Postnatal belly band in the Philippines
Binabago ng motherhood ang isang babae inside and out. Pagkatapos manganak, ang katawan ng mga mommies ay hindi agad bumabalik sa kanilang pre-pregnancy state.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano pumili ng tamang postnatal belly band?
- 6 pinakamahusay na postnatal belly band in the Philippines
Postnatal belly band in the Philippines | Image from Dreamstime
Bagaman iba-iba ang pagtanggap ng bawat nanay sa kanilang bagong katawan, normal lang na ang ilan sa mga nanay ay gustong maging fit agad sa lalong madaling panahon. Makakatulong diyan ang postnatal belly band. Narito ang ilan sa mga pinakamagandang postnatal belly band in the Philippines.
Pero tandaan din na mahalaga ang pagpapahinga nang ilang linggo matapos manganak. Ito ang susi sa paggaling mo.
Ang kagandahan sa belly band ay pinapanatili nito sa tamang lugar ang iyong muscles, pinapaganda ang iyong posture, pinapaayos ang pagdaloy ng iyong dugo, at nakakatulong din ito para mawala ang back pain, pamamaga, at pamamanas.
Isang pag-aaral ang ginawa noong 2019 ang nagpakita na ang postpartum belly band ay malaki ang naitulong sa pagbawas ng sakit sa tiyan, post-surgery pain, at discomfort sa mga nanganak sa pamamagitan ng C-section.
Ito ay kumpara sa mga nanay na hindi gumamit ng belly wrap.
Postnatal belly band in the Philippines | Image from Freeik
Paano pumili ng tamang postnatal belly band
Nakakatulong ang belly binding hindi lang sa mga nanganak sa pamamagitan ng C-section ngunit pati na rin sa mga normal nanganak. Madaming mga disenyo at uri ng belly band. Mayroon itong iba’t ibang haba, design, at presyo.
- Functionality
- Gaano ito kaepektibo? Alamin kung ano ang mga teknolohiya o disenyo na ginamit para makatulong ito sa iyong recovery.
- Comfort
- Hindi mo kailangang tiisin ang discomfort kapag gumagamit ka ng postpartum belly wrap. Sa katunayan, dapat nga ito ay komportable para patuloy mo itong magamit.
- Safety at ease of use
- Dapat madali rin itong isuot dahil para hindi mo na ito intidihin at makapag-focus ka kay baby.
- Inirerekomenda ba ito ng mga doktor? Siguraduhin na safe itong gamitin.
6 pinakamahusay na postnatal belly band in the Philippines
Para sa mga mommies na naghahanap ng abot-kayang produkto na hindi kinokompriso ang kalidad.
Bakit magugustuhan mo ito?
Ang Mama’s Choice Postpartum Adjustable Corset ay magaan sa bulsa ngunit epektibo pa rin. Ang isa sa kinaganda ng produktong ito ay ang Velcro closure nito na sinisigurong tama ang sikip nito sa iyong katawan.
Nakakatulong din ito na mapagaan ang sakit na nararamdaman sa iyong likod, maibsan ang pamamaga at mapabilis ang pag-recover mula sa panganganak.
Maaari itong gamitin ng mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng caesarian section basta kumunsulta muna sa iyong doktor.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Velcro design na nagbibigay ng pinakamainam na compression para sa mas epektibong pagpapayat ng tiyan.
- Nagbibigay suporta sa lower back, tumutulong na ibalik ang postura, nakakabawas ng sakit sa likod at tumulutong sa mas mabuting recovery.
- Comfort
- Bukod sa adjustable, ang mga materials nito ay polyester at elastic fibres na hindi nakakairita sa balat.
- Safety at ease of use
- Velcro closure para hindi ito gumalaw.
- Madaling gamitin.
- Presyo: ₱874 o ₱999 depende sa size.
Para sa mga mommies na mas gusto ang band na aprubado ng mga OB-GYN, ang produktong ito ay isa sa kanilang mga top picks.
Bakit magugustuhan mo ito?
Ang bamboo charcoal fiber technology-based wrap na ito ay hindi lang para paliitin ang iyong baywang kundi para rin suportahan ang muscles ng iyong tiyan. Ang triple-point compression na dulot ng bamboo charcoal ay nakakatulong sa iyong body heat at dahil dito gumaganda ang iyong blood flow, nababawasan ang pamamaga, at nakakatulong s sa iyong recovery.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Mayroon triple compression fiber technology para sa magandang resulta.
- May built-in boning construction na mainam sa back support.
- Tumutulong para sa recovery at core muscle support.
- Nakakatulong din para mabawasan ang pamamaga.
- Comfort
- Adjustable ito kaya komportable gamitin.
- Safety at ease of use
- Inirerekomenda ito ng mga OB-GYN.
- Antibacterial at moisture-absorbent ang gamit nito.
- Madaling gamitin.
- Presyo
- ₱5,944.00 para sa 2 piraso
Ang brand na ito ay may cult following sa mga nanay dahil proven effective ito.
Bakit magugustuhan mo ito?
Kumpara sa ibang belly band, ang Wink Belly and Hip Shaper ay mas mahaba at umaabot hanggang sa baba ng balakang. Sure kang secure ito dahil mayroon itong elastic band na nagkokonekta mula sa baba pataas.
Features na gusto namin dito
Postnatal belly band in the Philippines | Image from Dreamstime
- Functionality
- Mayroon itong seamless design na pwede mong suotin sa ilalim ng iyong damit.
- Ang 2 layers ng compression material nito’y nagsisigurado ng mataas na levels ng compression.
- Pwede mo itong i-adjust habang lumiliit ang iyong tiyan dahil mayroon itong 6 panels ng hook and eye enclosure nito.
- Comfort
- Idinisenyo ito para umakma sa katawan at curves ng babae: ang taas nito ay mas maikli kaysa sa baba para sakto ito sa waistline at balakang ng mga kababaihan.
- Safety at ease of use
- Matibay ito at maaari mong gamitin nang paulit-ulit.
- Presyo
Inirerekomenda ito ng mga physiotherapists para suportahan ang matris, tiyan, pelvis, at likuran kaya isa ito sa mga pinakamahusay na postnatal belly band in the Philippines.
Bakit magugustuhan mo ito?
Nagagawa ito nito sa pamamagitan ng compression sa pelvic at abdominal area para i-hold ang lumaking tiyan, lawlaw na balat, at muscles matapos manganak.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Isinasama ang bamboo charcoal material sa paggawa ng belly band na ito. Nakakatulong ang bamboo charcoal para sa kanyang antibacterial properties.
- Nagbibigay rin ito ng far-infrared na nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo.
- Nakakatulong ito sa pagbalik ng lakas sa iyong core at pag-stabilize ng iyong tiyan at sugat mula sa C-section.
- Mainam din itong back support habang buhat mo si baby.
- Comfort
- Ang mesh weave structure nito ay pinapanatili kang cool at dry.
- Safety at ease of use
- Ito ay aprubado ng TGA Safety Regulation.
- Presyo
Medyo may kamahalan ito pero siguradong makakatulong ito sa iyo, particular na sa mga petite na nanay dahil mas maliit at fitted ang design nito.
Bakit magugustuhan mo ito?
Isa ito sa mga pinakakilalang postpartum belly wrap dahil sa mabilis na waist-slimming results nito (6-8 linggo), adjustable at skin-friendly na design, at mahusay na suporta sa tiyan.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Mayroon itong Power Compress Core para sa targeted compression na nakakatulong sa pagpapaliit ng tiyan.
- Nakakapagpalakas din ito ng abdominal muscles at nakakatulong para maka-recover sa mga mommies na may diastasis recti.
- Magugustuhan mo rin ang epekto nito na nakakapagpaganda ng posture, nakakaalis ng back pain, at nakakapagbigay suporta sa iyo habang ikaw ay nagwo-workout.
- Comfort
- Skin-friendly ito dahil gawa ito silky soft bamboo viscose.
- Mas maikli ito kaya bagay sa mas maiklling baywang.
- Safety at ease of use
- Adjustable ito hanggang sa 9 inches at may curved fit para sa karagdagang comfort.
- Meron itong 6 na support panels at 2 compression panels para sa mas magandang fit.
- Presyo:
Full coverage, flexible design, at masikip na belly wrap ang maaasahan mo sa postnatal belly band na ito. Para sa mga nanay na nais pagdaanan ang postpartum sa kanilang sariling pace, ang multi-layer na band na ito ang para sa inyo.
Bakit magugustuhan mo ito?
Habang sinusuportahan nito ang core muscles mo, iniiwasan naman ng firm band nito na dumulas at matanggal ang belly band kaya komportable itong gamitin.
Features na gusto namin dito
- Functionality
- Ang compression nito ay nakakatulong patatagin ang iyong muscles sa tiyan.
- Habang unti-unting nagbabago ang hugis ng iyong katawan, kusang luluwag ang band na ito para mag-adjust sa iyong hugis.
- Comfort
- Skin-friendly at hindi dumudulas ang band na ito.
- Safety at ease of use
- Madaling labahan.
- Multi-layered ang tela nito kaya seamless ang itsura sa kahit anong outfit mo.
- Presyo
BAHAHIN:
LIST: 7 best baby feeding bottle brands para kay baby
LIST: Best baby wash for newborns in the Philippines at kung magkano ito
Mosquito repellant na safe para sa baby at bata