Mababasa sa artikulong ito:
- Ang epekto ng timbang sa pagbubuntis ng isang babae.
- Ano ang maaring gawin para ma-maintain ang healthy weight habang nagdadalang-tao?
Epekto ng timbang sa pagbubuntis
Nagbabalak magbuntis o kaya naman ay nagbubuntis na? Ayon sa findings ng isang bagong pag-aaral, mahalaga na dapat nasa healthy weight ka! Sapagkat kung hindi ay maaring maranasan mo ang isa sa madalas na komplikasyong nararanasan ng mga nagdadalang-tao.
Ito ang makunan o makaranas ng miscarriage, na ayon sa pag-aaral ay maaaring maulit o maging recurrent kung ikaw ay underweight, overweight o obese.
Natuklasan ito sa pag-aaral na isinagawa ng mga researcher mula sa University of Southampton na nailathala sa journal na Scientific Reports.
Ayon sa isa sa mga author at researcher ng pag-aaral na si Dr. Bonnie Ng, ang kanilang ginawang pag-aaral ay mula sa pagsusuri ng 16 na mga pag-aaral tungkol sa mga factor kung bakit nakakaranas ng miscarriage ang mga babae. Kabilang nga sa mga factors na kanilang tiningnan ay ang paninigarilyo at pag-inom ng alcohol at caffeine ng babaeng nagdadalang-tao.
Recurrent miscarriages ang maaaring maranasan ng isang babae kung hindi niya ma-maintain ang kaniyang healthy weight.
People photo created by yanalya – www.freepik.com
Mula sa mga data nilang nakalap ay natuklasan nga nila na mas madalas na nakakaranas ng recurrent o nauulit na miscarriages ang mga inang underweight o may body mass index na mas mababa sa 18.5. Ganoon din ang mga overweight o may BMI na 25 hanggang 30 at pati na ang obese na may BMI na higit sa 30.
Pagdedetalye ni Dr. Ng, pinakamataas umano ang tiyansa ng dalawang magkasunod na pregnancy losses sa mga babaeng may BMI na higit sa 25 at 30 o overweight na maaaring umabot mula 20%-70%.
Sa natuklasan ng pag-aaral, inirerekumenda na dapat mapanatili ng isang babae ang healthy weight kung siya ay magbubuntis o buntis na. Ito’y upang maiwasan na maranasan ang epekto ng timbang sa pagbubuntis na maaaring kumuha ng buhay ng sanggol na kaniyang dinadala.
“Our findings suggest that having an abnormal BMI exacerbates a woman’s risk of suffering from repeated miscarriages, and so clinicians really need to focus on helping women manage this risk factor.”
Ito ang pahayag ni Ying Cheong, isa sa mga researcher ng ginawang pag-aaral at Professor of Reproductive Medicine sa University of Southampton.
BASAHIN:
8 sex positions na nakakatulong magbawas ng timbang
#AskDok: Puwede bang mag-diet habang buntis?
8 signs na maaaring maging maselan ang pagbubuntis mo
Paano mapapanatili ang healthy weight sa pagbubuntis?
Isa sa laging sinasabi ng mga doktor, mahalaga na bago pa man magbuntis ang isang babae ay dapat nasa healthy weight na siya upang mabawasan ang mga tiyansa niyang makaranas ng komplikasyon o problema sa kaniyang pagdadalang-tao.
Ayon kay Dr.Yvonne Butler Tobah, obstetrician-gynecologist mula sa Rochester, Minnesota, ito ay magagawa ng isang babae sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
- Pagpapakonsulta sa doktor bago magbuntis.
- Pagkain ng tama o healthy diet.
- Mag-exercise ng at least 150 minutes kada linggo. Ito ay dapat magkahalong moderate at vigorous aerobic activity.
- Makipag-usap sa isang registered dietician o obesity specialist na makakatulong sayo.
Samantala, kung buntis na ay narito naman ang maaring gawin ng isang buntis para mapanatili ang malusog na timbang.
Kumain ng mga healthy foods.
Food photo created by valeria_aksakova – www.freepik.com
- Ang mga fresh na gulay at prutas ay puno ng vitamins at may mababang level ng calories at fats.
- Makakatulong din ang pagkain ng mga tinapay, crackers at cereals na gawa sa whole grains.
- Mabuti rin na piliin ang mga reduced-fat dairy products. Tulad na lamang ng pag-inom ng skim milk at pagkain ng low-fat o fat-free cheese o yogurt.
- Mabuti ring alamin ang mga amount ng calories, fat, at salt sa pagkaing iyong kinakain. Hangga’t maaari ay umiwas sa mga pagkaing may mataas na level ng mga nabanggit.
- Umiwas kumain ng mga pagkain mula sa fast foods kung maari. Kung lalabas o kakain sa isang restaurant, mabuting maghanap muna ng nag-o-offer ng mga healthier food choices. Tulad ng mga salads, soups, at vegetables.
Umiwas sa mga pagkaing maaaring makadagdag ng iyong timbang.
- Mas mabuting kumain o uminom ng mga pagkaing natural na matamis kaysa sa kumain ng mga artificially sweetened.
- Hindi rin makakabuti ang mga pagkain at inumin na may sugar o corn syrup bilang main ingredient.
- Suriin ang mga inumin o drinks na iyong ite-take. Basahin ang kanilang label at iwasan ang mga may mataas na level na calories at sugar tulad ng soda at fruit drinks.
- Iwasan ang mga junk-food snacks tulad ng chips, candy, cake, cookies at ice cream.
- Huwag ding masyadong kumain ng mga pagkaing may mataas na level ng fats. Tulad ng cooking oils, margarine, butter, gravy, sauces, mayonnaise, regular salad dressings, lard, sour cream, at cream cheese. Humanap ng mga lower-fat versions ng mga pagkaing nabanggit.
- Sa pagluluto ay mabuting gumamit ng mga low-fat cooking methods. Iwasan ang mga pritong pagkain dahil sa pinatataas nito ang level ng calories at fat sa isang meal. Sa halip ay mas piliin ang healthier at lower-fat methods of cooking tulad ng bake, broil, grill at boil.
Yoga photo created by gpointstudio – www.freepik.com
Mag-exercise.
- Mahalaga rin ang mag-exercise parin habang nagbubuntis. Mahalaga lang na bago gawin ang kahit anumang exercise ay magpa-konsulta sa iyong doktor kung ano ang safe na klase ng exercise sa iyong pagbubuntis. Ang paglalakad at pag-swiswimming ay dalawa sa mga exercise na inirerekumendang ligtas sa mga babaeng nagdadalang-tao.
Source:
Science Daily, Mayo Clinic, Medline Plus
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!