Nakatakda na ang pinakamalaking book sale ng taon—ang Big Bad Wolf Manila 2019!
Kagaya ng nakaraang taon, magbibigay ang Big Bad Wolf Books ng 50 hanggang 90% sa may 2 milyong libro mula sa iba’t ibang genre at categories, kabilang ang mga children’s books. May mga librong tungkol sa mga paboritong characters ng mga bata kagaya ng Frozen at iba pang Disney characters. Mayroon ding mga educational books na nagtuturo magbasa at magbilang.
Nagsimula noong 2006 sa Malaysia, layunin ng event na mabigyan ng oportunidad ang mga tao na makabili ng mga libro sa murang halaga.
Big Bad Wolf Manila 2019
From February 22 hanggang March 24, gaganapin ang book sale sa World Trade Center sa Pasay. Bukas ang naturang sale ng 24 hours at libre ang admission dito.
Anong mga libro ang balak ninyong bilihin, mga mommies at daddies?
Source: Rappler, Click the City
Basahin: Karamihan ng grade 7 students ay hindi marunong magbasa!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!