Hindi maikakaila na ang pagkakaroon ng baby ay nakakapagpabago sa katawan ng isang mommy. Ang epekto nito ay hindi lang makikita kapag kasalukuyang pinagbubuntis ni mommy si baby ng 9 months. Tumatagal din ito kahit pagkatapos manganak ng isang ina. Lalo na sa tummy muscles.
Image form Shutterstock
Pero ano nga ba ang dahilan ng ‘bulge’ o umbok sa tiyan pagkatapos manganak? Paano mo mapipigilan ito? At bakit ang ibang mommy ay pilit na nagkakaroon nito samantalang ang iba ay hindi?
Ang mga internal organs natin ay nasa mga ilang layer ng muscles na nakapalibot mula sa ating abdominal wall. Ito ay lumalawak na parang cylinder mula sa baba ng pelvis hanggang pataas sa ating rib cage; mula sa spine hanggang sa rectus abdominus-six pack na muscles sa harap. Ang linea alba ay ang nakikita nating patayong guhit sa gitna ng ating tyan patungo sa belly button.
Ano ang Diastasis Recti?
Ano Diastasis Recti ay isang medical term sa abnormal na paghihiwalay ng iyong rectus muscles (abdominal seperation). Dahil dito, nagreresulta sa paglaki o paglawak ng mga fibre na humahawak sa mga muscles ng tyan.
Malinaw na kapag itinaas mo ang iyong ulo at may lumitaw na umbok sa gitna ng iyong tyan, kadalasan ito ay sa belly button patungo sa rib cage. Ngunit kung minsan, ito ay mas malala pa.
Ano ang sanhi ng abdominal seperation?
Marami ang pwedeng maging sanhi ng Diastasis Recti. Samakatuwid, ang iba ay ipinanganak nang ganito. Ngunit ito ay isang kondisyon na patuloy na nagdedevelop. Kapag ang mga tissues ng abdominal wall ay na-stretch at humina, ito ang nagiging sanhi ng paghihiwalay ng six pack muscles. Ano mang kondisyon na makakapagpataas ng abdominal pressure ay maaring makapagdulot ng obesity o constipation.
Ang mga may malalang diastasis recti ay kadalasang may dalawang uri.
Una, mayroong mga obese na matatanda. Sunod naman ang mga maliliit na babae na dumaan sa large pregnancies. Maaari rin itong magpakita sa mga older mommy at dumaan na sa maraming pagbubuntis.
Ngunit bago mag-panick ang mga first time mom, hindi lahat ay nagkakaroon ng malalang diastasis recti.
Paano masasabing mayroon ka nito?
Madaling masasabi sa’yo ng iyong doctor kung ikaw ay may abdominal separation. Ito ay kapag sumailalim ka sa isang examination. Sa makatuwid, maari kang makakuha ng idea sa simpleng pag sundot ng iyong tyan.
Kung may makikita siyang pag-umbok sa iyong tyan ito ay maaaring may separation na naganap. Ngunit, gamit ang ultrasound examination, dito na makukumpirma ang iyong kalagayan.
Diastasis Recti Treatment: Paano ito maiiwasan?
- Para sa mga buntis, iwasan ang pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay, na nasa 10 kg pataas. Iwasan din ang pagsasagawa ng crunches sa iyong workout. At kung tatayo ka mula sa pagkakahiga, gumulong muna sa iyong side at umupo.
- Stay healthy and fit. Sa katanuyan, mataas ang porsyento ng posibleng pagkaiwas sa abdominal seperation kung ikaw ay nagsasagawa ng proper exercise habang ikaw ay buntis.
- Hindi maikakaila na mahirap talaga ang magbuntis. At ang pag-eehersisyo ay hindi nagagawa ng lahat ng nanay. Sa issue na ito, kailangan lang talaga maging aktibo at pilitin maglaan ng oras.
Ano ang gagawin ko pagkatapos kong manganak at nakaramdam ako ng ganito?
Ang pagbubuntis para sa mga first time ay talagang mahirap at challenging. Ngunit may mga ilang bagay na maaaring makatulong sayo kung sakaling ikaw ay handa na.
- Magsuot ng mga mahihigpit na pantalon pagkatapos mapanganak ni baby. Maaaring makatulong ito sa iyong abdomen upang bumalik ulit sa dating ayos.
- Kapag naging magaan na iyong oras pagkatapos manganak, magbigay na ng time para sa iyong pag eehersisyo. Mas magiging epektibo ito kung magpapatulong ka sa maga eksperto. Ito ay para mapatibay at mapalakas ulit ang iyong abdominal wall muscles.
- Hindi lahat ng mommy ay nagiging epektibo ang kanilang pag eehersisyo. Ang iba sa kanila ay nahihirapan. Ngunit kung nais mo talagang mawala ang iyong bulge, maaari ka ring dumaan sa surgery. Lalo na kung malala na ito dulot ng ilang ulit na panganganak. Alalahanin lang na ang mga sumasailalim sa surgery ay kailangang tapos na magkaroon ng baby.
Republished and translated with permission from theAsianparent Singapore.
BASAHIN: It’s okay not to look perfect after pregnancy, says Haylie Duff , 6 tips for a flat tummy after pregnancy
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!