Magiging permanente na ang bisa ng birth, marriage, maging ng death certificate matapos itong maging ganap na batas. Malalaman din sa article na ito ang dalawang paraan kung paano kumuha ng birth certificate.
Mababasa sa artikulong ito:
- Lifetime validity ng birth at marriage certificate, isa nang batas!
- Paano kumuha ng PSA birth certificate
Lifetime validity ng birth at marriage certificate, isa nang batas!
Isa nang batas ang Republic Act No. 11909 na nagbibigay ng lifetime validity para sa birth, marriage at death certificate.
Ito’y matapos mag-lapse into law ang naturang panukalang batas noong July 28, 2022.
Nagiging awtomatikong batas ang isang bill kapag ito ay hindi napirmahan ng Pangulo sa nakalipas na 30 araw buhat nang maipasa ito sa kaniyang opisina.
Matatandaan na inaprubahan na ng mga senador sa third and final reading ang Senate Bill (SB) No. 2450. Layunin ng panukalang batas na ito na gawing permanent ang validity ng birth, marriage at death certificate.
Ang mga ito ay maaaring certified sa Philippine Statistics Authority (PSA), local civil registries, at reports mula sa Philippine foreign services posts.
Nakakuha ng 21-0-0 boto ang nasabing Senate Bill at pirma na lang ng Pangulo ang kailangan para tuluyang maging isang batas. Matatandaang inaprubahan ng House of Representatives ang own version nila ng panukalang batas noong June 2021.
Ayon sa SB 2450, ang certificate ng birth, death, at marriage na certified ng PSA, National Statistics Office, at local civil registries ay magkakaroon na ng permanent validity nang hindi tinitingnan ang date of issuance. Maaari ring i-apply ang lifetime validity sa mga certificate mula sa Philippine foreign service posts.
Subalit kailangang tiyakin na ang dokumento ay buo pa at nababasa ang nakasulat. Kailangan ding malinaw ang authenticity at security feature ng certificate.
Para sa marriage certificate, applicable lamang ang lifetime validity kung ang kasal ay hindi pa annulled o nadedeklarang void sa ilalim ng Family Code of the Philippines o anumang subsequent amendatory law on marriage.
Kung ang nakasulat sa certificates ay hindi na mabasa o kaya naman ay may correction sa content nito, kailangang mag-submit ng new, amended o updated certificate ang taong kailangan nito.
Nilinaw naman ng ahensya ng PSA na walang expiration dates ang validity ng birth certificate. Ngunit may ilang mga government agency at private organization ang nagre-require na na magpasa ng bagong dokumento sa latest security paper.
Ang bagong birth certificate ay nagkakahalaga ng P155 at P365 naman ang cost ng delivery. Ito umano ang dahilan kung bakit nais ng mga mambabatas na ipasa ang nasabing batas.
Ito ay upang makatulong sa mga Pilipino na makatipid sa pagkakaroon ng mahahalagang dokumento.
BASAHIN:
Marriage license at iba pang mga dapat mong ihanda bago magpakasal
Late registration of birth certificate: 4 steps you need to follow
CENOMAR: Steps para makakuha ng Certificate of No Marriage Record
Paano kumuha ng PSA birth certificate?
Dahil sa pandemya, naglunsad ng online appointment system ang Philippine Statistics Authority (PSA). Kaya naman ang pagkuha ng PSA birth certificate mula sa kahit saang PSA branch ay required nang magkaroon muna ng confirmed appointment.
Narito ang step by step guide kung paano kumuha ng birth certificate sa PSA branch:
- Mag-book ng appointment sa PSA Online Appointment System
- Pumili ng PSA outlet o PSA branch
- Mag-provide ng contact information para sa iyong appointment
- Ise-send ang OTP (one-time passcode) sa iyong email. Kopyahin ito at mag-proceed sa next step
- I-fill out ang application form for birth certificate
- Pumili ng preferred date and time para sa iyong appointment
- Kumpirmahin ang detalye ng iyong apppoinment
- Magtabi ng digital copy ng iyong appointment slip
- Pumunta sa PSA outlet at ipakita ang CRS appointment slip. Kunin ang PSA birth certificate application form (AF) at queue ticket number (QTN).
- Magbayad ng processing fee na nagkakahalaga ng P155
- Tanggapin ang kopya ng iyong birth certificate
Kung ayaw mo namang pumila pa sa PSA branch, maaaring piliin ang easiest at hassle-free way. Pwedeng kumuha ng PSA birth certificate online.
Tiyakin na magsagawa lamang ng transaksyon sa websites na accredited ng PSA para sa kaligtasan ng inyong dokumento. Ang mga ito ay ang PSAHelpline.ph at PSAserbilis.com.ph
Narito ang step-by-step guide para sa online PSA birth certificate application:
- Bisitahin ang online website na accredited ng PSA.
- I-select ang order button at ilagay ang mga kailangang detalye
- Magbayad ng processing fees. Mas mahal ang pagproseso ng PSA birth certificate online dahil kasama rito ang delivery charge na Php 365 kada kopya. Maaaring gamitin ang credit card online o Bancnet card at magbayad sa ATM. Pwede rin namang magbayad gamit ang G-Cash, ECPay, at PayMaya. Tumatanggap din ng bayad sa birth certificate ang ilang convenience store, Palawan Express, at Dragonpay.
- Matapos ang confirmation ng payment, maide-deliver na ang iyong birth certificate within 3-4 working days kung ikaw ay nasa Metro Manila. 3 to 8 days naman kung ikaw ay outside Metro Manila.
Narito ang mga impormasyon na kailangan mong ibigay para makakuha ng birth certificate:
- complete name ng owner (first, middle, last)
- buong pangalan ng tatay
- buong maiden name ng nanay
- date of birth (month, day, year)
- place of birth (city/municipality/province)
- late ba o hindi inirehistro (kung late nai-register, ilagay ang taon kung kailan nairehistro)
- complete name and address ng requesting party
- relationship sa owner
- bilang ng kopyang kailangan
- purpose ng certification