Bago ang lahat, congratulations sa iyong successful delivery! Sa loob ng nakaraang siyam na buwan, ang iyong katawan ay dumaan sa maraming pagsubok at pagbabago—physically man ‘yan o emotionally. Pero teka! ‘Wag kang magmadali. May oras pa para sa pagpapagaling.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano gumagana ang binder matapos manganak?
- Kailan at paano gumamit ng belly binder?
- Mga uri ng belly binder
- Safety tips sa paggamit ng belly binder
Kapag nakakaya mo nang tumayo ng diretso, maaaring subukan na ang paggamit ng pregnancy binder. Maituturing itong pinaka epektibong paraan sa pagpapagaling ng nanay na galing sa panganganak.
Pero pwede ba ito sa lahat? Paano ang mga nanay na sumailalim sa cesarean section, pwede ba silang gumamit ng binder matapos manganak?
Binder matapos manganak: Paano ito gumagana?
Ang belly binder ay isang materyal na gawa sa isang elastic fabric at isinusuot sa laibot ng tiyan. Ginagamit ito pagkatapos operahan, postpartum o para sa pananakit ng likod. Nirerekomendang isuot ito ng mga nanay na isinailalim sa cesarean section pero nakakatulong din ito sa nanay na nanganak ng natural.
Para sa kaalaman ng lahat, mayroon ng belly binder ilang siglo na ang nakakaraan. Saka lang ito nakilala paglipas ng ilang dekada. Karamihan sa mga bagong panganak na nanay ay pinapayuhang magsuot ng belly binder para maibalik ang dating katawan.
Bukod pa rito, nakakatulong ito sa kondisyon na kung tawagin ay diastasis recti. Mahalaga ito para mapanatili ang posisyon ng tiyan at organs sa kanilang dating pwesto. Kaya naman bahagi na ng recovery ni mommy ang pagsusuot ng binder matapos manganak.
Simple lang ang paggamit ng belly binder. Kailangan mo lang itong ibalot sa iyong tiyan. Magagawa nitong i-compress ang iyong abdomen at suportahan ang muscles.
Gayunpaman, siguraduhin na ‘wag itong ipulupot ng mahigpit para makahinga ka pa rin.
BASAHIN:
Bagong panganak ka ba? I-consider mo ang paggamit ng postnatal belly band
Back pain? 5 best prenatal belly band in the Philippines na makakatulong sa iyo
Ehersisyo sa buntis: Paano mag-exercise sa bawat trimester ng pagbubuntis?
Bakit epektibo ang belly binder?
Ang pagbubuntis ay naaapektuhan ang anatomic (physical/structural) at physiologic (functional) na pagbabago ng isang babae. Kasama sa usapang ito ang balanse ng buntis.
Maaaring makapagpahina ng joints at hormones ang pagtaas ng timbang nila. Apektado rin ang spine dahil sa nakausling tiyan ng mga nanay habang buntis. Ito ay nagreresulta ng pananakit ng likod.
Kapag nanganak kana, nanaisin mong bumalik na kaagad sa dati mong katawan. Alam mo bang makakatulong din ang paggamit ng belly binder dito?
Ngayon, dahil ito ay mukhang waistband, inaakala ng mga tao na nakakatulong ito sa pagpapapayat. Subalit ito ay hindi epektibo para sa pagbabawas ng timbang. Hindi ito waistband! Isa itong supportive device na makakatulong sa recovery ng bagong panganak na babae.
Kailan at paano gumamit ng belly binder?
Kung nais mong gumamit na ng belly binder, kailangang alam mo ang iyong tamang birthing technique at binding method.
Halimbawa, ikaw ay nanganak vaginal delivery, maaari ka nang gumamit ng belly binder pagkatapos na pagkatapos ng iyong panganganak. Kung ikaw naman ay sumailalim sa C-section, kailangan mong maghintay ng dalawa o tatlong buwan bago magsuot nito.
Subalit mas maganda pa rin na kumunsulta sa iyong doktor bago sumubok o magsuot ng belly binder.
Safety tips sa paggamit ng belly binder
Maaaring isipin mo na, “Hey! Anong safety tips na kailangan ko sa pagsusuot ng belt?” Bilang bagong panganak na ang tanging focus lang sa oras na ito ay ang pag-aalaga ng kanilang baby.
Malamang ay sumasagi rin sa isip mo ang iyong pisikal na anyo. Maaaring ma-conscious ka na hindi maayos ang pagsusuot ng bider t iba pa.
Narito ang safety tips na kailangan mong tandaan:
-
Pagsasabi ng ‘Hindi’ kapag masyadong masikip
Ang belly binder ay isang tool para suportahan ang pelvic floor mo habang pinapagaling din ang iyong katawan. Gayunpaman, kung ang pagsusuot nito ay sobrang higpit, magkakaroon lang ng matinding pressure sa iyong pelvic floor. Ito ay hindi nakakabuti sa pagpapagaling at internal organs mo.
-
Tanggalin ito at huminga
Kung nahihirapan kang huminga habang gamit ang belly binder, mali ang pagkabit mo nito sa iyong tiyan. Tanggalin ang belly binder at i-adjust ulit ito ng tama. Kailangan ay nakakahinga ka ng maayos kapag suot mo ito.
Ngayong alam mo na ang tamang paggamit nito, pag-usapan naman natin ang tamang pagbili ng binder. Alam mo bang maraming belly binder ang available sa market?
Narito ang bagay upang hindi malito sa tamang pagbili ng belly binder.
Mga uri ng belly binder
Ang belly binder ay isang adjustable elastic band na ginagamit sa tiyan. Nagbibigay ito ng gentle compression sa mga gumagamit nito.
Narito ang iba’t ibang uri ng belly wrap na matatagpuan sa market:
- Abdominal Compression Binder: Ito ay nirerekomendang gamitin sa mga babae pagkatapos operahan. nagbibigay ito ng magandang compression at adjustable rin ito. Ang Abdominal binders ay pumapalibot sa abdomen ng magsusuot nito. Kadalasan itong ginagamit ng mga dumaan sa abdominal surgery katulad ng exploratory laparotomy at kahit na cesarean sections.
- Corset-style: Ang Corset-style binders ay tila gamit para mahubog ang katawan na sinusuot sa ilalim ng damit. Mayroon itong iba’t ibang istilo, hugis at laki. Ginagamit ito sa matinding compression para patagin ang iyong tiyan.
- Waist Trainers: Ang waist trainers ay nagbibigay ng ‘firm compression’ para sa extra na suporta. Isa itong shaping garment na makakatulong para magkaroon ng maliit na baywang. Tandaan, hindi ito makakatulong para sa pagbabawas ng timbang.
Payo ng doktor
Kadalasang pinapayo ng mga doktor ang pagsusuot ng Abdominal Compression Binder. Subalit kung ikaw ay fit at malakas, maaari ka nang gumait ng corset at waist trainers.
Tandaan, ang pagpapagaling mula sa panganganak ay kinakailangan ng mahabang oras. Kailangan mong magbigay ng extra attention sa iyong baby pati na rin sa iyong katawan. Isa na rito ang paggamit ng belly binder.
Ang belly binder ay epektibong solusyon sa pagpapagaling mo. Maaari mo itong isama sa daily routine mo! Subalit bago gumamit nito, tandaan lamang na mas mabuting humingi ng abiso o gabay sa iyong doktor sa pagsusuot ng belly binder. Nakadepende ito sa surgery na iyong dinaanan. Maaari nang magsuot ng post-pregnancy binder hanggang anim na linggo o hanggang sa matapos ang iyong pagpapagaling.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano