TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Lifetime validity ng birth at marriage certificate, ganap nang batas!

5 min read
Lifetime validity ng birth at marriage certificate, ganap nang batas!

Nag-lapse into law na ang panukalang batas na nagbibigay ng permanent validity sa marriage, birth at death certicate.

Magiging permanente na ang bisa ng birth, marriage, maging ng death certificate matapos itong maging ganap na batas. Malalaman din sa article na ito ang dalawang paraan kung paano kumuha ng birth certificate.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Lifetime validity ng birth at marriage certificate, isa nang batas!
  • Paano kumuha ng PSA birth certificate

Lifetime validity ng birth at marriage certificate, isa nang batas!

birth certificate validity

Isa nang batas ang Republic Act No. 11909 na nagbibigay ng lifetime validity para sa birth, marriage at death certificate.

Ito’y matapos mag-lapse into law ang naturang panukalang batas noong July 28, 2022.

Nagiging awtomatikong batas ang isang bill kapag ito ay hindi napirmahan ng Pangulo sa nakalipas na 30 araw buhat nang maipasa ito sa kaniyang opisina.

Matatandaan na inaprubahan na ng mga senador sa third and final reading ang Senate Bill (SB) No. 2450.  Layunin ng panukalang batas na ito na gawing permanent ang validity ng birth, marriage at death certificate.

Ang mga ito ay maaaring certified sa Philippine Statistics Authority (PSA), local civil registries, at reports mula sa Philippine foreign services posts.

Nakakuha ng 21-0-0 boto ang nasabing Senate Bill at pirma na lang ng Pangulo ang kailangan para tuluyang maging isang batas. Matatandaang inaprubahan ng House of Representatives ang own version nila ng panukalang batas noong June 2021.

Ayon sa SB 2450, ang certificate ng birth, death, at marriage na certified ng PSA, National Statistics Office, at local civil registries ay magkakaroon na ng permanent validity nang hindi tinitingnan ang date of issuance. Maaari ring i-apply ang lifetime validity sa mga certificate mula sa Philippine foreign service posts.

Subalit kailangang tiyakin na ang dokumento ay buo pa at nababasa ang nakasulat. Kailangan ding malinaw ang authenticity at security feature ng certificate.

Para sa marriage certificate, applicable lamang ang lifetime validity kung ang kasal ay hindi pa annulled o nadedeklarang void sa ilalim ng Family Code of the Philippines o anumang subsequent amendatory law on marriage.

Kung ang nakasulat sa certificates ay hindi na mabasa o kaya naman ay may correction sa content nito, kailangang mag-submit ng new, amended o updated certificate ang taong kailangan nito.

Nilinaw naman ng ahensya ng PSA na walang expiration dates ang validity ng birth certificate. Ngunit may ilang mga government agency at private organization ang nagre-require na na magpasa ng bagong dokumento sa latest security paper.

Ang bagong birth certificate ay nagkakahalaga ng P155 at P365 naman ang cost ng delivery. Ito umano ang dahilan kung bakit nais ng mga mambabatas na ipasa ang nasabing batas.

Ito ay upang makatulong sa mga Pilipino na makatipid sa pagkakaroon ng mahahalagang dokumento.

BASAHIN: 

Marriage license at iba pang mga dapat mong ihanda bago magpakasal

Late registration of birth certificate: 4 steps you need to follow

CENOMAR: Steps para makakuha ng Certificate of No Marriage Record

Paano kumuha ng PSA birth certificate?

birth certificate validity

Larawan mula sa PSA Helpline

Dahil sa pandemya, naglunsad ng online appointment system ang Philippine Statistics Authority (PSA). Kaya naman ang pagkuha ng PSA birth certificate mula sa kahit saang PSA branch ay required nang magkaroon muna ng confirmed appointment.

Narito ang step by step guide kung paano kumuha ng birth certificate sa PSA branch:

  1.  Mag-book ng appointment sa PSA Online Appointment System
  2. Pumili ng PSA outlet o PSA branch
  3. Mag-provide ng contact information para sa iyong appointment
  4. Ise-send ang OTP (one-time passcode) sa iyong email. Kopyahin ito at mag-proceed sa next step
  5. I-fill out ang application form for birth certificate
  6. Pumili ng preferred date and time para sa iyong appointment
  7. Kumpirmahin ang detalye ng iyong apppoinment
  8. Magtabi ng digital copy ng iyong appointment slip
  9. Pumunta sa PSA outlet at ipakita ang CRS appointment slip. Kunin ang PSA birth certificate application form (AF) at queue ticket number (QTN).
  10. Magbayad ng processing fee na nagkakahalaga ng P155
  11. Tanggapin ang kopya ng iyong birth certificate

    birth certificate validity

Kung ayaw mo namang pumila pa sa PSA branch, maaaring piliin ang easiest at hassle-free way. Pwedeng kumuha ng PSA birth certificate online.

Tiyakin na magsagawa lamang ng transaksyon sa websites na accredited ng PSA para sa kaligtasan ng inyong dokumento. Ang mga ito ay ang PSAHelpline.ph at PSAserbilis.com.ph

Narito ang step-by-step guide para sa online PSA birth certificate application:

  1. Bisitahin ang online website na accredited ng PSA.
  2. I-select ang order button at ilagay ang mga kailangang detalye
  3. Magbayad ng processing fees. Mas mahal ang pagproseso ng PSA birth certificate online dahil kasama rito ang delivery charge na Php 365 kada kopya. Maaaring gamitin ang credit card online o Bancnet card at magbayad sa ATM. Pwede rin namang magbayad gamit ang G-Cash, ECPay, at PayMaya. Tumatanggap din ng bayad sa birth certificate ang ilang convenience store, Palawan Express, at Dragonpay.
  4. Matapos ang confirmation ng payment, maide-deliver na ang iyong birth certificate within 3-4 working days kung ikaw ay nasa Metro Manila. 3 to 8 days naman kung ikaw ay outside Metro Manila.

Narito ang mga impormasyon na kailangan mong ibigay para makakuha ng birth certificate:

Partner Stories
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Uni-Love New Endorser: Toni Gonzaga-Soriano
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Celebrating Your Child’s Growth Milestones
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
  • complete name ng owner (first, middle, last)
  • buong pangalan ng tatay
  • buong maiden name ng nanay
  • date of birth (month, day, year)
  • place of birth (city/municipality/province)
  • late ba o hindi inirehistro (kung late nai-register, ilagay ang taon kung kailan nairehistro)
  • complete name and address ng requesting party
  • relationship sa owner
  • bilang ng kopyang kailangan
  • purpose ng certification

Senate website, PhilPad

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Lifetime validity ng birth at marriage certificate, ganap nang batas!
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko