang nanay. Ngayon, sinusubukan niya ang Scream-free Parenting kung saan iniiwasan ang pagsigaw sa mga anak kahit gaano sila kakulit.

Aniya, “Ayoko na susunod lang sila sa ‘kin dahil may palo o dahil galit na si Mommy.” Mas gusto niya na susunod sila sa kanyang sasabihin dahil nakakakuha sila ng inspirasyon mula sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan

STUDY: 6 epekto sa bata kapag sinisigawan siya

6 healthy tips kung paano disiplinahin ang batang mainitin ang ulo

 

Larawan mula sa Facebook page ni Cass Brion na Bibong Pinay

Tanong naman ng mga nanay, paano kung ayaw makinig ng iyong anak kahit ilang beses mo nang sinabi ito sa kanya?

“Kung minsan, ang kailangan ko ay hindi magsalita. Kailangan kong makinig.” Kung sakaling magkamali ang iyong anak, sa halip na pagalitan, mas maigi na tanungin ang bata kung bakit niya nagawa ito. Sa ganitong paraan, doon mo malalaman kung ano ang kailangan ng iyong anak.

Naniniwala si Mommy Cass na iba-iba ang pagdidisiplina sa mga bata. Mayroon silang kani-kaniyang personalidad at pamamaraan sa pag-aaral. Iniiwasan din nilang mag-asawa na pagkumparahin ang mga anak sa isa’t isa.

Sandwich Approach

Ibinahagi rin ni Mommy Cass ang “Sandwich Approach” na ginagamit niya sa pagdidisiplina ng mga anak.

Isa itong paraan ng pakikipag-usap kung saan uunahin mo ang pagpuri o pagsabi ng magagandang komento sa iyong kausap. Susundan ito ng opinyon o kung ano sa tingin mo ang nagawang mali. Pagkatapos ay babalik ka sa pagpuri at palalakasin mo ang kanyang loob na kaya pa niya itong pagbutihan sa susunod.

Kapag ganun ang ginawa kog approach sa aking anak, may halong kilig at may halong excitement na, ‘Next time, I will do better.'” kuwento ni Mommy Cass. “Mahirap sa umpisa, pero kapag natutunan, pwede mo na itong gawin sa iba, pati sa iyong asawa,” dagdag pa niya.

Mga payo ni Bibong Pinay

Larawan mula sa Facebook page ni Cass Brion na Bibong Pinay

Napakarami talagang matututunan ng mga babae, ina at asawa mula kay Mommy Cass. Para kang mayroong kaibigan na nagbibigay ng payo at pag-asa nang walang halong pangungutya o panghuhusga.

Ano ba ang payo ni Mommy Cass sa mga kababaihan na naghahanap ng makakatuwang sa buhay, “Hingin niyo kay Lord ‘yung lalaki na ilalapit kayo sa kaniya. Kasi kapag ang lalaking iyon mahal na mahal si Lord, for sure, mamahalin rin kayo niyan ng todo.”

Ano naman ang sikreto ng matatag na pagsasama ng mag-asawa? Para kay Mommy Cass, ito ay ang kanilang pananampalataya sa Diyos. Kailangang ilagay ang Diyos sa gitna ng relasyon niyo bilang mag-asawa. “Kasi kapag dumating ‘yung time na parang gusto mo nang bumitaw, si Lord ang magsasama ulit sa inyo.”

Hinihikayat niya ang mga kapwa ina at asawa na huwag mawalan ng pag-asa, dahil lahat naman ng mag-asawa ay dumaraan sa mga pagsubok. “Kapit lang. Kapit ka kay Lord at siya na ang bahala sa inyong dalawa.”

Sinulat ni

Camille Eusebio