Malaking bagay sa ating mga Pilipino ang binyag ng baby. At para sa mga magulang, mahalaga na walang maging problema o aberya sa binyag ng kanilang pinakamamahal na anak. Ngunit paano kung pagkakita mo sa binyag ay biglang naging mala-“demonyo” ang pangalan ng iyong anak? Ano ang iyong magiging reaksyon?
Tarpaulin sa binyag ng baby, maling pangalan ang nakasulat
Gulat na gulat raw ang Twitter user na si @illustrious nang makita na naging “Inkyu Demon” ang pangalan ng kaniyang nakababatang kapatid sa tarpaulin para sa binyag.
Aniya, pagkarating raw niya sa restaurant kung saan gaganapin ang reception ay nagulat siya nang makita ang tarpaulin. Ito ay dahil sa halip na ang tamang pangalan ng kapatid niya ang nakalagay, “Inkyu Demon” ang nakasulat dito.
Dito niya naisip na nagkamali ng intindi ang restaurant na nagpagawa ng tarp. Aniya, inakala raw ng restaurant na ang e-mail address ng isa pa niyang kapatid ay ang pangalan ng baby. Dagdag pa niya sa isang Tweet na masama raw ang loob ng kaniyang ina sa nangyari.
Sa kabutihang palad ay wala naman raw bisita ang nakapansin dito, at kalaunan ay inayos rin ng restaurant ang tarpaulin.
Matapos niyang i-post ang insidente sa Twitter ay mabilis itong nag-viral at ngayon ay mayroon nang mahigit 16,000 retweets at 56,000 na likes.
6 na bagay na dapat tandaan sa binyag ni baby
Bagama’t nakakatawa ang nangyaring insidente, mahalaga rin na makaiwas sa ganitong mga problema ang mga magulang. Ito ay dahil napakaimportanteng araw ng binyag para sa kanila at sa kanilang baby, kaya’t maaga pa lang ay dapat napaghandaan na ang lahat.
Heto ang 6 na bagay na kailangang tandaan ng mga magulang:
- Tumawag at magpa-reserve sa simbahan ng maaga upang hindi maubusan ng slots sa pagbibinyag.
- Alamin ang patakaran ng simbahan pagdating sa binyag at sa mga seremonyas.
- Pumili ng lokasyon na hindi gaanong malayo para sa mga dadalo sa binyag at reception.
- Huwag kumuha ng napakaraming mga ninong at ninang. Kunin lang ang mga malapit sa inyong pamilya.
- I-finalize ang guest list upang makapagpadala agad ng mga imbitasyon at makapagplano sa reception.
- I-confirm at i-finalize ang mga details upang maaga pa lang ay wala na kayong aalalahanin.
Source: Twitter
Basahin: 15 Most Instagrammable Catholic Churches in Metro Manila for your baby’s binyag
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!