X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Billy Crawford sa basher: "'Pag ang Panginoon ang nasa gitna ng relationship mo nothing can stop it."

4 min read

Makahulugan ang pagsisimula ng September para sa real life couple na sina Billy Crawford at wife nitong si Coleen Garcia. Ito ay matapos isilang ng aktres ang kanilang first baby noon lamang September 10.

Bukod sa pagiging positibo ng dalawa sa pagsisimula ng kanilang pamilya, hindi pa rin mawawala ang mga taong hindi naniniwala sa kanila.

Billy Crawford, sinagot ang basher laban sa pagsasama nila ng wife na si Coleen

Matatandaan na noong May 1, taong kasalukuyan, inanunsyo ng actress-model na si Coleen Garcia ang kaniyang unang pagbubuntis sa kaniyang asawang si Billy Crawford. At noong nakaraang buwan nga lamang ay matagumpay na isinilang ng aktres si baby Amari thru water birth.

Makikita sa bawat Instagram post ng aktor kung gaano ito ka-proud bilang daddy. Walang kahirap-hirap nitong nabubuhat si baby Amari kapag natutulog o nakikipaglaro. “He’s been lifting his head like this since the day he was born! My little man.” sabi pa ng aktor sa isang Instagram post habang karga ang anak.

billy crawford wife

Billy Crawford wife, Coleen Garcia | Image from Billy Crawford Instagram

Maganda ang naging takbo ng kanilang unang mga araw. Kahit first time parents sila ni Coleen, tanggal ang pagod nila sa presensya pa lang ng kanilang anak.

Ngunit, nananatiling positibo si Billy Crawford matapos nitong makatanggap ng komento galing sa isang basher sa kaniyang Instagram post tungkol sa paghihiwalay nila ni Coleen kapag sinubok ng panahon.

“Katagalan pag sinubok kayo ng panahon maghihiwalay din kayo ng mama niyan.”

Kahit na negatibo ang komento nito sa litrato ni Billy at baby Amari, hiniling pa rin ng aktor ang kabutihan sa basher.

“First of all pag ang Panginoon ang nasa gitna ng relationship mo nothing can stop it. Second Etong panahon natin ng pandemia nag iisip ka pa ng dagdag negatibo sa mundo. May God guide you and keep you and your family safe from harm. Wag kang mag alala ipag dadasal namin ng asawa ko ang kabutihan mo.”

-Billy Crawford (@billycrawford)

Ayon sa aktor, kapag Panginoon ang sentro ng inyong relasyon, hinding-hindi ito magtatapos.

billy crawford wife

Billy Crawford wife, Coleen Garcia | Image from Billy Crawford Instagram

Bukod pa rito, maraming followers ni Billy ang nadismaya at hindi natuwa sa naturang komento ng basher. Marami ang nainis at sinasabing ‘wag gawing negatibo ang isang positibong pangyayari.

Noong nakaraang buwan, malungkot na inanunsyo ng aktor ang tuluyang pag-alis nito sa Kapamilya Network. Kasabay nito ang pagpasok ni Billy sa bago nitong network na TV5. Magkakaroon na rin siya ng noon time show na may pinamagatang “Lunch Out Loud” kasama ang kaniyang mga co-host na sina Alex Gonzaga, K Brosas at Wacky Kiray.

Dinepensahan ng aktor ang mga katagang ang naturang show niya raw ay rival sa dati nitong noontime show na “It’s Showtime”

Coleen Garcia pregnancy journey

Sa isang vlog nila sa kanilang YouTube channel na The Crawfords, ikinwento ni Coleen Garcia ang kaniyang kakaibang pregnancy journey kasama ang kaniyang asawang si Billy Crawford.

Ayon sa aktres, hindi naging madali ang kaniyang pagbubuntis dahil sa kaniyang Polycystic Ovarian Syndrome o mas kilala bilang PCOS. Dahil rito, madalas siyang umiinom ng pills para rito. Dahil sa madalas na pagpunta sa check-up niya, nawala rin agad ang kaniyang PCOS.

Bukod sa PCOS ni Coleen, pinayuhan din sila ng kanilang doktor na hindi pa oras para sila ay magkaanak. Ito ay dahil sa dating lifestyle ni Billy. Mahilig kasi itong uminom ng alak at manigarilyo dati ngunit halos 2 years na rin ng itigil niya ito.

billy crawford wife

Billy Crawford wife, Coleen Garcia | Image from Coleen Garcia Instagram

Nang nagbuntis si Coleen ay labis silang nagulat ng malaman ito. Ito ay dahil hindi karaniwan na ma-delay ang period ng aktres dahil nga sa iniinom nitong pills para sa PCOS.

Unang naramdamang sintomas ng pagbubuntis ng aktres ay ang pagsusuka. Kaya naman nang mag-take ng pregnancy test si Coleen, dalawang line ang nakita niya rito ngunit ang isang line ay malabo. Kwento ng aktres na hindi agad niya ito sinabi sa asawa dahil baka delayed lang talaga siya ng period at maaaring bumalik din agad.

Ibinahagi rin ng aktres na hindi agad sila naka pag honeymoon dahil hindi nagkakatugma ang kanilang schedule ng asawa. Kung magbabakasyon man, saglit lang at puro work trips rin ito. Taong April 2018 nang magpakasal sina Coleen Garcia at Billy Crawford.

 

BASAHIN:

FIRST LOOK: Assunta De Rossi gives birth to first baby!

Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari

LOOK: Andi Eigenmann, ibinahagi ang secret sa kaniyang pagiging fit habang buntis

Partner Stories
Creamier, Tastier, and Meltier! More Moms are Discovering the Deliciousness of  Eden Melt Sarap!
Creamier, Tastier, and Meltier! More Moms are Discovering the Deliciousness of Eden Melt Sarap!
Access Travel CEO launched her first book “Meet the World”, inspires people around the globe to be adventurous like kids
Access Travel CEO launched her first book “Meet the World”, inspires people around the globe to be adventurous like kids
What’s Your Christmas Wish? Make Them Come True with Panasonic
What’s Your Christmas Wish? Make Them Come True with Panasonic
Why it’s Increasingly Important to Grow Nature Smart Preschoolers
Why it’s Increasingly Important to Grow Nature Smart Preschoolers

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Billy Crawford sa basher: "'Pag ang Panginoon ang nasa gitna ng relationship mo nothing can stop it."
Share:
  • Check out these amazing photos from Billy and Coleen's wedding!

    Check out these amazing photos from Billy and Coleen's wedding!

  • Coleen Garcia: "I never anticipated how hard it would be..."

    Coleen Garcia: "I never anticipated how hard it would be..."

  • 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

    8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Check out these amazing photos from Billy and Coleen's wedding!

    Check out these amazing photos from Billy and Coleen's wedding!

  • Coleen Garcia: "I never anticipated how hard it would be..."

    Coleen Garcia: "I never anticipated how hard it would be..."

  • 8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

    8 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko