Blighted ovum: Ang karaniwang sanhi ng miscarriage

Ang karaniwang nasusuri bilang blighted ovum na kilala rin na anembryonic pregnancy ay ang pagtigil di-umano ng development ng embryo. Ano nga ba ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa normal na pagbubuntis, ang egg cell ay nafe-fertilize ng sperm matapos ang ovulation. Ilang oras matapos nito, nahahati na ang egg cell at dumadami.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang blighted ovum
  • Sintomas ng pagka-buntis at blighted ovum
  • Pag-diagnose sa blighted Ovum
  • Ano ang pwedeng gawin kung na-diagnosed ng blighted ovum?

Ito ang simula ng pagkakaroon ng buhay ng pinagbubuntis sa gestational sac. Sa kasamaang palad, may mga dahilan kung bakit biglang natitigil ang development sa mga unang linggo. Ito ang karaniwang nasusuri bilang blighted ovum.

Ano ang blighted ovum

Kilala rin sa tawag na anembryonic pregnancy o anembryonic gestation, ang blighted ovum ay ang pagtigil ng development ng embryo kung saan naiiwan ang gestational sac na walang laman. Hindi parin malinaw ang dahilan kung bakit ito nangyayari ngunit ang naituturong rason ay ang abnormal na chromosomes ng fertilized egg cells.

Karaniwang nangyayari ang blighted ovum bago pa malaman ng babae na siya ay buntis. Ang pregnancy tests ay nagpo-positibo kapag naka-detect ito ng human chorionic gonadotropin (HCG). Ito ang hormones na inilalabas ng mga embryo sa simula pa lamang ng pagbubuntis.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sanhi ng blighted ovum?

Ang sanhi ng mga miscarriages dahil sa blighted ovum ay kadalasan nagmumula sa problema sa chromosomes, ang nagdadala ng structures ng genes. Maaari dahil ito sa poor-quality ng sperm o kaya naman ng egg cell.

Pwede ring dahil ito sa abnormal na cell division. Anumang dahilan ng pagkakaroon nito ang iyong katawan ang titigil sa pagbubuntis o pagkilala na ikaw ay buntis. Dahil nire-recognize ng iyong katawan na ito’y abnormalidad.

Ang mahalaga ay naiintindihan mo na hindi ito mo ito kasalanan o wala kang ginawang mali kung bakit nalaglag ang iyong baby. Tandaan din na hindi rin ito na pe-prevent kaya naman huwag kang mag-isip na kasalanan mo ito.

Karamihan sa mga babae isang beses lamang nakakaranas ng bligthed ovum.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng pagka-buntis at blighted ovum

Maaaring makaramdam parin ng mga sintomas ng pagkabuntis tulad ng pagiging sensitibo ng dibdib, pagkahilo at pagsusuka.

Nawawala ang mga sintomas na ito kapag ang embryo ay tumigil na sa paglaki at bumaba ang hormone levels. Sa puntong ito, makakaramdam ng konting pag-kirot sa may puson at magkakaroon ng spotting. Makikita sa ultrasound na ang gestational sac ay walang laman.

Pag-diagnose sa blighted Ovum

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung tingin mo ay mayroon ka namang normal na pagbubuntis, hindi ka nag-iisa. Maraming babae na may blighted ovum ay nakakaranas ng mataas na level na human chorionic gonadotropin (hCG).

Ang placenta na nagpo-produce ng hormone na ito ay inire-release ito pagkatapos ng implantation. Kaya naman ang may blighted ovum ay patuloy pa ring makakaranas nang pagtaas ng hCG. Sapagkat ang placenta ay maaaring mag-grow sa maliit lamang na panahon, kahit hindi pa present an embryo.

Dahil rito, ang isang ultrasound test ay kinakailangan gawin upang ma-diagnose ang blighted ovum upang makumpirma na ang pregnancy sac ay walang laman.

Matapos ang blighted ovum

Ang blighted ovum ay karaniwang nagreresulta sa pagkalaglag ng pagbubuntis. Maaaring antayin na kusang malabas ang embryo, o kaya naman ay uminom ng gamot upang mailabas agad. May mga pagkakataon din na kinakailangan ng surgery upang matanggal ang placental tissues.

Karaniwan sa mga nakakaranas ng blighted ovum ay nagkakaroon ng anak sa sunod na pagbubuntis. Ngunit, kung nakakaranas ng sunod-sunod na miscarriage, kinakailangan magpa-konsulta sa duktor upang masuri ang sanhi.

Ano ang pwedeng gawin kung na-diagnosed ng blighted ovum?

Kung ang iyong doktor ay nadiskubre na may blighted ovum sa iyong prenatal appointment, maaaring sabihin sa iyo ng iyong doktor ang mga treatments option para sa iyo. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Paghintay sa sintomas ng miscarriage
  • Pag-inom ng mga medication katulad ng misoprostol (Cytotec), para magpatuloy sa miscarriage
  • Pagkakaroon ng D and C (dilation and curettage) surgical procedure upang tanggalin ang placental tissues mula sa iyong uterus.

Ang haba ng iyong pagbubuntis, medical history, at emotional state ay maaaring makaapekto dito at sa iyong doktor sa pagdedesiyon kung ano ang inyong gagawin.

Mas maganda na tanungin ang doktor kung ano ang mga side effects ng procedure na ito at mg standard risk sa mga ganitong procedure. Katulad na lamang ng surgical precidure na D and C.

Kahit na walang baby, may loss pa rin ng pregnancy ang iyong naranasan. Ang miscarriage ay napakahirap emotionally at ang pag-iintay kung kailan ito matatapos.

Sa ganitong dahilan, may ilang mga babae na nagdedesisyon na i-terminate ang kanilang pagbubuntis, surgically o kaya naman medication. Samantala, ang ilang babae naman ay hinahayaan na lamang na mangyari ang miscarriage ng natural.

Kausapin ang iyong doktor patungkol sa mga option na ito. Sabihin din sa kaniya kung hindi ka komportable sa mga options na available para sa iyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

STUDY: Underweight, overweight at obese na buntis mataas ang tiyansang makaranas ng recurrent miscarriages

Paano kakausapin ang iyong asawa pagkatapos makaranas ng stillbirth o miscarriage?

Frequently Asked Questions About Miscarriage

Maaari bang maiwasan ito?

Tandaan hindi maaaring maiwasan o ma-prevent ang blighted ovum.

Kung concern ka patungkol sa kundisyon na ito, kausapin ang iyong dokto patungkol sa mga posibleng genetic causes at testing procedures. Maaari itong makatulong upang maiwasan ito.

I-discuss din sa iyong doktor ang patungkol sa exposure sa mga toxins sa environment o kapaligiran na maaaring ma-link sa blighted ovum at miscarriage o pagkalalag ng baby.

Maaari bang magkaroon ng mga kumplikasyon sa mga pagbubuntis sa hinaharap?

Katulad ng iba pang miscarriage, ang iyong katawan at emotional well-being ay maghihilom din pagdating ng oras. Mahalagang malaman ng mga babaeng nakaranas ng blighted ovum ay maaari pa ring makaranas ng isang successful at malusog na pagbubuntis at panganganak.

Ikaw at iyong doktor ay maaaring pag-usapan kung gaano katagal ulit bago niyo subukang magbuntis at bumuo ng baby ng iyong asawa. Tipikal na nirerekomenda ng mga doktor na mag-intay ka muna ng tatlong full menstrual cycles bago sumubok ulit bumuo ng baby.

Kinakailangan kasi ng iyong katawan na magkaroon ng oras para ma-recover ng maayos upang masuportahan ang pagbubuntis. Sa oras na ito, magpokus sa pagkakaroon ng isang healthy lifestyle habits para sa iyong katawan. Gayundin para sa iyong mental health.

Ilan sa mga paghahanda na maaaring mong gawin ayon sa Healthline ay ang mga sumusunod:

  • Kumain ng mga masusustansiyang pagkain
  • Umiwas sa mga bagay na makakapagpa-stress sa iyo.
  • Mag-ehersisyo
  • Uminom araw-araw ng prenatal supplement na naglalaman ng folate.

Larawan mula sa iStock

Ang pagkakaroon ng blighted ovum ay hindi ibig sabihin na magkakaroon ka ulit nito. Subalit may mga factor na associated sa miscarriage na ito o pagkalaglag ng baby na pwede mo naman i-discuss sa iyong doktor.

Ilan sa mga factors na ito ay ang genetics, egg quality, at sperm quality. Ang iyong doktor ay maaaring irekomenda ang pag-test para sa mga kundisyon  na ito.

Ilan sa mga test na ito ay ang mga sumusunod:

  • preimplantation genetic screening (PGS), isa itong genetic analysis ng embryos na maaaring gawin bago pa ang implantation nito sa uterus ng babae.
  • Pagsasagawa ng semen analysis, ito ay ginagawa upang malaman ang kalidad ng sperm cell ng isang lalaki.
  • follicle stimulating hormone (FSH) or anti-mullerian hormone (AMH) tests, na makakatulong upang ma-improve ang egg quality ng babae.

Tandaan walang espisipikong dahilan kung bakit nakakaranas ang isang babae ng blighted ovum, hindi ibig sabihin na naranas mo ito ay mararanasan mo na ito ulit at hindi ka na magbubuntis pa ng maayos.

Maaari ka pa ring magbuntis ng healthy.

 

Source:

Mayo Clinic, WebMD, Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.