Kris Aquino sa pagkakaroon ni Bimby ng pneumonia at hindi niya ito malapitan dahil sa taglay niyang sakit: “It was the worst feeling in the world.”

Pero ayon sa latest health update ni Kris, maganda ang epekto sa kaniyang katawan ng bagong treatment na kaniyang pinagdadaanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bimby Aquino Yap na-diagnose na may pneumonia. Kris Aquino malungkot sapagkat hindi niya malapitan at maalagaan ang anak dahil sa malubha at sensitibo niya ring kalagayan.

Mababasa dito ang sumusunod:

Bimby Aquino Yap na-diagnose na may pneumonia

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Malungkot na ibinahagi ni Kris Aquino na na-diagnose na may pneumonia ang anak niyang si Bimby Aquino Yap. Mula sa sintomas na ipinapakita nito ay kinumpirma ng kanilang family doctor ang sakit na taglay ng kaniyang anak. Ayon pa kay Kris, ay pangatlong beses ng nagkaroon ng pneumonia si Bimby at ang huli ay noong 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic. Dagdag pa ni Kris, tulad niya ay marami ring skin allergies si Bimby at may sakit na asthma magmula pa noong siya ay siyam na taong gulang.

Sa ngayon, maliban sa pag-aalala para sa kalagayan ng anak, labis daw na nalulungkot si Kris na hindi man lang niya malapitan si Bimby. Hindi niya man lang daw maalagaan ang anak sa sakit na nagpapahirap dito sa ngayon. Ito ay dahil mismo sa malubhang sakit na kaniya ring nilalabanan na dahilan para maging labis na maging sensitibo ang kaniyang kalusugan. Thankful nga daw si Kris na hindi iniwanan ng panganay niyang si Josh ang bunso niyang kapatid at hindi ito nahahawa ng sakit.

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It was the worst feeling in the world. As most parents would agree, when your family doctor says you aren’t allowed to go near your son. And help take care of him because you’re undergoing immunosuppressant therapy using chemotherapy medication.”

“Thank God bimb’s kuya josh stubbornly refused to leave the connecting room where bimb had to stay. He was bimb’s constant companion & even though my nurses kept telling kuya to stop hugging bimb tuloy pa rin sya. Thank God matibay kuya’s resistance, hindi sya nahawa ng kahit ubo o sipon.”

Ito ang pahayag ni Kris sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris Aquino health update

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Sa parehong IG post ay nagbigay rin ng update si Kris tungkol sa kaniyang kalusugan. Ayon sa kaniya, maganda ang improvemeng ng kalusugan niya sa treatment na ginagawa niya ngayon. At hinihiling niya na sana matuloy-tuloy pa ito dahil para kay Kris kailangan niyang lumaban at magpagaling para sa mga anak na sina Josh at Bimby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement