Maraming iba’t ibang uri ng available nursing dress sa Philippines. Malaking ginhawa ang pagkakaroon ng nursing dress na nagbibigay ng easy access para sa breastfeeding. Makatutulong din ito para sa mga working mom na kailangang mag-pump ng breast milk kahit nasa trabaho.
Hindi pare-pareho ang mga mommy pagdating sa pagiging komportable na mag-expose ng kanilang breast sa publiko. Common struggle ng mga mommy ang pagpapasuso sa kanilang mga anak sa pampublikong lugar. Lalo na at hindi rin lahat ng baby ay gustong nakabalot o tinatakpan habang sumususo sa kanilang mommy. Kaya mahalagang bumili ng nursing dress na angkop sa inyong pangangailangan.
Buti na lang ay maraming nursing clothes in the Philippines na mabibili online!
Bakit mahalaga ang breastfeeding?

Bago mamili ng best nursing dress, pag-usapan muna natin ang benepisyo ng breastfeeding hindi lang para kay baby kundi para na rin sa mommy.
Isa ang breastfeeding sa mga pinaka epektibong paraan para masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng inyong anak. Ideal food para sa mga sanggol ang breast milk dahil ligtas at malinis. In addition, mayroon itong antibodies na makatutulong na protektahan ang inyong anak laban sa mga common childhood illness.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga batang napasuso ng kanilang ina ay mas matalas ang isip, mas maiiwasang maging overweight o obese, at less prone sa diabetes sa kanilang pagtanda. Meanwhile, ang mga babaeng naranasang mag-breastfeed ay mas maliit ang tsansang magkaroon ng breast at ovarian cancers.
Nirerekomenda ng WHO at UNICEF ang exclusive breastfeeding sa mga newborn until six months old. Ibig sabihin, walang ibang dapat kainin o inumin kahit na tubig ang baby bukod sa breastmilk.
Pagtungtong ng bata sa edad na anim na buwan, maaari na itong bigyan ng masusustansyang pagkain habang patuloy ang breastfeeding hanggang siya ay two years old.
Mga dapat i-consider sa pagbili ng nursing dress
Iba’t iba ang pangangailangan ng mga mommy at baby kaya’t mahalagang alamin kung ano ang akmang nursing dress na dapat bilihin. Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagbili ng best nursing clothes:
- Breastfeeding access – Ito ang top priority sa pagpili ng best nursing dress. Dapat madaling ma-access ang iyong breast upang hindi mahirapan sa pagpapasuso.
- Style – Mahalagang piliin ang style na angkop sa preference mo bilang babae. Magandang bumili ng nursing dress na pwede mong magamit kahit tapos na ang breastfeeding journey mo bilang mommy.
- Quality – Dahil recommended na i-breastfeed si baby hanggang sa siya ay 2 years old na, mabuting pumili ng nursing clothes na high quality at magagamit nang matagalan.
- Comfort – Alamin ang material na ginamit sa nursing dress at piliin ang tela at style na komportable kang suotin.
- Presyo – Dapat ding i-consider ang budget ng pamilya. Piliin ang nursing dress na swak sa budget.
Best nursing dress Philippines: Mura at komportable para sa breastfeeding moms
Narito ang ilan sa mga best nursing dress in the Philippines na maaari niyong pagpilian depende sa inyong pangangailangan bilang breastfeeding moms.
Best Nursing Dress To Buy
 | Bbab Breastfeeding Maternity Dress Best summer nursing dress |  | View Details | Buy Now |
 | Helena Maternity/Nursing Dress Best for plus-size women |  | View Details | Buy Now |
 | Sterling Formal Nursing Maternity Dress Best for working moms |  | View Details | Buy Now |
 | V-Neck Rolled-Up Nursing Dress Best casual nursing dress |  | View Details | Buy Now |
 | Olivia Off-Shoulder Maternity and Breastfeeding Dress Best for formal occasions |  | View Details | Buy Now |
Best summer nursing dress

Kung ang hanap mo’y preskong nursing dress, perfect choice ang Bbab Breastfeeding Maternity Dress. Tamang-tama for summer ang sleeveless nursing dress na ito. Aside from masarap suotin, elastic ang tela at may easy access sa breastfeeding.
May size chart ang store kung saan maaaring tingnan ang sukat na akma sa iyong body type. Cute ang design at pwedeng gamitin before, during, at after ng breastfeeding journey.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Naaangat ang tela sa bandang dibdib.
- Style – Sleeveless at knee-length ang nursing dress na ito. Printed flowers ang design at available sa iba’t ibang kulay.
- Quality and Comfort – Gawa sa cotton at polyester material na soft at presko sa katawan. Maayos at matibay ang pagkakatahi.
Best for plus-size women

Para sa mga mommy na plus-size ang body type, best ang Helena Maternity and Nursing Dress para sa inyo. Available ang nursing dress na ito sa apat na sizes: semi-large, large, extra-large, at 2XL.
Maaaring gamitin sa casual at semi-formal occasions ang nursing dress na ito. Mayroon itong round neckline, short sleeves, at A-line skirt at iba’t ibang design pattern.
Aside from that, maternity dress din ito kaya tipid si mommy dahil pwede niya itong suotin nang matagal mula sa pagbubuntis hanggang sa breastfeeding stage ni baby.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Nahahawi ang V-Line sa bandang dibdib kaya maadaling ma-aaccess ni baby ang magkabilang breast ni mommy.
- Style – Available ito sa iba’t ibang kulay. Ang plain white ay pwede ring gamitin bilang wedding dress ng pregnant bride.
- Quality and Comfort – Gawa sa cotton spandex material at matibay ang pagkakagawa. Stretchable ang tela at presko sa katawan.
Best for working moms

Struggle ang breastfeeding para sa working moms kaya malaking tulong ang nursing dress para madaling makapag-breast pump kahit nasa trabaho. Perfect for working moms ang Sterling Formal Nursing Maternity Dress.
Hindi lang ito para sa mga nagpapasuso ng kanilang mga anak, pwede rin ito para sa mga kasalukuyang pregnant. In addition, maganda ang style ng dress na tamang-tama para sa mga nagtatrabaho sa opisina. As a bonus, maaari ding gamitin sa mga semi-formal occasion o kaya naman tuwing magsisimba.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Nahahawi ang gilid ng breasts area.
- Style – Available sa iba’t ibang kulay at iba’t ibang size mula small hanggang double XL. May round neckline, ¾ sleeves, at pleated skirt.
- Quality and Comfort – Gawa sa high-quality neoprene material. Makapal ang tela kaya best na suotin sa mga lugar na malalamig.
Best casual nursing dress

Bihira ang mga dress na may side-pocket kaya kung mahilig kang maglagay ng gamit sa bulsa, itong V-Neck Rolled-Up Nursing Dress para sa’yo.
Perfect din ito para sa mga mommy na plus-size ang body type dahil available ito hanggang 5XL. Pwedeng gamitin sa mga casual occasion o sa paglabas-labas ni mommy sa bahay kasama si baby.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Naaangat ang upper hem nito sa breast area.
- Style – Mayroong v-neckline, hanggang tuhod ang haba at may 13-15 inches sleeve opening. Available sa iba’t ibang kulay.
- Quality and Comfort – Specially knitted ang nursing dress na ito na gawa sa polyester material. Soft, stretchable at breathable kaya komportableng suotin kahit saan.
Best for formal occasions

Malambot at maaliwalas sa pakiramdam ang Olivia Off-Shoulder Maternity and Breastfeeding Dress. Pwede itong suotin sa formal occasions tulad ng kasal. Maganda ang disenyo at available sa iba’t ibang vibrant colors.
Para sa mga mommy na mahilig magsuot ng floor-length dress, you can also use this for smart casual occasions tulad ng family gathering, pagsisimba, pagpunta sa mall, at sa pakikipag-date kay daddy.
Not only that, maternity dress din ito kaya pwedeng suotin habang pinagbubuntis pa si baby. Because of this, makakatipid ka dahil maaari itong magamit nang matagal na panahon.
Mga nagustuhan namin dito:
- Breastfeeding access – Pwedeng i-angat ang upper hem sa bandang dibdib at maaari ding ibaba ang shoulder part para i-breastfeed si baby.
- Style – Off-shoulder at ankle length ang nursing dress na ito. Available sa iba’t ibang kulay, striped pattern, at floral design.
- Quality and Comfort – Gawa sa cotton spandex material. Stretchable, soft, at comfortable sa balat. Maayos ang pagkakatahi at matibay.
Price Comparison
May napili ka na bang nursing dress na sakto sa pangangailangan mo bilang breastfeeding mom? Narito ang price list ng best nursing dress in the Philippines!
Product |
Price |
Bbab Breastfeeding Maternity Dress |
Php 554.00 |
HELENA Maternity and Nursing Dress |
Php 299.00 |
Sterling Formal Nursing Maternity Dress |
Php 330.00 |
V-Neck Rolled-Up Nursing Dress |
Php 340.00 – Php 382.00 |
Olivia Off-Shoulder Maternity and Breastfeeding Dress |
Php 349.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Kung mas komportable ka naman sa top clothes, basahin ito: Best Nursing Tops for Breastfeeding