Dahil Valentine’s Day ngayon, maraming mga mag-asawa ang lumalabas para mag-date at maging romantic sa isa’t-isa. Bakit hindi gawing mas special ang inyong Valentine’s Day sa pamamagitan ng pagsubok sa blindfold sex?
Ang mga sex positions na ito ay nakakadagdag sa sensation ninyong mag-asawa, dahil hindi ninyo nakikita kung ano ang nangyayari. Mas sensual ang pakiramdam ng mga posisyon na ito, at siguradong makakadagdag sa excitement ninyong dalawa.
Blindfold sex positions para sa Valentine’s Day
Heto ang mga sex positions na siguradong magpapainit ng inyong gabi. Ang kailangan niyo lang ay blindfold, at siguradong magbabago ang sex life ninyong mag-asawa sa mga positions na ito.
1. Beginners brush
Sa position na ito, nakadapa ang isa sa inyong mag-asawa habang nakasuot ng blindfold. Habang ang isa naman ay mayroong hawak na malambot na feather, scarf, tela, o kaya kahit ice cube na dahan-dahang ipapahid sa likod ng naka-blindfold. Pagkatapos ay puwede mong i-stimulate ang private parts ng iyong asawa para makadagdag sa pleasure niya.
Makakatulong ito para ma-stimulate ang pakiramdam mo o kaya ng iyong asawa, at exciting ito dahil hindi mo nakikita kung ano ang nangyayari.
2. Mystery dance
Sa ganitong position, naka puwesto ka na parang sa cowgirl position, habang ang asawa mo naman ang nakasuot ng blindfold. Ikaw ang may kontrol ng paggalaw sa position na ito, kaya’t ikaw ang magdidikta ng bilis at lalim ng pagpasok ng iyong asawa.
Nakakatulong ito para mas mabilis kang magkaroon ng orgasm dahil puwede kang pumwesto upang ma-stimulate ang iyong G-spot. Nakakaturn-on din ito sa iyong asawa dahil siya naman ang magiging submissive, at ikaw ang dominant sa position na ito.
3. Rapture
Sa Rapture na position, ikaw naman ang nakasuot ng blind fold, habang binibigyan ka ng oral sex ng iyong asawa, o kaya gumagamit siya ng sex toy. Sa ganitong posisyon, mas nagiging masarap ang orgasm mo dahil mas nakatutok ka sa iyong sense of touch. Kaya’t bawat hawak at haplos ng iyong asawa ay nagiging mas exciting, at siguradong magkakaroon ka ng explosive na orgasm.
4. Blindfold bluff
Sa position na ito, papaupuin mo ang iyong asawa sa upuan habang siya ay nakablindfold. Dahil ikaw ang may kontrol, puwede mong i-stimulate ng dahan dahan ang iyong asawa upang ma-arouse siya ng todo. Kung gusto mo, puwede mo rin siyang bigyan ng blowjob o handjob habang siya ay nakaupo.
5. Blackout
Sa Blackout na position, parehas naman kayong nakablindfold ng iyong asawa. Walang specific na sex position para dito, ngunit madalas ay epektibo ang mga position na tulad ng Cowgirl, o kaya kahit anong position kung saan malalim ang pagpasok ng asawa mo.
Kakaiba ang position na ito dahil wala kayong nakikita, kaya’t mas magagamit ninyo ang inyong sense of touch upang maging mas sensual ang experience.
Source: Cosmopolitan
Basahin: 7 sex positions para ma-stimulate ang iyong G-spot
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!