Blighted ovum: Ang karaniwang sanhi ng miscarriage

lead image

Ang karaniwang nasusuri bilang blighted ovum na kilala rin na anembryonic pregnancy ay ang pagtigil di-umano ng development ng embryo. Ano nga ba ito?

Sa normal na pagbubuntis, ang egg cell ay nafe-fertilize ng sperm matapos ang ovulation. Ilang oras matapos nito, nahahati na ang egg cell at dumadami. Ito ang simula ng pagkakaroon ng buhay ng pinagbubuntis sa gestational sac. Sa kasamaang palad, may mga dahilan kung bakit biglang natitigil ang development sa mga unang linggo. Ito ang karaniwang nasusuri bilang blighted ovum.

Ano ang blighted ovum

Kilala rin sa tawag na anembryonic pregnancy o anembryonic gestation, ang blighted ovum ay ang pagtigil ng development ng embryo kung saan naiiwan ang gestational sac na walang laman. Hindi parin malinaw ang dahilan kung bakit ito nangyayari ngunit ang naituturong rason ay ang abnormal na chromosomes ng fertilized egg cells.

Karaniwang nangyayari ang blighted ovum bago pa malaman ng babae na siya ay buntis. Ang pregnancy tests ay nagpo-positibo kapag naka-detect ito ng human chorionic gonadotropin (HCG). Ito ang hormones na inilalabas ng mga embryo sa simula pa lamang ng pagbubuntis.

Sintomas ng pagka-buntis at blighted ovum

Maaaring makaramdam parin ng mga sintomas ng pagkabuntis tulad ng pagiging sensitibo ng dibdib, pagkahilo at pagsusuka.

Nawawala ang mga sintomas na ito kapag ang embryo ay tumigil na sa paglaki at bumaba ang hormone levels. Sa puntong ito, makakaramdam ng konting pag-kirot sa may puson at magkakaroon ng spotting. Makikita sa ultrasound na ang gestational sac ay walang laman.

Matapos ang blighted ovum

Ang blighted ovum ay karaniwang nagreresulta sa pagkalaglag ng pagbubuntis. Maaaring antayin na kusang malabas ang embryo, o kaya naman ay uminom ng gamot upang mailabas agad. May mga pagkakataon din na kinakailangan ng surgery upang matanggal ang placental tissues.

Karaniwan sa mga nakakaranas ng blighted ovum ay nagkakaroon ng anak sa sunod na pagbubuntis. Ngunit, kung nakakaranas ng sunod-sunod na miscarriage, kinakailangan magpa-konsulta sa duktor upang masuri ang sanhi.

 

Source: Mayo Clinic

Basahin: Senyales ng miscarriage ng walang pagdurugo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!