Isang Singaporean na mag-asawa ang humaharap sa kaso ng pagpatay sa kanilang 5 taong gulang na anak.
Ang mag-asawang si Azlin Arjunah at Ridzuan Mega Abdul Rahman, parehong 27 taong gulang, ay inaakusahan ng paulit-ulit na pangaabuso sa kanilang anak. Namatay ang bata sa mga pinsalang natanggap matapos siyang binuhusan ng mainit na tubig nuong Oktubre taong 2016.
Matagal na siyang inaabuso ng mga magulang
Ayon sa prosekyuson, ang bata ay diumano’y inabuso nang apat na buwan. At sa pagitan lamang ng Hulyo at Agusto taong 2016, may 10 beses pa ng pang-aabuso na naganap.
Hulyo ng parehong taon, ang ama ng bata ay gumamit ng pliers nang dalawang magkaibang okasyon para kurutin ang puwet at hita nang ilang beses, na nagdulot ng mga pasa.
Isang buwan ang makalipas, pinalo ng ina ang bata ng walis sa kanyang katawan, likod, at mga hita dahil nakatabig ito ng lata ng biskwit. Nag-iwan ito ng mga pasa sa kanyang tiyan at naging sanhi ng pagkakaroon ng pilay at hindi pantay na tuhod.
Sa pagitan ng katapusan ng Agusto at simula ng Setyembre, nasabing pinaso ni Ridzuan ang palad ng kanyang anak gamit ang ininit na bakal na kutsara matapos siyang sabihan ni Azlin na siya na ang bahala sa bata.
Pagdating ng Oktubre, tumindi ang pang-aabuso kasabay ng pagiging iritable ng mga magulang sa kanilang anak. Sa isang pagkakataon, pinitikan ng sigarilyong may sindi ang bata sa kanyang braso nang hindi siya sumagot sa kanyang ama. Matapos ito, napalo pa siya ng kanyang ama ng hanger sa kanyang palad.
Isang linggo bago mamatay ang bata, nasabing paulit-ulit siyang binuhusan ng mainit na tubig – na may init na 86.5°C at 98.7°C – ng kanyang mga magulang na naging dahilan na matuklap ang balat at magpaltos ang dibdib, balikat, at hita.
Dalawang araw bago mamatay ang bata, kinulong siya ng kanyang mga magulang sa kulungan ng pusa na may taas na 70cm, lapad na 58in, at haba na 90cm.
Ang araw ng pag-atake
Nuong ika-22 ng Oktubre – isang araw bago mamatay ang bata – nasabing pinalo ni Ridzuan ang ulo, kamay, at hita ng bata para tanggalin nito ang kanyang salawal para maligo.
Nang nasa inidoro, binuhusan ulit ni Ridzuan ang bata ng mainit na tubig na nagdulot ng pagkahulog ng bata at pagkawala ng malay.
Sa takot na baka makulong dahil sa pang-aabuso, pinatagal pa ng mag-asawa ng 6 na oras bago dinala ang bata sa KK Women’s and Children’s Hospital.
Ang bata ay namatay nang sumunod na araw.
Kasunod ng kanyang pagkamatay, inaresto agad si Ridzuan sa kanyang bahay, habang si Azlin ay inaresto 2 araw ang makalipas.
Tumira ang bata sa foster mom nang 4 na taon
Ayon sa mga media reports, sa unang 4 na taon ng bata ay nakatira siya sa kaibigan ni Azlin na si Ms. Zufarina Abdul Hamid. Ito ay dahil parehong walang trabaho ang mag-asawa at kailangan ng financial assistance nung mga panahon na iyon.
Si Ridzuan ay nagkaroon ng kaunting pera sa pagbebenta ng mga gamit tulad ng agimat, gayuma at mga lumang pera sa website na Carousell.
Sa pagtira kay Ms. Zufarina, nasabing naalagaan nang mabuti ang bata. Tinawag niya pa ito na “mama.” Tumira na ang bata sa kanyang mga magulang nuong taong 2015.
Mental health condition ng mga magulang
Matapos mamatay ang bata, sinuri ng psychiatrists ang mental state ng mga magulang.
Napag-alaman na si Azlin ay nakakaranas ng adjustment disorder na may depressed mood. Si Ridzuan naman ay may antisocial na katangian ng pagkatao tulad ng attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) and intermittent explosive disorder (IED).
Subalit, ayon sa korte ay matino sila at kayang harapin ang kaso.
Sa paglilitis, tinawag ni Deputy Public Prosecutor Tan Wen Hsien ang pagkamatay ng bata na “kakila-kilabot at kalunos-lunos” at pinagsabihan ang mag-asawa sa kanilang “malupit at kasuklam-suklam na pag-uugali.”
“Bukod sa dinanas na pisikal na pang-aabuso, hindi lubos maisip ng sino man ang sakit at pagdurusa na tinanggap ng bata sa mga buwan bago siya namatay. Siya ay pinahirapan hanggang mamatay, at wala siyang matakbuhan,” dagdag pa niya.
Kung mahatulan sa pagpatay ng kanilang 5 taong gulang, si Azlin at Ridzuan ay haharap sa death penalty o habang buhay na pagkakulong na may kasamang caning.
Patuloy ang paglilitis.
Isinalin sa wikang Filipino mula sa artikulo ng theAsianparent Singapore
Basahin: 1-taong gulang, binabaril diumano ng pellet gun ng mga magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!